Ganito Kami Ngayon, Paano Kayo Bukas?

Tuesday, October 25, 2005

Ang Pinay at ang Pamantayan ng Pisikal na Kagandahan sa Panitikan

Ano nga ba ang konsepto ng "kagandahan" sa Pilipinas? Lalo na't sa mga kababaihan sa panitikan? Maputi o morena? Kulot o Tuwid na buhok? Basahin ang pananaliksik ni Marisse Nepomuceno, isang Biology major.

Ang Pinay at ang Pamantayan ng Pisikal na Kagandahan sa Panitikan

ni Marisse J. Nepomuceno

INTRODUKSYON

Pangkaraniwan na ang makarinig tayo ng mga linyang katulad ng “Wow, pare, hanep!” Halos malunod na rin tayo sa paulit-ulit na pagpapalabas ng mga komersyal na katulad ng “kutis-porselana”, “Close-up smile”, “buhok na parang pina-rebond” at kung anu-ano pa. Hindi rin lalampas sa ating pansin ang mga katagang “the face that launched a thousand ships”, “million dollar legs” at “10”. At hindi tayo ipinanganak lang kahapon para hindi natin malaman ang kahulugan ng “Coca-cola shape”, “36-24-36” o “hugis-gitara”.

Ang mga katagang nabanggit ay mga palasak na turing sa kung ano ang katangian ng isang babaeng maganda. Ang mga ito ay karaniwan na nating ipinapalagay at tinatanggap na tumutukoy sa “kalidad ng isang bagay na kaaya-aya sa panlasa o sensibilidad” o “isang napakagandang babae” (Neufeldt) na siyang pangkalahatang depinisyon ng konsepto ng kagandahan sa talasalitaan. Umaabot na sa puntong ang larawan ng kagandahan ay tumutugon sa isa o sa kalipunan ng mga isinaad na deskripsyon.

Ngunit madaling mapansin na ang mga naturang ekspresyon ay mga imahe ng kagandahang likha o gawa ng tinatawag na media sa bansa. Dahil sa malawak na abot ng radyo at telebisyon sa kahit saang sulok ng mundo, nasasanay ang panlasa ng marami at natatanim sa kaisipan ng mga ito ang ganoong pananaw ng kagandahan. Bagaman ang ilan sa mga nabanggit na paglalarawan ng kagandahan (“face that launched a thousand ships”, atbp.) ay halaw o hango sa orihinal na mga akdang pampanitikan, mas naiiwan sa imahinasyon ng balana ang lantad na larawang hatid ng mga pahayagan, magasin at komiks na mas madaling abutin at intindihin ng madla. Sa mga pelikula namang kinatatampukan ng mga dayuhang artistang tulad nina Sophia Loren, Marilyn Monroe, Racquel Welch, Brigitte Bardot at ang mahabang listahan ng mga Elizabeth Taylor, James Bond beauties at marami pang iba (“Motion Picture Industry”, pp. 474-493), nananariwa at umuukit sa isip ng masa ang anyo at hugis ng kaakit-akit, na itinuturing na ring maganda. Lalo pang tumitibay ang paniniwalang ito sa panggagaya ng mga lokal na pantasya namang kinabibilangan nina Tetchie Agbayani, Gloria Diaz, Rosanna Roces (“flawless”), Joyce Jimenez (“pantasya ng bayan”), Diana Zubiri at marami pang iba. Ang mga nabanggit na galamay ng media ang patuloy na tumataguyod sa mas laganap at mas popular, kundi man tuwiran, na pamantayan ng kagandahan na nananaig sa kasalukuyan.

Ang penomenong ito ay natural na progresyon ng pagbabago ng konsepto ng kagandahan sa pangkalahatan. Ngunit ang epekto ng sitwasyong ito ay ang tuluyan nang pagkakalimot sa pamantayan ng kagandahang mas dalisay at naunang inihain ng mga henyo ng panitikan sa kani-kanilang mga sulatin at obra. Hindi maipagkakaila na ang mga ideya nila ng kung ano ang maganda mula sa mayaman nilang imahinasyon ang tinitingala at nagiging basehan ng pamantayan ng kagandahan sa bawat panahon bago umusbong ang impluwensya ng media. Maituturing na isang hamon, kung gayon, ang maungkat, mapag-alaman, at mapag-aralang muli ang pamantayan ng kagandahang napapaloob sa mga iba’t ibang uri ng panitikan at maihambing ang mga ito sa konseptong hatid ng media.

Suliranin

Pangunahing atensyon ng pananaliksik na ito ang matanto kung mayroong matatawag na pamantayan ng pisikal na kagandahang-babae sa panitikang Filipino.

Nais tignan ng pagsusuri kung mayroong kamalayan ang manunulat na Pilipino sa nabanggit na pamantayan. Interesado ang mananaliksik kung paano inilalarawan ang kagandahan ng Pinay sa panitikang Filipino at kung nagkakaayon ba sa paglalarawan ang mga lokal o katutubong manunulat upang makabuo ng isang pamantayan ng panlabas na kagandahan ng Pinay.

Sisikapin din ng pag-aaral kung puwedeng paghambingin ang palasak na pamantayan ng tinatawag na media sa mas teoritikal na pananaw ng mga tao sa panitikan at kung may kaibhan at/o pagkakatulad ang dalawa. Titignan din kung may mga iba pang pamantayang taliwas sa dalawa at/o may pagbabago sa konsepto sa pagdaan ng panahon.

Sa proseso ng pag-aaral, nilalayong sagutin ng pananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:

1. May kamalayan ba ang manunulat na Pilipino tungkol sa pamantayan ng pisikal na kagandahan ng Pinay?

2. Nagkakaayon ba ang mga nabanggit na manunulat sa paglalarawan ng gandang-Pinay upang makabuo ng isang pamantayan?

3. May kaibhan ba o pagkakatulad ang naturang pamantayan kung ihahambing sa pamantayan ng media?

4. May mga iba pa bang pamantayang kakaiba na nakakapagbago ng pamantayan ng pisikal na kagandahang babae sa pagdaan ng panahon?

Layunin ng Pag-aaral

Natural lamang na may kanya-kanyang sariling pamantayan ang bawat lahi ayon sa kanilang panlasa at kultura. Kahit sa isang bansa man, may tanging gandang tinatangi at hinahanap ng ilang sektor batay sa kanilang pangangailangan. Iba ang tipo ng mga ahensya ng mga modelo halimbawa at iba rin ang itinuturing ng maganda ng mga beauty pageant organizers.

Sa pangkalahatan, layunin ng pag-aaral ang makabuo ng isang pamantayan ng pisikal na kagandahang-babae para sa Pinay batay sa panitikang Filipino.

Sa partikular, nilalayon nitong:

1. Alamin ang kamalayan at pagkakasang-ayon ng mga manunulat na Filipino sa usapin ng kagandahan;

2. Ipakita ang mahalagang emphasis ng mga manunulat sa usapin at ang paraan ng paglalarawan ng kagandahan ng mga ito; at

3. Ihambing ang namumuong pamantayan at ipakita ang kaibhan at/o pagkakatulad nito sa pamantayan ng media sa kasalukuyan.

Tesis na pangungusap

May kamalayan at sapat na pagkakasang-ayon ang manunulat na Filipino tungkol sa usapin ng paglalarawan ng gandang Filipina para makabuo ng isang pamantayan ng pisikal na kagandahang-Pinay na may kaibhan at pagkakatulad sa ibang pamantayan (media at kanluranin).

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Dahil may kalawakan ang saklaw ng konsepto ng kagandahan sa pangkalahatan, minabuti ng mananaliksik na ipokus ang kalakhan ng pagsusuri sa pisikal na aspekto ng kagandahan ng kababaihan lamang. Tinalakay lang ang paksa ng kagandahang-lalake at panloob na kagandahan ng babae para makumpleto ang pagsalaysay at makita nang buong-buo ang konseptong pinag-aaralan. Isinali rin ang pananaw ng mga dayuhang manunulat kung nararapat at kailangang-kailangan. Bagaman mahalagang parte ng pagsusuri ang mga dahilan ng pagkakaiba at/o pagkakatulad ng mga pamantayan ng kagandahan, minarapat na ilimita ang diskusyon sa pagbanggit lamang sa malaganap at malawak na inpluwensya ng media sa pag-aaral.

Depinisyon ng mga Termino

Media- uri ng magkahalong panulat at biswal na komunikasyon tulad ng pahayagan, komiks, magasin, radyo, telebisyon at pelikula na mayroong malakas na impluwensiya sa tao o masa dahil sa mas malawak at mabilis na sakop at abot nito

Panitikan- mga likhang panulat na kinabibilangan ng tula, nobela, maikling kuwento, dula at sanaysay

Konsepto ng Kagandahan- tumutukoy sa mga bagay lalo na sa tao, babae man o lalake, na may kalidad na kaaya-aya sa panlasa o sensibilidad(senses)

Panloob na Kagandahan- aspekto ng kagandahang ipamamalas na tulad ng karakter, talento, personalidad at kauri nito

Pisikal na Kagandahan- panlabas na aspekto ng kagandahan na nakikita ng mata o maaring sukatin o i-quantify

Metodolohiya

Itinuon nang buong-buo sa pagsasaliksik ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral na ito. Dahil sa kakulangan sa oras at panahong nakalaan sa pagsusuri, nagsimula at nagdepende nang malaki ang mananaliksik sa mga libro at magasin na may pauna na itong kaalaman sa nilalaman o iyong dati nang nabasa nito (sa haiskul o sa mga nagdaan nang aralin sa kolehiyo). Ngunit nagkalap din ito ng karagdagan pang materyal batay sa available resources na matatagpuan sa mga aklatan ng pamantasan, sa mapanuring suhestiyon ng guro at sa mga mungkahi at kontribusyon ng mga kaibigan at miyembro ng pamilya.

Pinilit na gawing balanse ng may-akda ang mga materyal na ginamit tulad, halimbawa, ng magkakapantay na bahagdan o porsiyento ng dula, tula, maikling kwento, nobela at sanaysay; klasiko at di pa kilalang may-akda; o dayuhan at lokal na manunulat; sa mga libro o magasin man, hanggang maari.

Sa kabuuan, ang pagsusuri ay batay sa mahigit na isandaang maikling kwento, mga limampung tula, mga dalawampung sanaysay, mahigit sampung nobela at mga sampung dulang akda ng mga manunulat na Pilipino. Dapat ipaliwanag na ang mga naturang bilang ay hindi itinakda kundi depende sa materyal na sumasakamay sa mananaliksik hanggang may malinaw nang trend na lumilitaw o kaya’y may sapat nang materyal na magagamit sa pagsusuri. Halimbawa, mas maraming aklat na may kalipunan ng maikling kwento samantalang bihira talaga ang dulang may taglay na paglalarawan sa pisikal na kagandahan; gayundin ng mga makabagong tula na nabasa. Sa kabilang banda, may isang sanaysay na halos punung-puno ng materyal sa paksa.

Sarbey ng Kaugnay na Pag-aaral

Ang usapin patungkol sa kababaihan ay isang malawak at mayaman na larangan ng pag-aaral. Ang potensyal nito bilang paksa ng pagsusuri ay pumapaibabaw sa kasalukuyang panahon. Ang dating itinuturing na periperal na isyu lamang (“galing sa tadyang ng lalaki”) ay nagiging isang mahalagang pokus na ng pag-aaral ng mga seryosong mag-aaral at mga dalubhasa. Ang kadalasang pahapyaw na trato na ibinibigay ng mga lehitimong mga magasin, komiks at pahayagan ay napapalitan ng mga seryosong paglalahad. Halos bawat aspekto nito ay pinagtutuunan na ng pansin ng mga mananaliksik.

Anupa’t isang mahalagang pagsusuri ang ginawa ni Pennie Azarcon-dela Cruz. Sa kanyang aklat na “From Virgin to Vamp: The Images of philippine Women in Media”, mahabang panahon at masusing pag-aaral ang inilaan upang masuri ang imahe ng kababaihan na ipinapakita sa media sa Pilipnas. Ang pag-aaral na kinasangkutan na maraming mag-aaral na sumubaybay ng mga palabas sa telebisyon, radyo at pelikula at nanaliksik sa mga pahayagan, komiks at magasin ay tumalakay sa persepsyon ng mga tao dala ng mga ipinapakita sa media na kadalasan ay stereotypes lamang.

Isang kalipunan naman ng mga maikling kuwento ang binuo ni Genoveva Edroza-Matute upang ilahad ang iba’t ibang karakter ng mga tauhan niyang babae. Ipinakita sa “Babae at Iba Pang Mga Kwento” ang katatagan ng loob ng karamihan sa mga tauhan sa maraming pagsubok sa buhay. Sinubukan ng may-akda na matapat ilarawan ang reaksyon ng bawat tauhang babae sa paraang kapani-paniwala at hindi iyong predictable lang.

Sinubukan naman ni Jennifer Rufino Alfonso na himayin sa kanyang tesis ang katauhan ng dalawang karakter sa dulang “Dalawa” ni Luna Sicat-Cleto. Sa dula ay walang takot na ipinakita ng may-akda na ang pagsasamantala sa babae ay walang pinipiling kasarian o sitwasyon: ang pagsasamantala ay laging nakatuon sa kahinaan ng isang babae.

Ngunit ang pagtaas ng antas sa pagsusuri at pagtalakay sa katauhan ng babae ay hindi kumpleto kung hindi pag-uusapan ang paksa ng angking kagandahan nito. Ang akda ni Cathy Newman sa National Geographic na “The Enigma of Beauty” ay maituturing na ganap na pagsusuri sa pamantayan ng pisikal na kagandahan. Ang mga kauri nitong mga pagtalakay na matatagpuan sa internet na pandagdag lamang sa obra. Ang kaso ay ang mga nabanggit na akda at mga butil ng reaksyon sa paksa sa internet ay umiikot sa pamantayan ng media. Hindi matagumpay ang pagtatangkang makatagpo ng mga pag-aaral na bumuo ng pamantayan ng kagandahan batay sa mga ideya ng mga manunulat ng nobela, maikling kwento, tula, dula at sanaysay. Siguradong may mga katutubong pag-aaral na ginawa na ngunit hindi mapasakamay ng mananaliksik sa dahilang hindi pa ito nalalathala. Hindi rin matiyak kung may mga pagsusuring ginawa na na ang batayan ng pamantayan ng pisikal na gandang-Pinay ay ang katutubong panitikan. Tatangkaing punuin ng pagsusuri ang puwang na ito.

PAMANTAYAN NG KAGANDAHAN

Ang Konsepto ng Kagandahan sa Pangkalahatan

Ang kaalaman sa konsepto ng kagandahan ay kasinglawak at kasingtanda ng kasaysayan ng tao mismo. Ito ay ginagamit din sa paglalarawan ng mga bagay, lunan, pangyayari, hayop at iba pa. Kaya nga may itinuturing at sinasang-ayunan na magandang payong at kaibig-ibig na lungsod o kaya’y nakakalulang pagtitipon. Ngunit sa tao—lalake at babae—nakatuon ang pokus dito. Ang pagpapaganda kasi ay isang obsesyon ng tao na sumasakop ng maraming siglo at lupalop. May rebulto, halimbawa, sa puntod ng dugong bughaw na Ehiptong si Ptahhotep na nabubuhay noong 2400 B.C., ang nagpapakitang siya ay nagpapapedikyur. Ordinaryo na ring kaalaman na si Cleopatra ay kilala sa paggamit ng eyeliner na gawa sa dinikdik na mga mineral (Newman, 2000).

Makikita na hindi lamang mga babae ang gumugugol ng oras, pagod at panahon sa pagpapaganda. “Ang pag-aayos ng hitsura ay gawain ng mga miyembro ng aristokrasya noong ika-18 siglo. Ang Pranses na manunulat ng sanaysay na si Montesquieu ay gumagamit ng pelukang puno ng kulot na buhok, may-pabangong guwantes at mascara sa mukha. Ang kalalakihan ng aristokrasya noong panahong iyon ay may mga pangkulay, pamulbos, pomada at pabango na kanilang ginagamit kasindalas ng mga babae kung hindi mas madalas pa.” (Newman, 2000, p.105). Kahit sa Pilipinas, ang ganitong praktis ay ginagawa sa ibang paraan:

“Our ancestors (men and women alike) adorned themselves with necklaces of stones and cowry shells, feathers, arm bracelets, ankle bands, and others” (Flores).

Masasabing ang intensyon ng una ay mapansin at mangibabaw sa tingin dahil sa kanilang kakaiba at namumukod-tanging anyo samantalang ang huli ay ekspresyon ng kapangyarihan at prestige.

Ang pagbibigay-puri sa magandang porma ng isang lalaki ay natural na pangangailangan ng sinuman lalo na kung nasa alanganing sitwasyon ito dahil morale boosting itong naturingan. Kaya nga sa obra ni Balagtas na “Florante at Laura” gracious ang may-akda sa paglalarawan sa kanyang pangunahing tauhan (Baltazar, 1966):

“Baguntaong basal, ang anyo at tindig,

kahit nakatali kamay, paa’t liig,

kung di si Narciso’y tunay na Adonis

mukha’y sumisilang sa gitna ng sakit.

Makinis ang balat at anaki’y burok,

pilikmata’t kilay mistulang balantok,

bagong sapong ginto ang kulay ng buhok

sangkap ng katawa’y pawang magkaayos.”

Ngunit sadyang kalakip na ang konsepto ng kagandahan sa imahe ng babae. Bukod sa depinisyon ng “kagandahan” na tuwirang patungkol sa babae na una nang nabanggit, ang mga babae ang mas pilit na sumusunod sa kung ano ang itinuturing na pamantayan ng kagandahan ng kanilang panahon:

Ancient Chinese aristocrats bound their feet as a show of femininity; American and European women in the 1800’s cinched in their waists so tightly some suffered internal damage; in some African cultures women continue to wear plates in their lower lips, continually stretching the skin to receive plates of larger size” (“The Perfect Body: Thinness and Slim”).

Ang iba pang mga pamamaraan ng pagpapaganda ng mga sinaunang babae na kahit hindi kasing-invasive ng mga nabanggit sa itaas ay umaabot din kung minsan sa pagkakasakit kung hindi man kamatayan:

“…Vermillion rouge used in the 18th century was made of a sulfur and mercury compound. Men and women used it at the peril of lost teeth and inflamed gums. They sickened, sometimes died, from lead in the white powder they dusted on their faces. In the 19th century women wore whalebone and steel corsets that made it difficult to breathe, a precursor of the stomach-smooshing Playtex Living Girdle”(Newman, 2000, p.105).

Hindi ito naiiba sa pagpapakasakit na ginagawa ng mga babaeng Eskimo na gumagamit ng isang uri ng sapatos na nakakapasok ang snow sa loob at nagdudulot ng kakaibang paglakad na nakahahalina sa mga lalake—itinuturing na fashion statement na hindi naiiba sa matandang kaugalian ng mga Tsino na foot binding o ng modernong sapatos na high heel (Newman, 2000, p.105).

Panloob na Aspekto ng Kagandahan

Nakatutuwang isipin na ang konsepto ng kagandahan sa pangkalahatan ay nagbabago at lumalago sa pagdaan ng panahon. Mula sa mga artipisyal na paraang pantulong para gumanda ang panlabas na anyo ng mga babae, umikot ang ideya ng maganda sa panloob na aspekto ng kagandahan. Mula sa mga naunang dayuhang manunulat ng sanaysay at tula ay umusbong ang mga walang kamatayang mga linyang sumisikap maituwid ang naunang pananaw na umiiral. Ang mga ito ay bukam-bibig ng marami at popular na popular pa hanggang ngayon.

Lagi tayong pinapaalalahanan, halimbawa, ng mga kataga ni Sappho: “What is beautiful is good and who is good will soon also be beautiful” (Davidoff, 1942, p.101). O, ng linya sa tula ni John Keats na “Beauty is truth, truth beauty” (Davidoff, 1942, p.13).

Sa mga ito, ang maganda ay yaong mabuti at makatotohanan at, tulad ng susunod na halaw sa tulang “The Stones of Venice” ni John Ruskin, ay kapaki-pakinabang: “Remember that the most beautiful things in the world are the most useless; peacocks and lilies, for example” (Davidoff, 1942, p.14). Magugunita tuloy ang paglalarawan ng pangunahing tauhan sa akda ni Genoveva Edroza-Matute kung saan inilarawan nito ang di-pinangalanang gurong may malasakit, pang-unawa, katapatan at pananalig sa kapwa:

“Lagi ko siyang iuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man may kagandahan: sa isang tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit, walang ano mang maganda sa kanyang anyo…at sa kanyang buhay” (Edroza-Matute, 1992, p. 61).

Walang iniwan dito ang paglalarawan naman ni Amado V. Hernandez sa kanyang si Pina sa “Luha ng Buwaya” na malamang ay pinangarap niyang imahe ng kababaihang Pinay noong panahong bago mag-1950 na siyang tagpuan ng nobela dahil sa pagbanggit dito na “ang tunay na pangala’y Pilipinas”:

“Sa buong Sampilong ay kinikilalang pinakamaganda si Pina…[Siya’y] mahinhin pati kisap na malamig sa matang tumitingin, matining na parang patak ng ulan at malinis na parang maputing sutla” (Hernandez, 1974, p.11)

Sa mga itinuturing na mas modernong nobela, inihain ni Lualhati Bautista, sa kanyang sariling mga salita, “ang larawan ng isang bagong babae” na taliwas sa “ideya na ang babae’y taga-iyak lang sa hirap ng lalaki, tagapunas ng pawis, taga-aliw”. Walang gatol si Bautista sa pagsasabing “ang importante sa tao’y ang kabuuan niya bilang tao … hindi kung maganda ba ang mukha niya o makinis ba ang kanyang binti” (Bautista, 1991, p.17). Ang pilosopiyang ito ay matatag na pinangatawanan at pinanindigan ng may-akda sa pamamagitan ng pakonti-konti lang na paglalarawan sa panlabas na anyo ng mga tauhan niya (Lea, Amanda, atbp.) sa kanyang tatlong nobelang Bata, Bata…Pa’no Ka Ginawa?, Gapo at Dekada ’70.

Ngunit mas empatiko ang isang dayuhang manunulat:

“Henry James met the English novelist George Eliot when she was 49 years old. ‘Silas Marner’, ‘Adam Bede’, and the ‘The Mill on the Floss’ were behind her. ‘Middlemarch’ was yet to come.

‘She is magnificently ugly,’ he wrote his father. ‘She has a low forehead, a dull grey eye, a vast pendulous nose, a huge mouth, full of uneven teeth…Now in this vast ugliness resides a most powerful beauty which, in a very few minutes, steals forth and charms the mind, so that you end as I ended, in falling in love with her’” (Newman, 2000, p.104).

Pisikal na Kagandahan

Pamantayan ng Panitikan. Nangunguna pa rin ang mga banyagang makata kung pagbubunyi at pagpupugay sa kagandahan ~ pangkalahatan o pisikal na ganda ng babae ~ ang pag-uusapan. Klasikong maituturing ang mga saknong na pumupuna sa kung ano ang maganda sa mga kanluraning tula. Sa mga huling nabanggit, mga piling-pili at walang kamatayang salita ang ginagamit patungkol sa konsepto ng pisikal na kagandahan. Sino ang hindi nakaaalam, halimbawa, sa bantog na mga linya ni John Keats:

“A thing of beauty is a joy for ever:

Its loveliness increases; it will never

Pass into nothingness.” (Davidoff, 1942, p.13)

Makabuluhan din ang puna at papuri na napapaloob sa linya ng Fra Lippo Lippi ni Robert Browning:

“If you get simple beauty with naught else,

You get about the best thing God invents.” (Davidoff, 1942, p.11)

At tumpak si Hartley Coleridge sa kung ano ang nakakapagpatingkad sa ganda ng isang babae nang tinuran niyang:

“She is not fair to outward view

As many maidens be:

Her loveliness I never knew

Until she smiled on me.” (Davidoff, 1942, p.12)

Kung matipid ang mga linya na sadyang karakter ng mga tula, mabulaklak namang maituturing ang di-tuwirang patukoy na ginamit ni Stevan Javellana sa love interest ng pangunahing tauhan sa nobela. Bagaman ang buod ng kuwento ay nakasentro sa pangunahing tauhang lalake, pinagtuunan ng pansin ng may-akda ang babaeng tauhan, kahit man lang sa pamamagitan ng ama nitong kapitan del baryo. Ang kagandahan ni Lucia ay inilarawan niya ng ganito:

“…daughter had been a barrio fiesta queen and was so comely that the staircase of their house had been quite worn away by the feet of countless suitors who came to visit her at all times of the day so that she could do practically no work, who took turns in serenading her window at night and who bruised each other for her” practically like “…ants flock[ing] to a house where sugar is kept” (Javellana, 1976, p.21).

Ang paglalarawang ganito ay matatagpuan din sa isa sa mga kwento sa aklat na “Babae at Iba pang mga Kuwento” ni Genoveva Edroza-Matute upang ipakita ang pangunahing tauhan sa akda na “isa sa pinakamarikit na dalaga” sa bayan ng kapanahunan nito:

“Madalas siyang mapiling Reyna Elena ng mga Santacruzan. Maraming binata ang nahaling sa kanya…” (Edroza-Matute, 1998, p.69).

Mayroon ding “ibang-iba at kakatuwang paraan…. sa pagsasabing maganda ang isang dalaga” na siyang puna ng pangunahing tauhang babaeng si Karelia sa akda ni Cornelio S. Reyes na “Dugo at Utak” nang tinuran ng bida sa kwento ang mga sumusunod:

“…. ang pilak ng kislap at ang lalim ng itim ng inyong mga mata, ang rosas ng inyong mga pisngi at ang pula ng inyong mga labi…” (Lumbera, 2000, p.293).

Ngunit mas kakaiba ang paraang ginamit ng isang may-akda upang mapuna kung ano ang dapat na hanapin sa isang maganda. Sa halip na banggitin kung anu-ano ang katangian ng isang maganda, inisa-isa niya ang mga salungat nito o ang di-maganda sa pangunahing tauhan niyang si Salud. Mabuti naman at naging realistiko at epektibo ang dating ng paglalarawan:

“…Hindi siya maaaring tawaging maganda. Pandak siya, hindi nga maitim ngunit hindi naman masasabing maputi, walang hubog ang katawang unti-unti nang pinapapangit ng kumakalat niyang taba, malalaki ang binti, mababa na ang dibdib, at walang maituturong maganda sa mukha. Ang kamay niya’y malaki at makakapal…” (Orosa, et.al, 1979, p. 252).

At halos di maubos ang paraan ng di-tuwirang paglalarawan ng konsepto ng pisikal na kagandahan. Sa mangilan-ngilang paglalarawan ng panlabas na gandang matatagpuan sa 25 maikling kwentong napapaloob sa librong “Mga Agos ng Disyerto”, ang maikling deskripsiyon lang ng babaeng sentro ng kuwentong Ang Lungsod ay Isang Dagat na si Carina (“magandang hubog ng kanyang katawan”) (Abueg, et.al, 1993, p.41) ang direktang naglalarawan. Sa kuwentong “Emmanuel”, ganito naman ang istilo ni Edgardo M. Reyes:

“…Ang dalawang babaing kinaon namin, sa mga bahay na tila kastilyo, ay kapwa maganda, parang mga manikin… Sa kagandahan ni Myrla, at sa bangong nalalanghap ko ay parang ibig kong mangarap nang dilat…” (Abueg, et.al, 1993, pp. 182-183).

Walang pinag-iba ito sa paraan ni Rogelio R. Sikat sa kuwento niyang matatagpuan din sa nabanggit na aklat:

“…‘Dalaga na si Felicidad’. At umiiling-iling pa si Quentin. ‘Maganda. Kamukha niyon.’

Itinuro niya ang birhen sa altar” (Abueg, et.al., 1993, p. 231).

Kahit ang mga manunulat na Filipino sa Ingles ay hindi nalalayo sa paggamit ng naturang teknik. Aasahan mo sanang maging detalyado si Cristina Pantoja-Hidalgo sa paglalarawan niya sa kanyang Beautiful Beth lalo na’t pamagat pa lamang ay nagbabadya na ito ng pangako, ngunit ito lang ang sinulat niya:

“…Beth Sarmiento was such a beautiful girl. She wasn’t just pretty… Beth Sarmiento was cover-girl beautiful, movie-star beautiful. There was no one else like her in the entire school” (Pantoja-Hidalgo, 1999, p.96).

Mapapatawad kung baga si Hidalgo dahil maikling kuwento lang naman ang kanyang akda. Ngunit ang manunulat na Filipinong si Mig Alvarez Enriquez na naglabas ng kanyang nobelang The Devil Flower sa Amerika ay lubhang kakaiba. Ang kanyang nobelang ang tagpuan ay Mindanao noong panahon ng Komonwelt ay umiikot sa pangunahing tauhang babae na si Manolita ngunit ang paglalarawan dito ay halos isang linya lamang: “as white and fragrant as upland rice” (Enriquez, 1959, p.120).

Daig sila ni Balagtas sa paglalarawan niya kay Laura sa kanyang obra:

“Siyang pamimitak at kusang nagsabog

ng ningning, ang talang kaagaw ni Benus,

anaki ay bagong umahon sa bubog

buhok ay naglugay sa perlas na batok.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Liwanag ng mukha’y walang pinag-ibhan

kay Pebo, kung anyong bagong sumisilang,

katawang butihin ay timbang na timbang,

at mistulang ayon sa hinhin ng asal.

Sa kaligayaha’y ang nakakaayos,

bulaklak na bagong winahi ng hamog,

anupa’t sino mang palaring manood

patay o himala kung hindi umirog.” (Baltazar, 1966, p. 74)

Mapapansin na punung-puno ito ng paghahambing sa mga dalisay na simbolo ng kagandahan, mga bagay man o mitikang karakter, at halos inilarawan ang dalaga mula ulo hanggang paa.

Si Rizal din ay inspiradong-inspirado sa pagbibigay-buhay niya kay Maria Clara. Hindi pa man pormal na binabanggit ang pangalan ng dalaga sa kuwento ay kaakibat na ang pagbanggit ng “isang kaganda-gandahang diwata” sa pagmumuni-muni ni Crisostomo Ibarra sa simula pa lang ng nobela, na para bang sabik na sabik ang may-akda sa pagpapakilala dito. Ibinuhos tuloy ni Rizal ang paglalarawan dito sa pamamagitan ng sumusunod na detalyadong deskripsyon:

“Ang mga mata ni Maria Clara ay malalaki, maiitim at may malalagong pilik…Ang tangos ng kanyang ilong ay ayos na ayos, ang bibig ay kuhang-kuha sa maliit at kaaya-ayang bibig ng ina pati ng dalawang kahali-halinang biloy sa magkabilang pisngi. Ang kanyang balat ay singkinis at singnipis ng sa sibuyas at kaagaw halos ng bulak sa kaputian…” (Rizal, 1950, p.29).

At ibinuntot pa ang “malago at kulot na buhok” maliban pa sa paglalarawan niya sa nabanggit na ina ni Maria Clara na si “…Pia Alba, isang magandang dalagang taga-Santa Cruz, balingkinitan, malusog, may timbang na pangangatawan at kahali-halinang tindig…”

At dahil Kastilahin ang pinagmulan ng mga karakter na babae sa Noli ni Dr. Jose Rizal, subukan nating ihambing ang tauhang babae sa kuwento ni Rogelio R. Sikat na Quentin:

“…Maganda ang babaing tumawag kay Ben. Mestisang-Kastila, naisip ko, sapagkat ang San Fernando ay pinanahanan din ng mga Kastila. Malago ang kilay ng babae, na gayong hindi inaayos ay tila iginuhit sa ibabaw ng maitim na mata. Maputi ito at may biloy sa pisngi” (Abueg, et.al., 1993, p. 230).

Subukan din nating ihambing dito ang “larawan ng isang bagong babae” na may kasalatang inilarawan ni Lualhati Bautista sa Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa?:

“Ito pala si Elinor [kinakasama ni Raffy na hiniwalayang asawa ni Lea, pangunahing tauhan]. Hindi naman pala masyadong maganda. Mas maputi nga lang kay Lea. At mas malaki…” (Bautista, 1991, p.89).

Pamantayan ng Media. Malinaw at hindi tago ang mga pamantayan ng media dahil lagi itong ibenebenta at walang puknat na ina-advertize sa mga pahayagan, magasin, komiks, radyo at telebisyon sa tuwi-tuwina. Dahil halos global na ang dating, sakop at abot ng mga naturang galamay ng media, ang kanluraning pamantayan ng kagandahan na kaakibat ng mga ito ang siya ring dinadala o pinagbabatayan ng lokal na media na tinatangkilik ng mga Pilipino. Sa paulit-ulit na pagpapalabas sa mga ito, nauukit sa kaisipan ng mga Pilipino na ang pamantayang ito ang siyang dapat o ideyal para maturingan, masabi at matanggap na maganda sa mata ng sandaigdigan.

Ang sumusunod ay isang halimbawa ng mga “siyentipikong” batayan ng pamantayan na laging iwinawagayway ng mga magasin:

In studies by psychologists…in Scotland, men consistently showed a preference for women with larger eyes, fuller lips, and a smaller nose and chin. Studies…at the University of Texas show a preference for the classic hour-glass shaped body with a waist-hip ratio of seven to ten.

…men prefer women with smooth skin, big eyes, curvaceous bodies, and full lips…”(Newman, 2000, p.107).

Ang kumpletong paglalarawan ng nabanggit na pamantayan ay kinabibilangan din ng (Newman, 2000, p.108):

  1. “an attractive face…a symmetrical face. Most important, it’s an averaged face…Averaged, that is, in terms of position and size of all the facial features…It’s a question of harmony and the placement of features…”
  2. “…height: at least five feet nine…youth: 13 to 19 years old…right body type” [thin]
  3. big chests (“…Americans want big chests…”)
  4. blond hair as “…blond women have sometimes been imagined as having more fun. Blond is the color of fairy-tale princesses like Cinderella and Rapunzel, not to mention the siren in Farewell, My Lovely, of whom Raymond Chandler wrote: ‘It was a blonde. A blonde to make a bishop kick a hole in a stained glass window.’”

Itinuturing din na mahalaga ang sukat ng leeg na dapat ay isang kapat ng ulo.

Bagamat malinaw na ang “western measure of beauty” na ito na kinabibilangan ng “skin pigmentation, bone structure, height, length of limbs, robustness of bosoms, torso, etc.” ay genetic at mahirap abutin ng bawat lahi, talagang kagulat-gulat ang impluwensiya nito sa sanlibutan dahil sa media. Kahit sa Asya na may malakas at malalim na ugat ng lumang tradisyon, mabilis itong niyayakap at kumakalat na parang apoy.

Sa Hong Kong, napansin ng isang manunulat na ang mga tao doon ay may “completely foreign Asian standard of beauty for women” [where] “the figure standard is one of extreme thinness… Another well-noted beauty phenomenon is the idealization of white skin…” [and] “All actresses and singers have incredibly bleached, unrealistically white faces…to appear more western” (Loveley).

Ang tindi ng impluwensiya ng ganitong pananaw ng kagandahan ay makikita sa perang ginagasta upang makamit o mapalapit man lang sa sinasambang pamantayan. Isipin ang mga sumusunod na datos (Newman, 2000, p.110):

  1. “In the United States last year [2000] people spent six billion dollars on fragrance and another six billion on make-up. Hair- and skin-care products drew eight billion dollars each, while fingernail items alone accounted for a billion. In the mania to lose weight 20 billion was spent on diet products and services—in addition to the billions that were paid out for health club memberships and cosmetic surgery.”
  2. “According to the American Society for Aesthetic Plastic Surgery, almost three million cosmetic procedures were performed in the United States in 1998. Baby boomers (35 to 50) accounted for 42 percent…In Russia cut-price plastic surgery lures patients from as far away as London and Sydney. In Australia, where a short-lived magazine called Gloss trumpeted the glories of cosmetic surgery, penile enlargements are among the six cocmetic procedures most popular with males, along with nose jobs, eyelid lifts, liposuction, face lifts, and ear corrections.

In China plastic surgery hospitals are sprouting up faster than bamboo shoots in spring. Patients can check into a 12,000-square-foot palace of plastic surgery called the Dreaming Girl’s Fantasy on Hainan Island.”

  1. “Cosmetic surgery is now a multi-billion dollar business, often capitalizing on the effects of media pressures through advertisements promising a better, more beautiful body. Liposuction and breast augmentation are the two most popular procedures among women, with an astonizing half-million patients in 2001 alone. Rhinoplasty and blepharoplasty, surgery of the nose and eyelids, follow with just over 300,000 patients. Other body-modifying non-surgical procedures include laser hair removal, chemical peels and microdermabrasion, all of which, numbered in the millions in the year 2001. None of these procedures are inexpensive, and all of them carry a particular level of risk, but the number of women opting to have them is nevertheless on the rise. Nearly 6.9 million people went under the knife in 2002, and eighty-eight percent were women” (Littler).
  2. “In Hong Kong…the sale of facial whitening products grew by 35% in both value and volume last year, outpacing the overall facial-moisturizing category, which grew by 18% in volume and 15% in value…” (Prystay, 2002).

Kakaiba at Paiba-ibang Pamantayan. Kung magkahawig ang pamantayan ng mga kanluranin at katutubo, may taliwas at salungat din dito. May konting kaibhan ang itinuturing na maganda sa ibang bansa:

In Brazil, women ‘prefer small breasts and big derrieres, wheras Americans want big chests…” (Newman, 2002, p.110).

Katuwa-tuwa rin ang kultura sa Katimugan o Latin America, bagaman ito’y hindi kataka-taka:

Douglas Yu, a biologist from Great Britain, and Glen Shephard, an anthropologist at the University of California at Berkeley, found that indigenous peoples in southeast Peru preferred shapes regarded as overweight in Western cultures…” (Newman, 2002, p.107).

Sabagay, pabagu-bago ang nauusong itinuturing na maganda depende sa takbo ng panahon: Sa hubog ng katawan na siyang kadalasang pokus ng world’s ideal of beauty, sinasamba sa kapanahunan nila ang “…tiny waist of the Victorian period, the boyish figure in vogue during the flapper era, and the voluptuous curves that were the measure of beauty between the 1930’s and 1950’s. Current standards emphasize a toned, slender look, one that exudes fitness, youth and health” (“The Perfect Body: Thinness and Slim”).

Ang penomenong ito ay nahahawig sa pamamansin sa pagiging mataba ng babae sa Pilipinas noong 1990’s. Ang pangyayari ay dahil sa popularidad ng isang kwentong sinubaybayan ng marami sa komiks at isinalin sa pelikula. Naging bukam-bibig tuloy ang “Dabiana” hanggang ngayon tuwing nakakakita ng isang babaeng mataba, sa tonong hindi nanglalait katulad ng dati.

Sa kutis o balat naman, mapapansin na ang pagiging maputi ang siyang itinuturing na maganda sapul pa sa simula kahit sa anong pamantayan. May mga pana-panahon lang na nagiging fad o panandaliang itinuturing na maganda ang maitim simula nang magkaroon ng tinatawag na black pride movements noong 1920’s, na nagpabantog sa islogang “Black is beautiful.” noong 1980’s.

Kung mayroon mang matatawag na kakaiba sa panlasa ng Pinoy na hindi napapansing ilarawan o banggitin sa pandaigdigang panitikan, dalawa ang namumukod-tangi. Pansinin na madalas ipokus ng manunulat na Filipino ang biloy sa pisngi ng Pinay at ang bango nitong angkin.

Bilang pagbubuod, gumawa ng isang maliit na pagtatangka ng paglalagom ng mga mahahalagang punto sa paglalarawan ng pisikal na kagandahan ng isang babae sa pananaw ng mga kanluranin at ng mga Filipino.

Ang sumusunod ay ang talaan ng mga tinitignang features sa katawan ng isang babae at kung ano ang ipinapalagay na maganda sa iba’t ibang pamantayan ng kagandahan:

Parte ng Katawan

Media

Panitikang Pilipino

Kakaiba

at Paiba-iba

Ulo

  • buhok
  • mukha

-noo

-kilay

-mata/pilik

-ilong

-pisngi

-labi o bibig

-ngipin

-baba/panga

-taynga

  • leeg/batok

blond

symmetrical

high

big

small, matangos

full

even

small/strong

¼ head long

maitim, malago, mahaba

natural

malaki, maitim/malantik

matangos

may biloy

maliit

maputi

makinis

Gitnang katawan

  • dibdib
  • tiyan
  • baywang

  • balakang

large

flat

7:10 ratio

mataas

maliit (Brazil)

tiny (Victorian period)

malaki (Brazil)

maliit (sinaunang Tsina)

Paa’t kamay

  • braso
  • kamay/palad
  • daliri
  • kuko
  • binti
  • hita
  • buttocks

manipis

makinis

malaki (Brazil)

Kabuuang katawan

  • balat
  • hubog o hugis

  • tayo o tindig
  • tangkad

fair, smooth

slender; hour-glass shape

tall (5’9”)

maputi, makinis

balingkinitan

katamtaman

maitim (1980’s)

boyish figure (Flapper era)

voluptuous (1930’s-50’s)

mataba (Peru)

DISKUSYON AT PAGSUSURI

Ang pag-aaral na ito ay naghatid ng ilang bagay na natuklasan o nadiskubre. Ang resulta ng pagsusuri at maging ang proseso man ng pananaliksik ay naghawan ng ilang butil ng kaalaman na bagaman hindi bago ay pumaibabaw, muling nanariwa at naging mas malinaw para mas lalong naging makabuluhan ang pagsusuri.

Takbo ng Pag-aaral

Inisyal na interes ng pag-aaral ang sundan ang pagbabago ng konsepto ng pisikal na kagandahang- Pinay batay sa mga panulat—mapa-panitikan o mapa-media man. Ang mga unang yugto ng pagsusuri batay sa mga nakalap na impormasyon ay nagbunga ng kaalamang historical na ang unang itinuturing na maganda o kabigha-bighani ay hindi ang hitsura ng tao mismo kundi ang mga abubot (physical adornments) na idinadagdag o isinusuot sa katawan. Hindi tuwirang binabanggit pero tila mas pinahahalagahan—anuman ang kadahilanan—ang pedikyur ni Ptahhotep, eyeliner ni Cleopatra, mga peluka, pangkulay at pamulbos ng mga Pranses o ang mga kuwintas, hikaw at bracelets ng ating mga ninuno mismo. Namayani ang ganitong pagtingin sa kung ano ang maganda ng maraming panahon hanggang matutong makipagkomunikasyon ang tao sa kanyang kapwa. Mula sa oral na tradisyon hanggang sa written forms, natutong ipahayag ng tao ang nasa isip at damdamin nito at ang konsepto ng kagandahan ay nauwi sa paniniwalang mas mahalaga ang katauhan o kalooban ng tao anuman ang hitsura, yaman o estado nito sa buhay. Bagaman panahon din ito ng pagpuri sa mga pisikal na katangian na unang inilapat sa mga diyosa sa literatura maliban sa kanilang mga angking kapangyarihan, mas may timbang na inilalarawan ang kabaitan o kabagsikan ng mga ito. Ngunit ang ganitong pananaw ay unti-unting napalitan sa pag-usbong ng mga galamay ng mass media at namayani ang pagbibigay-halaga sa pisikal na ganda, hindi na ng tao sa pangkalahatan kundi sa babae sa partikular.

Lumalabas sa proseso ng pag-aaral na kung susundan ng pananaliksik ang historikal na takbo ng pagbabago sa konsepto ng kagandahan, mapapako ang pagsusuri sa pamantayan ng kagandahan sa pangkalahatan. Hindi maitatwa na may malinaw ding pagbabago sa aspekto ng pisikal na kagandahan sa pananaw na ito (historikal). Maaalala ang pagbabagong naganap mula sa tinatawag na Victorian period, flapper era at iba pa. Ngunit ang mga pangyayaring nabanggit ay iyong tinatawag na fad lamang o panandalian at pansamantalang pagbabago na naglahong parang bula at walang iniwang imprint sa ebolusyon ng konsepto. Maliban dito, ang penomeno ay patungkol sa iisang aspekto ng pisikal na kagandahan—ang hubog ng katawan, bagaman itinuturing itong pinaka-centerpiece ng pamantayan ng pisikal na kagandahan.

Dahil nga nilimita ang pagsusuri sa pisikal na kagandahan ng Pinay batay sa panitikang Filipino (at hindi sa lahat ng uri ng panulat ng Pilipino), napasok sa kaunting alanganin ang pag-aaral. Ang simula at paglago ng musmos pang panitikang Filipino kasi ay naipit sa malakas pang impluwensya ng mga obra ng pandaigdigang panitikan na nagtataguyod ng panloob na kagandahan at sa pag-usbong ng media na tumatangkilik naman sa pisikal na pamantayan. Matatawag na isang hamon ang pagtatangkang bumuo ng isang pamantayang katulad ng ginawa sa pag-aaral na ito.

Materyal na Ginamit

Sa gitna ng sitwasyong nabanggit, hindi naging problema ang mga akdang Filipino na mapagkunan ng materyal tungkol sa paksa ng pisikal na kagandahang-Pinay. Nangunguna dito ang maraming nalalathalang libro na kalipunan ng mga maikling kwento—sa Filipino man o sa Ingles. May mga koleksyon ng maikling kwento na sinulat ng isang awtor lang—ang iba ay may nag-uugnay na tema samantalang pinagsama-samang kwento lang ang iba. May kalipunan din ng mga kwentong pinag-ambagan ng ilang manunulat na sari-sari ang paksa. Sapat ang bilang ng nabasa nang mga nobelang may nauna nang kaalaman tungkol sa paksa para sipatin lang uli ang mga ito. Sariwa pa rin sa isip at alaala ang maraming tula, dula at sanaysay na pinag-aralan sa di-pa-katagalang panahon. Ngunit ibang usapan siyempre kung may patungkol ang mga ito sa paksang tinatalakay at sinusuri.

Maituturing na may kasalatan ang mga akda ng panitikang Filipino sa pagtalakay ng pisikal na kagandahan ng Pinay. Mga 10 hangang 20 bahagdan lamang ng mga maikling kwentong nabasa ang naglalarawan sa mga babaeng tauhan sa kwento. Sa 12 kwento ni Genoveva Edroza-Matute sa “Babae at Iba Pang Mga Kwento”, iisa sa mga ito ang bumanggit sa magandang anyo ng tauhang babae. Ito rin ang sitwasyon sa kalipunan ng 13 maikling kwento sa “Paano Magbasa ng Panitikang Filipino?” at sa 12 Ingles na kwento ni Cristina Pantoja-Hidalgo sa “Catch a Falling Star”. Hindi naman mahanapan kahit isa ang kalipunan ng mga kwento sa “Olvidon and Other Stories” at “Platinum (Ten Filipino Stories)” na parehong sinulat ni F. Sionil Jose, ang antolohiya ng kontemporaryong kwentong “Tribute” at ang “The Men Who Play God” ni A.B. Rotor. Mas marami ang napulot na paglalarawan ng kagandahan sa 25 kwentong napapaloob sa “Agos ng Disyerto” na pinag-ambag-ambagan nina Efren R. Abueg, Dominador B. Mirasol, Rogelio L. Ordoñez, Edgardo M. Reyes at Rogelio R. Sikat.

Mas mataas sa maikling kwento ang porsiyento ng dalas nang pagbanggit sa usapin ng kagandahan ng mga nobelang nabasa na. Halos bawat nobela na may mahalagang tauhang babae ay nag-aangkin ng paglalarawan sa nasabing tauhan bagama’t hindi naiiba ito sa lalim ng paglalarawan sa mga maikling kwento. Malaking letdown, halimbawa, si Mig Alvarez Enriquez sa kanyang nobelang “The Devil Flower” na ang pangunahing tauhan ay babae sa dalawang kadahilanan. Una, ang kwento ay tungkol sa unti-unting pagguho ng katauhan ni Manolita mula sa “magandang pangako” na nauwi sa paggupo ng pisikal na katawan nito dahil sa pagkakasakit ng TB hanggang sa namatay ito dala ng pagdahak ng dugo. In-establish sana muna ang kalusugan ng katawan ni Manolita sa umpisa sa pamamagitan ng paglalarawan ng kanyang pisikal na katawan na hindi man lang ginawa ng may-akda. Pangalawa, at mas mahalaga, bibihira ang kuwento, lalo na nobela, na ang bida ay babae. Pagkakataon na sana itong lubus-lubusan nang ilagay sa pedestal ang bidang babae sa pamamagitan ng masinsinang paglalarawan dito. Nabanggit na rin ang tipid ng paglalarawan ni Lualhati Bautista sa panlabas na kaanyuan ng kanyang mga bidang babae sa tatlong nobela niya. Ang kapansin-pansin ay ang hindi pagbibigay-anyo ni Nick Joaquin sa mga babae niya sa “The Woman Who Had Two Navels” na pinangalawahan din ni Bienvenido Santos sa “You Lovely People”. Tila mas conscious ang mga may kalumaan nang mga akda tulad ng Noli Me Tangere ni Rizal sa pagbibigay-anyo sa tauhang babae.

Sa mga dulang nabasa naman, tanging ang sinulat ni Luna Sicat-Cleto na “Dalawa” ang kinatagpuan ng pagbanggit sa pisikal na anyo ng babae bagaman iisang linya lang ito (maganda ang bone structure mo). Mas malala sa mga tula at sanaysay na napapaloob sa mga aklat na ginagamit na text sa paaralan. Seryoso ang tema ng mga ito lalo na iyong mga tinatawag na makabagong tula at sanaysay. Hindi yata itinuturing na makabuluhan ang usapin ng kagandahan upang pag-aksayahan ng panahon at tinta. Sa mga banyaga at lumang tula lamang kadalasan mapapansin ang papuri sa kagandahan na malamang kaysa hindi ay pagbunyi sa pangkalahatang konsepto o panloob na aspekto ang sentro. Sa mga sanaysay naman, marami ang patungkol sa pisikal na kagandahan sa mga inilalathala sa magasin o sa internet kung saan mas Malaya ang pagbubukas-loob at palitan ng kuru-kuro ng mga tao sa kahit anong paksa sa buhay. Ang huling penomenong ito ay mahalag dahil ang mga anyo ng panitikan at ang mga galamay ng media ay hindi ganap na maihihiwalay sa isa’t isa bagaman may tanging katauhan ang bawat panig. Mapapansin na maraming mga nobela ang isinasapelikula gayundin ng mga maikling kwentong ginagawang feature sa telebisyon. Hindi maipagkakailang sa mga magasin muna isinilang ang maraming maikling kwento bago ito nalathala sa libro. Ngunit hindi rin maitatwa na sa pagsalin-salin ng mga ito sa dalawang panig ay nagbabagung-anyo ang interpretasyon lalo na sa paglalarawan ng pisikal na kagandahan.

Ang isa pang kapansin-pansin na bagay sa kahit anong anyo ng panitikang katutubo ay ang kaunting bilang ng mga akda na babae ang pangunahing tauhan o ang kwento ay nakasentro o umiikot sa babae, na para bang hindi interesting ang buhay ng isang babae. Kadalasan ay love interest lang ang babae ng mga bidang lalaki. At sa dalawang sitwasyon lang ito inilalarawan ang tauhang babae sa panulat na kadalasan naman ay anyong-maganda ang paglalarawan. Kung hindi bida o love interest ang tauhang babae sa kwento, bihirang-bihira itong inilalarawan o kung inilalarawan man ay kadalasang di-kanais-nais o pangit.

Lumilitaw din sa pag-aaral na mas mangingibabaw ang pagpaksa sa panloob na kagandahan ng babae lalo na kung kauri ang may-akda. Makikita ito sa tatlong nobela ni Lualhati bautista at sa mga maikling kwento ni Genoveva Edroza-Matute. Ang kabaligtaran (pagbanggit sa pisikal na anyo ng babae) ay totoo kung ang mga awtor ay lalake na katulad ng mga manunulat na nagkontribusyon sa “Agos ng Disyerto” bagaman hindi lang naman ang panlabas na anyo ang inilarawan ng mga ito.

Ang isa pang lumabas na bagay sa pag-aaral ay ang pamamaraan ng paglalarawan sa mga akdang nabasa. Mas madalas na di-tuwiran ang pagbibigay-anyo ng mga manunulat na Pilipino sa pisikal sa katangian ng Pinay. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay sa mga ito sa pedestal (Reyna Elena, reyna ng pista, atbp.) o paghahambing sa mga kilala nang tao o bagay. Laging nakalaan halimbawa ang mga mitikong karakter na tulad nina Benus o Pebo, mga artista o mga bulaklak, hamog, birhen at manika. Kung minsan ang kabaligtaran ang inilalarawan para mas tumingkad ang positibong katangian. Ngunit may mga manunulat na tuwiran din kung maglarawan bagaman halos walang isa man ang kompletong magbigay ng deskripsyon kaya kailangang pagsasama-samahin ang mga ito.

Resulta ng Pag-aaral

Ang mga nakalap na datos na bumubuo sa kalahatan ng pamantayan ng media ay patunay lamang sa malaganap na impluwensiya ng mga magasin, pahayagan, komiks, radyo, telebisyon at pelikula sa bansa sa kasalukuyan. Ang listahan ng mga deskripsyon sa kung ano ang pisikal na maganda sa babae ay hindi nab ago o kagulat-gulat habang iniisa-isa ang mga ito. mula ulo hanggang paa, parang pumaparada uli sa harapan ang imahe ng mga artistang babae sa Hollywood o lokal man. Ang buhok na blond, symmetrical na mukha, malusog na dibdib, magandang hubog ng katawan, makinis at maputing balat at pagkamatangkad ang mga katangiang pinahahalagahan ng mga kanluranin na matagumpay namang pinalalaganap pati ng lokal na media. Mapapansin na maliban siguro sa makinis na balat na puwedeng makamit ng kahit sinong babae sa mabuting pangangalaga ng katawan, eksklusibong katangian ang mga nabanggit ng mga puti o iyong tinatawag na Caucasian na lahi at mahirap makamtan ng ibang lahi kung hindi sa radikal at magastos na pamamaraan. Tugma ang mga ito sa palasak na konsepto ng pisikal na kagandahan na atin nang tinatanggap at pinaniniwalaan. Ang naturang konsepto ay sinasamba natin hanggang sa kaliit-liitang mga detalye katulad ng taas ng noo, malaking mata, buong mga labi, pantay na ngipin (“Close up smile”), maliit na baba’t malakas na panga at flat na tiyan, na mga dagdag na larawan ng nararapat na anyo ng babaeng maganda ayon sa media. At dahil nga sa walang puknat na eksposyur ng sandaigdigan sa pamantayang ito, hindi lang mga pampatingkad-ganda ang hinahagilap ng kababaihan kundi mga pampabagung-anyo ng mga part eng katawan. Ginagawang blond ang buhok at pinapuputi ang balat sa pamamagitan ng kemikal na sangkap, maliban pa sa kung anu-ano ang ipinapahid para kuminis ang balat. Kung anu-ano na ring operasyon ang lumalaganap at malapit nang ituring na ordinaryong parang paggamit na ng deodorant. Nagsimula sa pagretoke sa ilong, pagbinat sa mukha at pagpapataas ng dibdib na tumuloy sa liposuction para sa magandang hubog ng katawan, breast augmentation upang lumaki ang dibdib, braces o implant sa pantay na ngipin at kung anu-ano pa na unang binansagan sa patagong “Salamat po, doctor” ngunit pinagsisigawan at hindi na ikinahihiya ngayon. At hindi pa nagtatapos dito dahil may dermabrasion pa, gym work-outs, spa at marami pang iba. Dumating na sa puntong matindi ang pagdiin sa pangangailangang sumunod sa pamantayang ito kaya lumilitaw ang mga bagong karamdaman na katulad ng anorexia nervosa at bulimia na hindi pa nagtatagal ay hindi naririnig noon.

Sa pamatayan ng panitikang Filipino naman, madalas na banggitin ang maputi at makinis na balat; malaki at maitim na mga mata; maitim, malago at mahabang buhok; at magandang hubog ng katawan. Mapapansin na may pagkahawig ang parte ng katawan na pinahahalagahan ng mga manunulat na Pilipino kung ihahambing sa kanluraning pamantayan. Nakatuon sa buhok, mata, balat at hubog ng katawan ang dalawang pamantayan bagaman hindi binabanggit sa Panitikang Filipino ang mukha, dibdib at tangkad na mahalaga sa mga kanluranin. Maliban dito, iba ang katangiang itinuturing na maganda sa huli dahil blond ang mas maganda sa kanila at partikular sila sa proporsyon ng baywang sa balakang (7:10). Hindi nakapagtataka na parehong balat na makinis at matang malaki (hindi singkit) ang pinili ng dalawang pamantayan o maitim na mata at buhok ang sa panitikan at blond na buhok sa media dahil likas naman ito sa kapwa lahi ng mga ito ngunit nakatutuwa na ipagbunyi ng mga manunulat na Pilipino ang maputing balat dahil kayumanggi naman tayong naturingan.

Ang iba pang aspekto ng pisikal na kagandahan na may pagkahawig sa pamantayan ng media ay sa matangos na ilong at balingkinitang katawan, na kapwa masasabing ilusyon at pagpapangarap dahil sa ilong na pango at katamtamang taas ng karamihan sa mga Pinay. Taliwas naman ang pamantayang maliit na bibig na pinapangarap mapasa-Pinay dahil nagiging modelo ng kagandahan ang sa kay Angelina Jolie. Ang mas kapansin-pansing pagkakaiba ng dalawang pamantayan ay sa pagpapahalaga ng panitkang Filipino sa pagkakaroon ng malantik na pilik-mata, makinis na batok, maputing ngipin, mataas na dibdib at natural na kilay. Unibersal ang pag-aasam ng malantik na pilik-mata kaya nga may naglalagay ng false eyelashes o gumagamit ng pampalantik. Ang mataas na dibdib at natural na kilay ay mga katangiang ang salungat nito (mababang dibdib at inahit na kilay) ay nagpapahiwatig ng kababaang-puri sa kultura ng Pilipino kaya di-kanais-nais. Ang makinis na batok at maputing ngipin naman ay mga katangiang nagpapahiwatig ng kalinisan sa katawan na binibigyan ng mataas na pagpapahalaga ng mga Pilipino. Hindi kaiba ito sa pamumuna ng malinis na kuko ng mga matatanda.

Ang hindi binabanggit sa pamantayan ng media na kapansin-pansin dahil metikuloso sila sa paglalarawan at pagpapahayag ng kung ano ang maganda ay ang sa mga kamay at paa. May manunulat na Pilipino na partikular sa manipis na palad at makinis na hita bagaman walang natagpuan na nagbanggit ng mala-kandilang daliri. Ngunit walang tinukoy sa media tungkol sa braso, kamay, palad, kuko, binti, hita o buttocks bagaman napapabalita na na may nagpapa-insure daw ng kanilang mga binti at buttocks sa mga artistang babae sa Hollywood. Maiintindihang ang kuko ay imateryal dahil pinipinturahan naman ito at magmumukha nang pare-pareho, mapalokal man o mapa-imported. Parang ganoon din siguro ang kaso ng kilay sa kanila na madali ring gawan ng paraan para makuha ang minimithi. Sa mga dayuhan ang mga parte ng kamay at paa ay mukhang mga isyung periperal.

Ang mas mahalaga sa pamantayang kanluranin ay ang haba o proporsyon ng leeg sa ulo ng tao. Ayon sa isang sanaysay na tumatalakay sa angkop na pagdodrowing na tao, ang leeg ay dapat isang kapat ng isang ulo ang haba na hindi pinapansin sa pamantayang panitikan. Ang bukod-tangi sa huli (panitikan) ay ang biloy sa pisngi ng Pinay at ang bango nitong angkin. Mahirap tantsahin kung kakaiba ang pagkakaroon o karaniwang pagbabanggit ng biloy sa pisngi ng Pinay. Ngunit tahimik ang media o kanluraning pamantayan tungkol dito o kung may kontribusyon man ang naturang katangian sa ikagaganda ng isang babae. Mapapansin na bihira din ang mga artistang babae sa Hollywood na nag-aangkin nito. Tipong mas may halaga sa mga dayuhan ang pamatay-ngiti nila na may dala ng pantay na ngipin at buong mga labi. Na dahil madalas banggitin ang biloy sa paglalarawan ng maganda sa panitikang Filipino ay isang patunay na dagdag-puntos ito sa kagandahang pisikal ng mga Pinay.

Ang isa pang nakakatawag-pansin na punto ay ang madalas ding asosasyong ikinakabit ng “bango” sa kagandahan sa mga katutubong panulat. Bagaman hindi ito pisikal na katangian, ang natural na bango ng Pinay—iyong hindi hatid o gawa ng mga mamahaling pabango na malamang siyang gawi o saan nagdedepende ang mga dayuhan—ay isang maipagmamalaking katangian ng mga Pinay. Nagpapahiwatig ito kasi ng mahusay o malinis na praktis o kasanayan sa “female hygiene” at pagiging masinop sa katawan ng Pinay. Kasama ito sa nabanggit nang malinis na kuko, makinis na batok at maputing ngipin na binigyan na emphasis din ng ilang manunulat na Pilipino.

Sa mga kakaiba namang pamantayan na tinitingala sa ibang lugar, nakatutuwa ang pagpapahalaga sa Brazil ng maliit na dibdib na katuwang ng malaking balakang at puwit. Hindi matanto kung ang kagustuhan sa maliit na dibdib ay gaya ng pagpapalagay ng mga Pilipino na ang malaking dibdib ay may sekswal na konotasyon ngunit ang mga taga-Brazil ay talagang gumagawa ng paraan para makamit ito. Sa kanila mas maganda ito katulad ng paniniwala naman ng mga Tsino sa maliit na balakang at sa Peru ng may-katabaang katawan. Ang mga taga-Peru ay matatag at hindi nagbabago sa kanilang konsepto ng kagandahan na hindi tulad sa panandaliang gawi o fad na maitim na balat na uso noong 1980’s.

Sa kabuuan, lumalabas na ang pamantayan ng media ay biswal sa kalakhan at tumutugon sa mababang sensibilidad ng tao o may sekswal na konotasyon. Ang sa panitikan naman, partikular sa mga akda ng Pilipino, ay nag-aapela sa mas mataas na consciousness o imahinasyon kaya itinuturing na exalting o inspiring. Mas kailangan kasi nito ang imahinasyon sa paglalarawan dahil panulat lang ito na kailangang isipin.

KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Malinaw na ipinapakita ng pag-aaral na may pagbabagong lagi ang konsepto ng kagandahan sa pangkalahatan. Sa pamantayan ng pisikal na kagandahan, dalawang konsepto ang puwedeng pagbasehan. Namamayani ang malaganap na pamantayan ng media ngunit buo pa rin ang natatabunan nang pamantayan ng panitikan.

Maraming panulat sa panitikang Filipino ang mapagkukunan ng materyal sa usapin bagaman may kasalatan ang patungkol dito. Ngunit sapat ang mga paglalarawan ng pisikal na ganda ng Pinay para makabuo ng isang pamantayan lalo na’t may pagsasang-ayon ang mga manunulat sa hindi bababang apat na katangian. Ang pamantayang nabuo ay may pagkahawig sa ibang aspekto ng pisikal na gandang dinadala na pamantayang media ngunit marami ang pagkakaiba ng dalawa at may sariling katangi-tangi ang bawat isa. Ang huli ay hindi nakapagtataka dahil may kakaiba ring mga pamantayan ng ibang tao sa ibang lugar.

Ang pag-aaral ay isang maliit na pagtatangka upang maungkat ang mas dalisay na pamantayan ng panitikan sa usapin ng pisikal na kagandahan ng Pinay. Mas magiging definitive ito kung mas sistemtiko, malawak at malalim ang gagawing pagsusuri sa hinaharap. Magandang simula lang ito upang pagtuunan nang pansin ang paksa tungkol sa pisikal na kagandahang-Piany na batay sa panitikan sa bansa.

TALAAN NG MGA SANGGUNIAN

Abueg, Efren R. Mga Agos ng Disyerto. 3rd ed. Solar Publishing Corp., 1993.

Alfonso, Jennifer Rufino. “Ang Babae sa Mga Mata ng Dulang ‘Dalawa’ ni Luna Sicat-Cleto.” Diss. U of the Philippines, 2003.

Austria, Lorenza P. at Eden P. Orosa. ed. Mga Akda. Manila: Rex Bookstore, 1979.

Azarcon-dela Cruz, Pennie. From Virgin to Vamp: Images of Women in Philippine Media. Malate: Asian Social Institute, 1988.

Baltazar, Francisco. Florante at Laura. Ed. Florentina Hernandez. Manila: Inang Wika Publishing Co., 1966.

Bautista, Lualhati. Bata, Bata...Pa’no Ka Ginawa?. Mandaluyong: Cacho Publishing House, Inc., 1991.

Davidoff, Henry. ed. The Pocket Book of Quotations. New York: Pocket Books New York, 1942.

Edroza-Matute, Genoveva. Piling Maikling Kwento (1939-1992). Quezon City: Ateneo de Manila UP, 1992.

---. Babae at Iba Pang Mga Kwento. Quezon City: New Day Publishers, 1998.

Enriquez, Emigdio Alvarez. The Devil Flower. New York: Hill and Wang, 1959.

Flores, Penelope V. “Beauty and the Beastly Contest,” Manila Bulletin USA. mula sa .

Hernandez, Amado V. Luha ng Buwaya. 9th ed. Quezon City: Ateneo de Manila UP, 2002.

Javellana, Stevan. Without Seeing the Dawn. Quezon City: Phoenix Press, Inc., 1976.

Littler, Courtney. “Crafting the Perfect Body: How the Media Encourages Idealistic Female Forms.” <http://www.angelingo.usc.edu/issue01/ culture/littler.html>.

Lovely, Monica. “”Asian Standards of Beauty, Different but not so Foreign,” Flat Hat. 18 February 2002 .

Lumbera, Bienvenido, et. al., ed. Paano Magbasa ng Panitikang Filipino. U of the Philippines P, 2000.

“Motion Picture Industry,” The New Book of Knowledge. Danbury: Grolier Incorporated, 1988.

Neufeldt, Victoria. ed. Webster’s New World Dictionary. 3rd College ed. New York: Webster’s New World New York.

Newman, Cathy. “The Enigma of Beauty.” National Geographic. January 2000: 100-121.

“Painting on Location: Human Proportions.” <http://www.mauigateway.com/ ~donjusko/ human.htm.>.

Pantoja-Hidalgo, Cristina. Catch a Falling Star. Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 1999.

“Perfect Body: Thinness and Slim,” http://zine.dal.net/previousissues/issue18/ editorial-life-thin.php.

Prystay, Cris. Critics Say Ads for Skin Whiteners Capitalize on Malaysian Prejudice.” Wallstreet Journal Online. 30 April 2002.

Rizal, Jose. Noli Me Tangere. 5th ed. Trans. Domingo D. de Guzman. Manila: G.O.T. Publishers, 1950.


106 Comments:

Post a Comment

<< Home