Ganito Kami Ngayon, Paano Kayo Bukas?

Wednesday, October 26, 2005

Encantadia

Matapos ang mga Mexican telenovela at Asian telenovelas, nahihilig naman na ang mga Pilipino sa mga tinatawag na pantaserye. Makikita ito sa blog palamang na ito. Tiningnan itong mabuti ni Marty Macriola, kilala sa klase bilang "Socio-boy" na nakpanayam pa sa 24-Oras noong ang ilan sa klase ay bumisita sa set ng Encantadia.

Encantadia: makabagong mito at makalumang kwento

ni Marty Joseph E. Macariola

INTRODUKSIYON

Karaniwan sa buhay nating mga Pilipino ang mga kwento na siyang nagbibigay ng kahulugan ng ating mga karansan. Minsan dinadaos ito sa mga inuman, minsan sa mga bonfire, at minsan naman ito ay dinadaos sa loob ng mga bahay, sa mga malamig na gabi upang magpalipas ng oras. Ang mga nilalaman ng mga kwentong ito ay malawak ang saklaw. Karaniwan, ito’y tungkol sa mga karanasan ng mga magkakaibigan, sa mga paghihirap sa buhay, o sa mga nakakatawang pagkakataon lamang ng bawat isa. Sa dami ng pagkakataon ng pagkwekwento at sa dami ng taong pinagkwekwentohan makikita natin na ito’y nagiging isang uri ng catharsis o pampalubag ng sama ng loob na siyang nagpapagaan at nagbibigay kulay sa buhay. Sa katunayan, sa pagkasanay natin sa ganitong kaugalian naging bahagi na ang pagkwekwento sa ating kultura.

Ngunit may mga manunulat na nagsasabi na hindi lamang ito pampalipas ng oras o bahagi lamang ng kultura kundi isang instrumento ng pagpapalaganap ng kultura. Minsan ang pagpapalaganap na ito’y dinadaan sa pagsulat, pagarte, pagsayaw, ngunit ito’y karaniwang dinadaan sa pagkwento. Sa ganitong pagpapalagay makikita natin kung paano ito nagbabago at kung ano ang mga temang katangitangi na napapanatili sa mga kwento habang dumadaloy ang panahon. Sapagkat ang mga tema ay kapareho ng dati ngunit ang anyo nito ay nababago sa iba’t ibang pagbabago ng lipunan.

Upang mas mapalawak, ang mga instrumento katulad ng pagkwekwento ay karaniwang nalalaman ng karamihan sa isang penomenong tinatawag na “cultural transmission” upang ang isang kultura ay mapalaganap pa rin sa pagdaloy ng panahon. Kaya naman maraming mga tagapaganalisa na nakikita ang kahalagahan ng ganitong klaseng instrumento. Isang uri ng instrumento ay ang pagkwekwento o pagpapahayag ng mito na kahit hindi totoo ang napapaloob na kwento ay may katotohanang pinanghahawakan, ito ang katotohanan ng sistema ng paniniwala at mga pinanghahawakang pagpapahalaga.

Sa kontemporaryong lipunan, maaring itanong kung anong uri ng mga kwento ang napapalaganap at kung anong instrumento ang ginagamit sa pagpapalaganap nito. Sapagkat makikita natin na ang mga kwentong ito ay hindi lamang naililimita sa pagsasalaysay, kundi naihahayag rin gamit sa iba’t ibang uri ng midya. Sa ganitong pagkakataon nakikita natin ang kagandahan ng epektibong uri ng socializing agent, na siyang naging pinapanggalingan ng pagpapalganap ng kultura.

Ang nakakatakot nga lang ay ang posibilidad na ang kulturang pinapalaganap na dapat ay kulturang atin ay nabahiran ng kulturang kolonyal. Dahil kung ganito ang mangyayari posibleng ang makinang pagpapalaganap sa kulturang pinoy ay may sira na mas lalo pang lalala habang lumalaganap.

TESIS NA PANGUNGUSAP

Encantadia, ang makabagong mito na siyang nagbibigay ng oryentasyon ukol sa katangiang pinapahalagahan ng ating lipunan,.

SULIRANIN

  1. Mito nga ba talaga ang encantadia?
  2. Ano ang mga katangian nito ang nagpapapkita na ito nga ay kwentong bayan?
  3. At kung kwentong bayan nga ito, ano ang mga katangian ng mga Pilipino na pinapapahalgahan ang pinapakita nito?

LAYUNIN

  1. Hanapin ang mga temang nakikita sa kwento ng bawat kabanata.
  2. Himayin ang mga tema, upang mapakita ano ang mas mahalaga at kung ano ang mas nananaig upang mapuna at maintindihan kung ano ang mga mensaheng naipapakita nito.
  3. Suriin kung ano ang implikasyon nito sa ating lipunan.

METODOLOHIYA

  1. Dahil walang ibang mapagkunan ng mga salaysay o nakarekord na materyal gagamitin ko ang mga kwentong nakalagay sa isang blog ng mga panatiko ng “Encantadia”, bilang basehan ng pagsusuri.
  2. Titignan ko lamang ang mga kwentong ito sa pamamaraan ng kontent analisis upang ipakita kung mayroong mga kahulugan ang mga kabanata sa mga pinapahalgahang katangian ng mga Pilipino.
  3. Suriin gamit isang straktural na pagaanalisa ang mga katangiang ideolohikal ng teleserye bilang isang instrumento ng midya o isang mito na siyang naghahawak ng mga “values” ng ating lipunan.

SARBEY NG KAUGNAY NG PAGAARAL

Sa mga pagbabasa ni Alan Dundes (1965) mahirap bigyan linaw ang salitang folklorelore na sa kaniyang paliwanag ay malabong ilimita sapagkat malawak ang saklaw ng salitang ito, kaya naman hindi na pinagdiinan ng pansin ni Dundes ang depinisyon na nakabatay dito. Pangalawa, tinignan niya kung ano ang konsepto ng folk, na karaniwan raw ay naihahambing sa konspeto ng tagabayan, na paliwanag niya ay isang malaking pagkakamali sapagkat ang konsepto ng folk ay grupo ng mga tao. Hindi lamang mga taong tinatawag na tagabayan kundi lahat ng taong may mga kaugnay na depinisyon sa isang realidad at karaniwan nila itong binibigyan ng panisn upang mapalawak ang kanilang karansan bilang mga kabahagi sa realidad na yun. Kaya naman nabuo ang konspetong folklore na ibig ipalaganap ang konsepto ng pagiging bahagi ng isang grupo. At sa katunayan ang mga estudyante ay may posibleng sariling folklore pati na rin ang mga militar ay may sariling folklore. karaniwan raw nagkakaporbleam kung ano ang dapat gamiting basehan upang mabigyan ng makatarungang pagtanaw ang ganitong uri ng kwento sapagkat may dalawang bahagi raw ito. Una, ang konsepto ng

Sa ganitong pagkakataon gusto kong pasukin ang isang katangian ng isang uri ng folklore upang mabigayn pansin kung ano ang mga implikasyon nito sa pagpapalaganap ng isang kultura. Ayon sa mga pagbabasa ni Bascom makikita raw natin ang ang mga salitang nakakapagbigay ng mga dahilang ng kategoryang mito, na siyang naiiba sa ibang uri ng folklore, ay mga pangyayari raw naihahambing sa mga nangyari sa nakaraan na pwedeng maihambing bilang katotohanan. Pwede rin daw natin itong mapakita bilang isang pagpaliwanag ng doktrina na siyang nagbubuo sa ukol sa mga importanteng bahagi ng buhay ng mga tao. Karaniwan nga raw sabi Bascom (1965),

“myths account for the origin of the world, of mankind of death , or of characteristics if birds, animals, geographical features, and the phenomenon of nature. They recount the activities of the deities, their love affairs, their families,, their friendships, and enmities, their victories and defeats. They may purport to “explain” the details of ceremonial and paraphernalia or ritual, or why tabus must be observed, but such etiological elements are not confined in myths

Sa ganitong pagpapaliwanag makikita natin kung papaano napapalaganap ang isang sistema ng pagpapahalagasa isang lipunan sa isang simpleng uri lamang ng folklore. Kung sa mito nga ay makikita natin ang maliking implikasyon katulad nito paano pa kaya ang kabuuran ng folklore na siyang gagamitin kong kategorya upang mailagay sa konteksto ang pagaaral na ito.

Alam na natin kung saan nanggagaling ang folklore at kung ano ang mga nabibilang ditto at hindi. Alam na rin naitn ang mga implikasyon ng isang uri ng pagkwekwwnto sa pamumuhay ng lipunan. Ngunit hindi natIn alam kung paano isang uri ng kwentong bayan ay napapalaganap at kung ano ang mga pinapalkaganap nito kaya naman magandang ipasok ang mga pagaaral ng mga tema at implikasyong nilalatag ng iba’t ibang folklore. Ayon kay Menez(1996), ang folklore ay isang malaking bahagi ng pagpaliwanag pangkultural na pluralismo. Ngunit isa ito sa mga sa hindi gaano ka nabibigyan ng ganoon kalawak na pansin. Ang kwentong bayan ay nagpapakita ng mga paniniwala at “value systems” ng isang “specific” na lipunan. At kahit ito raw ay nahahanap sa iba’t ibang bahagi ng daigdig karaniwan may hindi pangkaraniwang mga uri ng paniniwala ang nakikita sa bawat lipunan na kinalalagyan nito. Kahit may mga katangian na siyang napapakita katulad ng ibang mga kwentong banyaga mapapansin pa rin natin na nakukulayan ang mga ito ng likas ng pangkulturang katangian. Sa katunayan may isang temang nananaig sa usapan ng mito sa loob n gating pangkulturang sistema at ito ay ukol sa pagpapahalaga ng ating mga pamilya. Ipinaliwanag pa ni Menez(1996)

“The role of family in the economic and cultural survival of the ethnic group is illustrated in epics, where family solidarity triumphs over the threats of outside forces. The family is depicted as a cooperative unit headed by a powerful chief and a sagacious wife whose precious son, almost from the moment of birth, emerges as an epic hero. The primary bonds are between parent and child, and between husband and wife…”

Maliban sa pamilya, mapapakita rin daw ang kakaibang katangian ng panlipunang pagpapahalaga sa pagiging magkapatid at ayon kay Menez(1996) hindi raw ito katulad ng dayuhang paniniwala ang ng ang magkapatid ay dapat magkatunggali. Sa katunayan pinapakita niya sa mga epiko raw naitng mga Pilipino ang pagtutulungan ng mga magkakapatid sa mga pagkakataong kinakailangan upang matbigyan lunas ang mga problema sa lipunan. Isa sa mga kwentong ito ang kwento ni Agyu at ang kaniyang mga kapatid. Minsan rin ang mga kwenotng ito ay nagpapakita kung paano tinutulungan manligaw ng ibang mgakakapatid ang kanilang kapatid upang makuha ang iniibig na babae.

Maliban sa pagpapahalaga ng pamilya makikita natin na ang pagpapahalaga at pagtanaw sa lakas ng babae na isa sa mga kakaibang katangian na hindi mapagkakaila sa ating kultura sapagkat makikita ganito raw ang panlipunang struktura natin. Ipinaliwanag pa nga ni Menez (1996) na

The high regard for women has been nited as a distinct feature of prehispanic Filipino societies , which were based on bilateral family structure with strong egalitarian tendencies. A woman was her brother’s equal, as suggested by the woman warrior who fought alongside her brother. Many women held important positions as ritual specialists, as indicated by the Ilocano epic where Kannoyan resuscitates the hero, and in the panayan epic, where the wives of Labaw Donggon perform a ritual to cure his hearing loss and insanity. Although Agyu and his brothers lead their people to freedom, it is Mungan, their shaman sister-in-law, who gives them the betel nut of immortality.”

Sa mga nakikita naitng mga pagpapahalaga ng mga relasyon ng mga tao sa kanilang mga kapamilya at mga relasyon nila sa isa’t isa bilang lalake’t babae makikita rin natin na ang ganitong mga konsepto ay napapaloob sa mas malawak na tema na siyang nagiging pamamaraan ng pagtingin sa panlipunan na paniniwala. Karaniwan itong mga paniniwalng mga ito ay tintalakay ang pagkikita sa lahi ng mga diwata. At ang pagtalakay tungkol sa mga malalaking palasyo, malamahikang mga sasakyan na siyang, pumapatungo sa isang malakas at magandang diwata. Dagdag pa sa temang ito amenexy ang tema ng paglalakbay na hindi nawawala sa mga epikong nababasa natin ayon pa kay Menez (1996)

“… like the shaman in the search of healing powers, the epic hero goes on a series of adventures, fights his adversaries, undergoes severe tests if physical adventures, fighets his adversaries, undergoes severe tests of physical prowess and intelligence, and experiences illness, death and rebirth.”

Sa ganitong pagpalagay makikita natin ang posibleng mga implikasyon at temang makikita sa pagaaral ng sariling mga folklore. Ang ibig ko bigyan ng pagpapahalaga sa pagaaral na ito ay ang mitong napapsailalim ng mas malawak na kategoryang folklore upang mabigyan ng detalyadong pagkakaugnay ang tema at sistema ng pagpapahalaga sa kwentong sinusuri ko.

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Ang gagamitin kong mga teorya upang maipaliwanag ang mga dahilan sa nakita kong datos at implikasyon nito sa lipunang ating kinakagalawan natin ay ang stuakturalismo na siyang naipapalieanag ni Roland Barthes sa libro ni Cuff (1998). Ang paliwanag ni Barthes ang mito raw ay

“patterns of cultural activities and ideas which have a fundamentally ideological character, in that their function, (in part at least) is to obscure reality, by conveying a sense of naturalness about things which are integral to one particular cultural configuration, that of modern bourgeois society.”

Sa ganitong pagpapalagay ang akala nating karaniwang pagkwekwento ng isang mito na siyang kathang isip lamang, ay hindi hiwalay sa isturkturang kinakagalawan natin. Ang akala nating isang natural na pangyayari at pagpapalaganap ng kwento ay base sa ating mga kagustuhan ay isang pagiisip na puno ng ilusyon na sa totoo’y produkto ng ating lipunan. Isang guhit ang ipinapikita sa baba upang mas lalong mapalinaw ang kaniyang konspeto.

Ngayon sa konteksto ng malakas na paglawak ng midya sa tingin ko mas lumalawak na rin ang epekto ng lipunan at mas lalo pa itong nagiging mas natural sapagkat mabilis ang pagpasok sa impormasyon sa ating isipan at hindi na natin napapansin ang malastrakturang pagpalawak ng ideolohikal na pananaw. Karaniwan sa ating lipunan lalo’t na ang mga bata ay nakikita ang kagandahan ng telbisyon ay mas lalong namamangaha at hindi na iniintindi ang posibleng implikasyon nito sa kanila.

Ngunit hiwalay kay Barthes ang gagamitin kong pagtanaw sapagkat naniniwala akong kahit nahuhubog nga ang iyong isipan makikita pa rin natin na hindi lamang ito sa pang burgis na pagtanaw sapagkat sa pantayong pananaw na pinapalaganap ni Salazar(2000) at Enriquez(1992) may kultura ng masa na siyang nagpapahiwatig ng uri ng kultura na mas malapit sa konspeto ng indigenous na Pilipino. Sa ganitong konteksto ng pagkahiwalay ng kultura ng mga elitista at kultura ng masa magkakaroon ng isang ideolohikal na pagtatanong na kung totoo ngang mayroong ideolohikal na elististang napapalaganap sa mga pangmasang manonood.

Sa pagtanaw sa implikasyon kung kaninong ideolohiya ang pinapalaganap kelangan tignan natin ang kultural na teoryang nagpapawihatig ng mga pagpapahalaga ng sariling kultura. Kaya naman gagamitin ko ang konsepto ng kapwa ni Virgilio Enriquez upang gawing batayan ito ng aking pagsusuri at paghimay ng mga konseptong pinapalaganap sa loob ng Encantadia, na tinatawag kong kontemporaryong mito.

Sa pagpapaliwanag ni Enriquez ang pakikipagkapwa ay isang paninindigan ng mga Pilipino na nanggagaling sa pagkakaisang uri. Na ang ibang tao ay tininignan bilang mga kapantay, kahit sila ay nasa mas mababa o mas mataas na posisyon sa lipunan. Ang turingan na ganito ay karaniwan nating nakikilala bilang “kapwa tao” dahil kung hindi ito natutupad nababaliwala ang dignidad ng ibang tao.

Ngunit kahit may katangiang pagrespeto at pagbigay ng sarili sa kapwa, mapapansin natin na may katumbas pa rin itong mga katangiang ukol sa mga panahong hindi natutupad ang panglipunang mga pinapahalagahan. Itong katumbas na ito ay ang kahalagahan ng pakikibaka, na sa isinalaysay ni Virgilio Enriquez, na nangyari sa isang panlipunang krisis nung “martial law” na sa ganoong pagkakataon nilabanan nila ang katiwalian at karahasan, sapagkat hindi na ito iniintindi ang “kapwa”. Mapapansin raw natin na kahit wala ng magagawa pilit pa rin itong nilalabanan.

Sa mga isinalaysay niyang mga depinisiyon, meron siyang nabanggit na mga katangian upang mas lalong mapalawak ang karanasan ng “kapwa”. Itong mga katangiang ito ang gagamitin kong basehan upang masuri ang mga kwento’t kabanata sa encantadia para sa ganoong pamamaraan masusuri ko ang mga teoryang pinapalaganap ni Demetrio ukol sa mga pinapahalagahang mga katangian na napapakita sa mga mito.

Bago ang lahat ilalahad ko muna ang mga katangiang isinalaysay ni Enriquez.

Ang unang konseptong kaniyang pinapakilala ay tungkol sa kagandanhang-loob ito ay nakikita sa pagbibigay o sa mga kawang gawa na nagpapahayag ng kabutihan. Ngunit ang isang mahirap na batayan sa ganitong katangian ay ang pagkakaroon ng disposisyon na nanggagaling sa panloob na kabaitan at hindi sa masamang intension, sapagkat ang taong makakapagsabi lamang nito ay ang taong gumgawa ng kawang gawa.

Ang pangalawang konsepto ay ukol sa karangalan na siyang karaniwang naiuugnay sa mga salitang puri o dangal. Ang mga katangiang ito ay nauugnay sa taong may galing at talino na pwede kahangaan. Sa ganitong pagkakataon mabibigyan niya ang kaniyang sarili ng pagtanaw, na pwede niyang ikalakas ng loob, hindi basi lamang sa pamantayan ng ibang tao kundi sa sariling pagtanaw. Upang mas mapalalim ang pagintindi ng salitang dangal na siyang buod na salita ng karangalan, ipinapakita ni Enriquez na kahit dugyot at mahirap tignan ang kasuotan at pagmumukha, lumilitaw pa rin ang kahalgahan ng sariling pagkatao ng taong may dangal. Itong uri ng pagkatao ay nakikita sa lakas ng loob ng mga mahihirap na hinaharap ang mga mayayaman sa mga pagkakataong sumusobra na ang pangagamit ng political na sistema. Sa ingles ito’y pinapakita sa mga salitang honor at self-respect na hindi napapasailalim sa kahit anong pangaabuso.

Ang pangatlong konseptong inalalantad ni Enriquez ay ang kalayaan na siyang nagpapahiwatig ng ating pangangailangang mabuhay, hindi lamang dahil sa kagustuhan ng isang uri ng pamumuhay kundi dahil ito lamang ang pamamaraan nakikita nating mabuhay. Minsan kahit pinagbababawal ito ng ating mga nakainstitusyong batas karaniwan ang mas sinusunod natin ang ating pananaw na mas tamang prinsipiyo. Minsan sa mga sitwasyong nakikita natin na may isang pulubi ay nangangailangan ng tulong na siyang pinagbabawal ng batas makikita natin na may iba pa rin na siyang pilit tumulong.

Ang pangapat na pinapahalagahang konsepto ay ang tungkol sa katarungan, na sa pinapaliwanag ni Enriquez ay hindi rin nakabase sa mga nakainstitusyong batas na siyang pinapalaganap ng isang kolonyalismong lipunan kundi nakabatay sa mga pinapaniwalaan ng mga tao sa kanilang lipunan. At isa sa mga ideyang pinapahiwatig ng konseptong ito ay ang pagkilala sa mga karapatan ng bawat isa. Dapat ang mas nakakarami ay nabibigyan ng boses kaysa sa mas kaunting mayayaman at makapangyarihan.

Hindi malayo sa ganitong konsepto, ay ang katotohanan at katwiran. Ang una, ay napapakita sa importansyang malaaman kung ano nga ba talaga ang mga nangyari. Ang katwiran naman ay kaugnay sa dahilan ng mga pangyayari na kapag mabubuo ay magbibigay ng katarungan, kaugnay dito ang konspeto sa bibliya na the truth shall set you free. At dahil para sa nakakarami ang katarungan, upang ang isa’t isa ay mabibigyan ng karapat dapat, makikita natin ang konspeto ng pagkakaisa, na nagpapahiwatig ang kagustuhang magkaugnay-ugnay ang mga tao, upang mabuo ang isang consensus.

SAKLAW NG PAG-AARAL

Ang mga kwentong aaralin ko ay posibleng hindi ganoon ka kumpleto sapagkat kwento lamang ito. Ngunit makakapagbigay ito ng sapat na kaalaman sa pagdaloy ng kwento. At dahil kontent analisis ang ginagamit na instrumento posibleng akademikong pagtanaw lamang ang aking maipapakita posibleng hindi ko mapaliwanag ang mismong nakikita o naiintindihan ng manonood. Isa pang limitasyon ng pagaaral, upang mabigyan ng sapat na pansin ang halos anim na pung (60) kabanata. Hindi ko bibigyan ng ganoon ka lawak na pansin ang mga costume o kasuotan, mga special effects at iba’t ibang screenplay na posibleng mas magpapalawak at mas makakapagpigil sa akin buohin ang sapat na paganalisa ng kwento na siyang maiuugnay sa historikal na pagbago ng kwentong bayan o ng mito.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Adamya – Ito ang kaharian ni Imaw nung hindi pa sila nilusob ng mga hathor ito. Dito mamalagi sina Amihan habang nasa kamay pa ni Pirena ang Lireo. Ito rin ang bayang pinagkalooban ng brilyante ng tubig.

Ash’te – Ang salitang enchan sa para sa tiya

Asnamon – Puno na kung bukas ay pwede maging lagusan papunta sa mundo ng mga tao galling sa Encantadia

Awoo - Ang isang uri ng pashnea, mukhang aso, ngunit siya ay kasing laki ng puno

Balaak - Ang lugar na pinupuntahan ng mga hathor upang sila ay magparami sa tulong nga kanilang ninuno

Dama – isang uri ng diwata na walang kapangyarihan. Sila ang tumutulong sa mga sang’gre

Devas – ang kinlalagyan kaluluwa ng mga yumaong mga encantado

Encantadia – Ito ang buong kaharian ng mga diwata, kasama ang apat na bayan nito. Ito lamang ay napapuntahan ng mga pangkaraniwan tao kapag dala nila ang medalyon.

Enchan - ang mga salita ng mga taga encantadia, at ang karaniwang ginagamit na salita ni Cassiopeia.

Hathoria – Ang kaharian ng apoy na pinamumunuan ni Hagorn, ito rin ang kaharian ng mga hathor. Sa kahariang ito hindi gumgana o kinikilala ang mga kapangyarihan ng mga diwata, kaya’t kapag gusting mag teleport sina Alena hindi niya magawa.

Lireo – Ang kaharian ng mga diwata na sa pagkamatay ni Reyna Mine’a ay pinamunuhan ng anak nitong si Amihan.

Sapiro – Ang kaharian na muntikan na maglaho sa buong encantadia sapagkat na namatay ang hari nito at lumisan ang mga tao, nung mga panahong nagdigamaan ang buong encantadia dahil sa pagsalakay ng mga hathor. Ito rin ang tunay na kaharian ni Ybrahim o ang mas kilalang si Ybarro.

Pashnea – Uri ng Hayop

Mga Lahi sa encantadia

Adamyan – maliliit na lahi ng encantadia, kasing laki lamang sila ng mga bata ng isang pangkaraniwang tao. Ang hari nila ay si Imaw.

Hathor - Isang lahi sa encantadia, na karaniwa’y nahahalintula sa mga orcs. Sila’y mga mandirigmang walang mukha at karaniwa’y utusan lamang ni Hagorn.

Diwata – Ang isang lahi sa encantadia na mukhang tao ngunit may kakaibang katangian.

Mulawin – Ang malaibong tao o malataong ibon na siyang nagbigay ng tulong kina Danaya nung mamatay si Lira sa mga mundo ng mga tao, dati raw sila ay mga taga encantadia, ngunit dahil patayan na nangyari sapagitan nila at ng mga hathor.

Mandirigma – isa sa mga lahi ng encantadia na kumupkop kay prinsipe Ybrahim. Ngunit sila ay naglaho na nung sinugod sila ng mga hathor sa galit ni Hagorn sa kanilang pakikisama sa laban ng mga diwata.

Sapiro – Lahi ni Prinsipe Ybrahim na magaling mandigma, sila ay may mga kakaibang sandata na siyang nagdadagdag sa kanilang lakas. Ngunit maliban kay Prinsipe Ybrahim at ang kaniyang mga kalaban na mga kawal ni Asval, wala nang ibang natitira.

KAGYAT NG PAGSUSURI

Kapwa sa encatadia

May iba’t ibang temang makikita sa pagsusuri ng isang mito at sa nasabi sa teoretikal na balangkas malalaman natin sa pagsusuri sa mga mito kung ano ang mga bagay na pinapahalagahan ng isang lipunan. Sa pagsusuri ko sa anim na pu’t pitong mga kabanata ng Encantadia nakita ko ang iba’t ibang mga temang nakaugnay sa pagbabanghay ni Enriquez ukol sa mga bahagi ng konsepto ng kapwa. Sa baba ang kaniyang nakatabula inilatag (Enriquez 1992);

Kagandahang loob: Pakikipagkapwa as pagkamakatao

(nobility, benevolence and compassion in kapwa psychology)

CORE VALUE

KAPWA (Pagkatao)

(shared identity)

Linking Socio-Personal Value

Kagandahang loob (Pagkamakatao)

(shared humanity)

Associated Social Values

Karangalan

(dignity)

Katarungan

(justice)

Kalayaan

(freedom)

Reductionist interpretation

“social acceptance”

“social equity”

“social mobility”

Sa pagtanaw ko tama ang paglabas ni Enriquez sa kaniyang konspeto ng kapwa bilang pinakaugat ng bawat pinapahalagahang katangian. Ngunit sa pagsusuri ko ng Encantadia nakita ko ang komplekadong pagpalawak sa teorya ni Enriquez dahil ang simpleng

dinamikong pinapakita niya ay hindi sapat. Napupuna ko na ito’y malawakang konsepto lamang upang mabigyan ng oryentasyon ang tao sa kapwa kaya naman binigyan ko ng konteksto ang mga konspetong binigay niya.

Una, babanghayin ko ang kapwa sa apat na konteksto na nagiiba lamang ng lebel kaugnay sa dami at lalim ng manipestasyon nito sa bawat tao. Sa dami, makikita natin na maiiba ang konsepto ng pagkakaisa sa isang grupong mas malaki pa sa pamilya. Ibig sabihin ito’y nakikita sa mga taong pinapahalgahan ang panlipuang kapakanan dahil ito’y kaugnay sa pagkakaroon ng mas malaking pamilya. Ang pagiibigan naman ay naiiba dito dahil ito’y karaniwang nararanasan lamang ng dalawang tao. Ang hindi romantiko naman ng pagpapalawak ng konsepto ng pamilya na katapat ng isang maliit na grupo na magkasing lebel ng pagiibigan ay ang pagkakaibigan. Sa ganitong pagbabanghay makikita natin na ang pagpapahalaga sa pamilya ay nagiging sentro at batayan ng pagtanaw at pagpapahalga sa iba.

Isang talaan ang ipapakita ko upang mas mainitidihan.

KAPWA

PAMILYA

(bilang sentrong konsepto na siyang pinaka hindi nagbabagong konsepto ng kapwa)

Pagiibigan

Manipestasyon ng mas malalimang konspeto ng kapwa sa konteksto ng romantikong pakikipagugnay

Pagkakaibigan

Ang katapat na konsepto ng pagiibigian na siyang pinapalawak angsaklwa ng kapwa.

Pagkakaisa

mas pinalawak at pinalaking konsepto ng pamilya ito’y nauugnay sa panlipunang pagpapahalaga na ang bayan ay nagiging pamilya.

Sa pagsusuri kong ito makikita natin na ang mga magkaugnay na katangian ng kapwa sa iba’t ibang lebel at konteksto. Sa ganitong pagtanaw makikita natin ang tinatawag ni Menez na universal themes na nakakapagugnay sa mga mito, ngunit sa aking pagpapaliwanag maipapakita ko ang katangi-tanging mga konseptong nilalantad ng Encantadia na magbabanghay at magpapapalawak ng pagintindi ng mga pinapahalagahng katangian ng mga Pilipino.

Sa ganitong pagkakataon maipapakita ko ang lakas ng uganyan ng magkapamilya na siyang naglalatag ng isa sa pinakaimportanteng pagpahalaga sa kapwa tao. Sa katunayan ang uganyan ng magkapamilya ay sobrang lakas na mayroong pampisikal na epektong nangyayari kapag ang kadugo mo ay nanganganib. Sa Kabanata 37: Sa Encantadia habang naglalakad sina Amihan papuntang asnamon upang imbestigahan ang puno para sa pumasok sa lagusan papunta sa mundo ng mga tao mapapansin ang pagkakaugnay ng mag-ina. Sa kabilang mundo, sinaksak si Lira at napansin ng kaniyang inang si Amihan ang pagliwanag ng kaniyang kamay na naghuhudyat na nasa panganib si Lira. Sa ganoong pagkakataon bigla siyang nahimatay. Sa kaparehong kabanta mapapnsin natin ang malakas na pagmamahal ng pamilya sa lungkot na dinaranas ni Danaya sa panganib ng kaniyang pamagkin pagkatapos ito masaksak ni Hagorn. Kahit hindi nito ganoon ka nakilala ng mahabang panahon ang sang’greng walang takot na hindi nagpapatalo ay naiiyak. Hinahawakan niya ito at sinusubukag gamutin kahit parang walang epekto ang kaniyang gingawa.

Makikita rin natin na kung ang tao ay pamilya ibig natin itong makasama, kahit ito nakakadagdag sa gulo, katulad ng pagbabantay ni Danaya kay Lira kahit ito’y matigas ang ulo at palagi siyang sinusuway makikita natin na wala pa rin itong maipagpapalit sa kaniyang pamangkin.

Ang rason ng maginang si Lira at Amihan ay mas lalong napalalim sapagkat kahit magkahiwalay ang mga ito makikita natin na malakas ang lukso ng dugo. Sa kabanata 39,

mapapansin natin ang kahalagahan ng Punyal ng Sandugo, na siyang naguugnay sa mag-ina. Mapapansin natin ang kalayuan ng mag-inang si Amihan at Lira ngunit naririyan pa rin ang kaugnayan nila. Sa kabanatang ito, si Lira ay papuntang devas at mamatay nang unti-unti ngunit mayepekto pa rin ang pagsugat ng kaniyang inang si Amihan sa sariling kamay upang makita kung may kaugnay na sugat rin ang kaniyang anak upang malaman kung totoong ang kaniyang anak ay si Mira ngunit ang sugat ay natamo ni Lira. Kahit mapagwalay kayo ng lipunan isang magandang simbolismo ito upang matukoy na walang makakapaghiwalay sa pamilya. Sa Kabanata 40, patuloy ang pagpapakita ng mag-ina ang lakas ng kanilang ugnayan. Sa pagkagising ni Lira/ Mila sa kaniyang pagkamatay, at nakabangon na ito ng tuwid mapapansin natin na ang kaniyang paggamit ng kapangyarihan upang makita ang kaniyang ina. Ang kaniyang ina nama’y napapansin ang pagihip ng hangin sa Encantadia at nakikita ang hindi kilalang babae sa langit. Napagtaka si Amihan sa kaniyang nakita hindi mga lang niya na ito ang kaniyang anak.

Kahit iaalay pa ang kapangyarihan sa ating mga Pilipino makikita natin nahindi ito matutumbasan ang pagkakaroon at pagpapahalaga ng pamilya sapagkat sa kabanata 41, sa pagpapaliwanag ni Danaya kay mila ang tungkol sa pagiging reyna, walang pakialam si Mila/Lira sa kaniyang kapangyarihan mas pinapahalagahan pa niya ang pamilya. At kahit mapapanganib na ang sarili gagawin ang lahat upang mailigtas lamang ang pamilya. Sa kabanata 42, makikita na habang pabagsak ang Lireo sa mga kamay ng mga Hathor, pinaalis ni Amihan si Alena upang makaligtas ito. At sa panahon ng paghihirap ang pamilya ang unang nakakaramdam at nakakpansin na sa kabanata 43 ang pagdating ng malakas na hangin na siyang nararamdaman ni Lira ay naghuhudyat sa kalagayan ng kaniyang ina.

Ngunit hindi lamang ito katangian ng mga mabubuti ang pagpapahalaaga ng pamilya ay hindi lamang nakikita sa tagapagtanggol ng katarungan kahit sa mga hathor makikita natin may konsepto pa rin sila ng pamilyang pnapahalagahan. Sa Kabanata 43, kahit tinangka ni Mirang patayin si Hagorn pagkatapos makita ang kaniyang kinnikilalang inang si Amihan, na napasailalim ng mga hathor at mukhang kawawa. Wala pa ring ginawa si Hagorn kundi konsintihin si Mira sapagkat sila raw ay pamilya at parehong dugo ang dumadaloy sa kanilang dugo at ang pamilya ay hindi magkaaway kundi magkakampi ang mga kaaway nila ay ang lahi ni Amihan, sapagkat diwata ito at si Mira kahit diwata ay may lahing hathor.

Ang sakripisyo at pamilya ay hindi mapaghihiwalay na konspeto sa katunayan pianpakita ito sa malakas ang malasakit ang gustong ibigay ni Alena sa kaniyang kapatid na si Amihan. At sa kabanata 51 ibig niyang makipagkasunduan kay Hitano at payag siyang ibigay ang kaniyang sarili kay Hitano upang matulungan lang si Amihang makalaya. Ngunit kahit ang sarili ay mapanganib makikita natin na hindi dapat sa kahit anumang pagkakataon sapat mapanganib ang pamilya. Sa kabanata 53 ang pagsalakay ni Danaya sa tulong ng mga mulawin ay sa kinalalagyang sitwasyon ay nahinto sa dahilang manganganib ang mga buhay ng anak ng kaniyang kapatid ay naitigil lahat ng paghahanda.

At bilang panhuling paguugnay ng mga katangiang Pilipino sa pagpapahalagang sa pamilya makikita natin na na lahat ay ibaigay pati ang karngalan para lang mailigtas ang kapamilya. Sa kabanata 57, nakikiusap si Amihan kay Pirena ibalik si Mila at kahit nakakalamang na si Amihan sa lakas ng kaniyang mga kawal, pakiusap pa rin ang kaniyang turing kay Pirena. Ngunit hindi pumayag si Pirena at ang kundisyon na binigay nito ay ang paglisan ni Amihan upang hindi masaktan si Lira. Bilang pahiwatig ng kanilang kasunduan itinapon ni Pirena ang bulaklak na nagpapahiwatig buhay ni Lira kay Amihan. Ang simbolismong pagkalaglag ng sandata ni Amihan upang saluhin ang bulaklak ng kaniyang anak ay nagpapahiwatig ng kaniyang kagustuhang ibigay lahat pati ang kaniyang buhay ng pandigma upang mapangalagaan lamang ang buhay ng kaniyang anak.

Pagibig

Malalaman natin na ang pagibig ay karaniwang nakikita sa iba’t ibang pagkakataon sa encantadia. At ang pagtitiwala sa isa’t isa ay nagpapakita ng isa sa pinaka malalim na pagpapahalaga. Sinulatan ni Carmen ang kaniyang anak na si Anthony upang itigil na nito ang paghahanap kay mila. Binigay ni Carmen ang sulat kay Anthony ngunit dahil sa pagtitiwala at pagmamahal niya kay Lira makikita natin na nakita niya ang katotohanan na hindi ito ang sulat na gawa ni Lira. Makikita rin natin na minsan ang pagmamahal ay mas pinaniniwalaan pa kay sa pag mg autos ng pamilya kaya naman sa kabanata 42, kahit pinagbabawal ng kaniyang Ash’te mapapansin natin na hindi pa rin ito mapagbawalang pumunta sa bahay ni Anthony bago silang lumisan ng Encantadia. Sa ganitong pagkakataon kahit mas pinaka hindi natitinag na relasyon ang pamilya minsan mas nananaig ang pagibig

Alam natin na malakas ang pagibig at sa ganitong pagkakataon makikita natin ang na may iba’t ibang manipestasyon ang pagmamahal at karaniwan base ito sa kontekstong kinagagalawan. Sa kabanata 47 makikita natin na si Hitano na kasama ni Pirena ay gustong makipagkasundo kay Alena na tulungan si Amihang makalaya basta’t ibigay lamang ni Alena ang kaniyang pagibig kay Hitano. Ito ang manipestasyon ng isang uri ng pagibig, ang kinikilalang unrequited love. Mapapansin rin natin na may mga uri ng pagibig na pilit lumago kahit sa panahon ng paghihirap. Habang malungkot si Alena sa mga salita ni Hitano ukol sa pagkawala ni Ybarro sa mga panahon ng pangangailangan ni Alena makikita natin na ito’y napapawalang bisa sa pagdating ni Ybarro. Dahil habang si Alena’y nagiisa at nagiisip tungkol sa mga posibleng dahilan kung wala si Ybarro. Kahit anong pagdududa nawawala ang mga lungkot sa pagdating ng minamahal. Sa kabanata 51 Patuloy pa rin ang pagsikap ni Hitano upang makuha lamang ang pagmamahal ni Alena. Sa katunayan ibig nitong ilagay sa panganib ang kaniyang reputasyon at buhay upang mapaibig lamang ito si Alena, sa pamaraan ng pagligtas ng kaniyang kapatid a si Amihan. Sa kabanata 55 mapapansin natin na ang pagmamahal ni Hitano kay Alena ay nakikita sa pagmamalaksakit ni Hitano kay Alena. Sa katunayan makikita natin na ang kaniyang pagibig ay hindi lamang nakabatay sa pagibig ni Alena kundi sa sariling lakas ng loob manatiling umibig kay Alena ang kasamaan ni Hitano ay naririyan pa rin ngunit makikita natin na ang kasamaang ito ay may limitasyon.

Ang isa namang epekto ng pagibig ay ang konsepto ng selos. Totoong minsan mas malalim ang pagunawa at pakikipagkapwa ng mga pagibig sa pamilya ngunit minsan mas malalim din ang pagkatako nitong mawala, at dahil mas malalimang pakikipagkapwa minsan ang pati pamilya ay nagiging kasangga. Sa kabanata 37, habang naglalaban sina Amihan napapansin ni Alena ang dagdag na pagbibigay ng atensyon ni Ybrahim kay Amihan na bawat pagkakataong napapangaib ito bigla siyang lalapit at tutulong. Kaya minsan natatapatan ang pa rin ang ugnayan ng mga magkapatid sa pagseselos ni Alena sa pagbabantay ni Ybarro kay Amihan.

Mas lalong napapalakas ang pagseselos sa pagtatanong ni Alena kung wala na nga ba talagang ibang babaeng minahal si Yabrahim sapagkat palagi nitong pinaapakita ang pagaalaga nito kay Amihan. Sa kabanata 39, ang paglabas ng selos ay mas lalong napalalim dahil sa magkaugnay na nakaraan ni Amihan at Alena. Sa katunayan makikita natin ang lungkot ni Alena nung inilantad ni Pirena ang kwento ni Ybrahim at ni Ybarro na isa lamang ang katauhan. Dito mas sumakit ang dibdib ni Alena. Makikita natin ang kaniyang pagmamahal ay umaasim. Ang reason ng magkapamilya ay unti-unting nawawala. Kaya kahit ito ang isa sa pinakamalakas na pakikipagkapwa minsan kapag mali ang kinalalagyan ay nawawalan ng kalayaan, pagiibigan at pakikipagpamilya

Ang pagkakaibigan

Sa kabanata 47 sa pagkawala ni Milagros nagaalala na sin a Banjo at Gigi. Hindi mapaliwanag sapagkat pati kina Anthony wala rin ito. Ngunit ang mismong hindi pagkahanap ni Mila/Lira ay naguudyok ng pagaalala ng kaniyang mga kaibigan. Sa kabanata ring ito napapakita ang pagkakaibigan ni Mira at Mila/Lira sapagkat makikita natin na ang buong Lireo ay nagkalaban-laban ngunit silang dalawa ay walang iniintinding bagay sa pagkakaibigan nila kundi ang isa’t isa. Kahit itakwil pa sila ng mundo mayroon pa rin silang lumalaganap na pagkakaibigan. Sa susunod na kabanata mapapansin natin ang pagkakaugnay nina Mila’t Mira at kung paano nila pinangangalagaan at pinagkakatiwalaan ang isa’t isa. Sapagkat nung tinanong ni Mila si Mira ukol sa pagpapanggap nito bilang anak ng reyna, at pinaliwanag ni Mira na kasalanan ni Pirena ang lahat pinaniwalaan kaagad ito ni Mila na walang tanong. Katunayan ibig pa ngang itago ni Mila si Mira sa kaniyang paparating na Ash’te Danaya upang hindi nito mapahamak. Si Mira naman ay ibig iligtas si Lira sa kaniyang ina na si Pirena sa kautusan ni Amihan. At sa pagtitiwala nila, makikita natin na gusto lamang ng isa’t isa ang kaligtasan ng bawat isa. Sa ganitong pagkakataon hindi kasing lakas ang pagbibigay sa sarili katulad ng pagibig ngunit nakikita natin na malakas ang ugnayan ng bawat isa sa mga magkaibigan.

Ang pakikipagkaisa

Alam natin na ang pakikipagkaisa ay mahirap makamit sa ating lapunan ngayon sa katunayan sa pagkahiwahiwalay ng ating mga pulo mas nahihirapan tayo magkaugnay bilang isang bansa. Ngunit naipapakita ng Encantadia na may potensyal tayo at kagustuhang mapalawak ang ating mga kaugnayan katulad ng pagpapalawak n gating pamilya. Sa kabanata 51 makikita natin na si Lira habang naglalakad sa Encantadia ay nahuli ng mga hathor. Sa ganitong kalagayan napasama siya sa ibang encantadong nahuli at nakilala niya ang batang si Camion. Mapapansin natin na kahit hindi sila ganoon ka magkakakilala binibigyan ni Mila si Camion ng lakas ng loob upang hindi maging ganoon kalungkot sa pagkawala ng kaniyang ina. Sa katunayan malalaman natin kahit may planong lumisan si Lira balak pa rin niyang isama ang maliit niyang kaibigan. Sa ganitong pagkakataon may maliliit na implikasyon ng kapwa na magkasama sila sa kaparehong paghihirap. Mas napapalalim pa ito sa pagiisp ng kapakanan ng karamihan sapakat sa harap ni Amihan sa kabanata 51, pinapatay isa-isa ang mga encantadong nahuli sa Lireo. At makikita natin na kahit nagdudusa na si Amihan sa sakit ng kalooban dahil sa pagparusa sa kaniyang mga tao, makikita natin hindi pa rin ito binibigay ang kahilingan ni Pirena na ibigay sa kaniya ang brilyante ng hangin. Sa ganitong pagkakataon makikita ang ang pagpahalaga ng kapakanan ng karamihan. Hirap na si Amihan ngunit alam niya na kapag binigay niya ang kaniyang hiyas, mas marami pang mapapahirapan.

Sa kabanta 52 ag pagkakaisa ay karaniawa’y hindi naiiwang magisa. Karaniwan ang mga taong kasama pagkaisa ay nagkakaroon ng pagsasama-sama upang mabuo at makumpleto ang pagkakaisa. Habang hinahanap at tinatawag ni Mila/Lira ang kaniyang ina nasismulan na siyang mapanisin ni Adama sapagkat siya lamang ang nagiisang bihag na nakatayo at hindi natatakot. Sa ganitong pagkakataon akikita natin na ilalabas na siya ni Adama upang mapatay sa harap ng reyna makikita natin ang pagtulong ni Camion kay Lira sa pagamin an magkapatid sila at parehas silang malungkot na nawala ang kanilang ina upang hindi malaman na si Lira ay tunay na anak ni Amihan. Sa ganitong pagkakataon nagkakaroon ng tunay nagpagkakaisa na siyang bumubuo ng pagkakaibigan. Ngunit hindi lamang si Camion ang tumulong sapagkat nung tinatanong na ang ibang encantado kung nakita nila kung sino ang ang encatadang tumulong sa kanilang lumisan walang umamin na siyang nagpapakita ng katapatan.

Kahit sa malayong lugar mapapansin natin na ang ibang mga lahi ay tinatangkilik ang konsepto ng pagkakaisa. Dahil ang mga mulawin ay tumulong pa rin sa mga siwata upang matugunan ang pangangailangan ng katarungan. Sa kabanata 57 makikita sa tunog lamang ng plawta ni danaya ay gumagalaw na ang mga mulawin upang mabigyan ng tulong ang mga diwata.

Naiiuugnay na values ng lipunan

Ang pangalawang bahagi ng aking pagbabanghay na siyang nauugnay sa konsepto ng associated social values ay pinapakita ang mga katangian ng kapwa sa iba’t ibang pamamamaraan. Ang mga katangiang ito ay ang karangalan, katotohanan pananampalataya at katapatan at lakas ng loob na siyang ibig panatilihin ang katarungan at kalayaan.

Karangalan

Mahalaga ang konsepto ng karangalan at dito sa pagibig o sa pamilya ipapakita ko ang mga pagkakataong mayroong pagppapahalaga sa karnagalan Sa kabanata 37, nung iniinsulto si Anthony dahil sa kaniyang pagmamahal kay Mila, mapapansin mo ang lakas ng loob niyang ipagtanggol si Mila sa mga taong mababa ang tingin dito. Kaya’t nilabanan niya ang mga lalakeng kaibigan ni Marge, kahit mukhang matatalo na siya ng mga ito upang mapanatili at protektahan ang karangalan ni Mila.

Sa kabanata 40, naglalabanan ang tatlong magkakakapatid si Alena na siyang galit kay Amihan sapagkat posibleng inagaw nito ang mahal niyang si Ybarro sa pagtago ni Amihan sa katotohanan na siya ang ama ng anak ni Amihan. Na sa katunayan hindi naman sinasadya ni Amihan sapagkat hindi lang nito alam sabihin kay Alena. Sa katunayan gustong sabihin ni Amihan ngunit hindi nga lamang magawan ng paraan. Sa katunayan kinakalaban ni Amihan ang kaniyang pagkagusto kay Ybarro at mahal na mahal niya si Alena para saktan at agawan nito ang kaniyang pagmamahal. Si Pirena na gustong agawin ang Lireo sapagkat gusto nitong makuha ang Lireo upang makakamit ang para sa kaniya ang siyang tunay na karangalan upang maging reyna. Kaya’t inaasar niya si Alena upang ipamukha ditto ang pagtataksil ni Amihan. Si Amihan naman na siyang gustong makamit ang kapayapaan upang tunay na maging tunay na reyna na siyang magpapakita ng kalakasan ng loob katulad ng kaniyang ama’t ina. Maliban pinaglalaban niya rin ang kaniyang anak na sa kaniyang kaalaman ay pinatay ni Pirena at ang kaniyang dangal sa pagkaloko kay Pirena. Sa makikita natin bawat kapatid ay pinapahalagahan at bawat katapid ay pinaglalaban ang karangalan ng bawat isa. Sa kaparehong kabanata makikita natin ang lakas ng loob rin ni Ybarro hamunin ang palagi niyang kinatatalunan na tao na si Asval. Sa makikita natin dito hinaharap niya ang kaniyang kahihiyan sa pagkatalo sapagkat gusto niyang malaman ang katotohanan ng kaniyang ama. Sa kabanata 42, mapapansin natin na si Amihan ay ayaw lisanin ang Lireo kahit unti-unti na silang natatalo. Dito gusto niyang ipakita ang lakas ng loob lumaban para sa kaniyang kaharian, sa kaniyang pamilya at sa kaniyang mga tauhan, upang mapanatili ang dangal nito bilang reyna. Pati ang mga maliliit na mga tauhan ni Amihan na si Banak at Nakba ay lumalaban upang makatulong ng kahit papaano sa kanilang mga reyna.

Ayaw pa rin ni Amihang magpatalo sa dami ng hathor na kinakalaban ayaw pa rin nitong madaig. Sa katunayan nung muntikan na siyang matalo ng mga hathor, may binigkas siyang Enchan at nailabas niya ang isang malakas na hangin na naging dahilan ng pagkatalo ng kaniyang mga hathor. Ngunit pagkatapos noon ay nawalan siya ng lakas at nawalan ng malay, sa ganitong pagtanaw makikita natin kung paano maliban sa pamilya ay pwedeng ibigay lahat para protektahan ang karangalan ng bayan. Dito may nakakapansin ang na may halaga ang pagkakaisa sa dangal at ng kahalagahan ng karamihan na nagiging karanagalan ng isa.

Sa kabanata 43 sa pagkatalo ni Amihan sa pagdating ng mga hathor, dinaanan ni Pirena si Amihan at sa pagalis ni Pirena sa kwarto ng kaniyang kapatid na si Amihan makikita natin nabinibigyan nito ng halaga ang karangalan, dahil nung tinawag siyang Pirena ni Agane, pinagsabihan niya ito na hindi na Pirena ang itawag sa kaniya kundi reyna.

Karaniwan nakikita natin ang konsepto ng dangal sa digmaan, upang mapanatli ang dangal ng kaharian at bayan. Ngunit ang karangalan ay hindi lamang natatagpuan sa palalaban sa digmaan nakikita rin ito sa mga pagdala ng tao sa kaniyang sairli kraniwan kahit hindi isang malaking paglalban nakikita pa rin ito. Katulad ng sa Kabanata 51, makikita natin na si Mira ay namamasukan bilang kapalit ni Mila sa bahay ni Anthony bilang isang katulong.

May mapapansin tayong tatlong pagkakataon na naiisahan ang karaniwang tao sa dangal na pinanghahawakan ni Mira sa kaniyang dangal sa pagharap sa Ina ni Anthony, na si Ma’am Carmen .

Ang unang halimbawa ay ang pagkikita ni Mira at ang ina ni Anthony. Tinanong muna si Mira kung sino siya sa isang mapgamaliit na paraan, binalikan naman ni Mira ang ina ni Anthony kung sino naman siya. Upang ipakita na hindi siya taong mas nakakababa nito kaht namamasukan siya bialang katulong. Masasabing isang uri ng angas ito ngunit mapapansin natin ang kaniyang lakas ng loob na hindi siya pwedeng tignan bilang mas mababang uri pa ng maskisino man.

Ang pangalawang pagkakataon makikita natin na habang pinapaalis si Mira ni Ma’am Carmen. Iniwanan niya ang lang sila, na kumbaga siya ang may kusang kagustuhang umalis at kasama ng pagalis niya ang pagdadahilan na si Anthony raw ay palaging malungkot at walang ibang alam gawin kundi yun lamang, kaya’t mainam na umalis siya. Lumisan siya na nakataas nuo kahit siya ang mas nagiging kawawa.

Ang pangatlo ay nang nakalis siya sa bahay ni Anthony naisipan niyang gusto niyang bumalik kaya’t nagteleport siya pabalik sa loob at pinagsabihan ang mayordoma na hindi siya aalis. Hindi siya nasindak at pinanatili niya ang kaniyang paninidigan kahit gaano man ito kababaw. Ito ang dangal na hindi naiiwan na siyang nakikita pa rin sa maskisinong Pilipino.

Katapangan

Hindi maiaalis ang pagpapahalaga ng katapangan sa ating lipunan, sa katunayan palagi itong nakikita sa kwento ng mga diwata. Sa kabanata 38, walang takot na hinarap ni Danaya ang pagsubok na labanan ang mga Ravena kahit marami ng babala si Dakila tungkol sa kakaibang lakas nito. Pwedeng sabihin na nagiging pabaya at tanga si Danaya ngunit hindi pa rin maitatanggi na sa ganitong sitwasyon lumalakas ang kaniyang loob kahit nung sinasakal na siya sa kabanata 39. Kung hindi siya naglalakas ng loob hanapin ang diwatang may gamot para kay Lira wala ring mangyayari. Kahit sa unang tingin ay katangahan, ang pagharap sa walang kasiguraduhan ang mas nakakapag patibay ng kaniyang karakter.

Sa kabanata 39 naman mas napapakita ang kahalagahan ng katapangan sa pagsabay ng paglaban ni Mira sa dragon at paglaban ni Danaya sa Ravena. Pinapakita nanaman nina Ybarro at Alena ang katapangan na walang iniisip na takot ng bawat isa, upang iligtas si Amihan mapapansin na kahit walang kawal na kasama at walang brilyante na dala sumugod pa rin ang dalawa sa kabanata 48 sa Lireo upang iligtas si Amihan ngunit wala itong silbe sapagkat may dalawang brilyante si Pirena ang tubig at apoy. Ang magawa lamang ng dalawa ay bumalik sa lugar ng mga mandirigma, gamit ang paglahong kapangyarihan ni Alena. Sa kabanataa 44 makikita ang lakas ng loob ni Amihan sa kaniyang pagpanatili na hindi siya ni kelan man ay yuyuko bilang mapahiwatig na si Pirena ay maging reyna. At kahit sa kabanata 45 na pinapatamaan si Amihan ng latigo ay wala pa rin siyang humpay na naglakas ng loob.

Siguro may iba’t ibang bahagi ng lakas ng loob. Sa katunayan makikita natin minsan sa lakas ng loob sa kwento ng Encantadia nagiging katawa-tawa na ang lakas ng loob. Sa kabanata 47 pagkatapos gumaling ni Acquil sa tulong ni Cassiopeia, Nagkita na kaagad sila ng kaniyang mga kawal sa pugad ng mga mandirigma. Pagkatapos nalaman na ang reyna ay nahuli at nakakulong ibig kaagad nitong ipaglaban ang reyna. Sa kabanata 57 makikita natin na ang katapangan ay nakikita rin sa pakikipaglaban upang mailigtas ang pamilya upang mapagsama muli ang mga nakahiwalay na kamag-anak. Sa paglusob nina Danaya at Ybarro kasama ang mga mulawin, upang makuha muli ang Lireo mapapansin na binibigay nila ang lahat upang makuha lamang si Mila.

Pwede rin mabigyan ng lakas ng loob ang isang tao, lalo’t na hiniharap nito ang paghihirap dahil sa isang mas malaking dahilan maliban sa kaniya sarili. Katulad noong kabanata 53, na naging dahilan ang pananaw sa kapayapaan at pagkaisa ng isang bayan. Sa pagharap ni Ybarro kay Cassiopeia makikita natin na sa una’y hindi pa siya nasisindak sa lakas ni Cassiopeia ngunit habang tumatagal ang laban nakikitang niyang mas malakas pa ito sa kaniya, ngunit kahit muntikan na siyang natatalo nito, makikita natin na hindi pa rin siya sumusuko sapagkat alam niya gingawa niya ito upang matulungan ang mga diwata at mailigtas ang Lireo.

Katapatan

Kaugnay sa nabanggit na na katangian ng katapangan ay katangian ng katapatan, ito’y karaniwan sa malakas na pagpapahalaga ng kapaw na kahtwala kang lakas luman ibig mo pa rin silang silbihan. Sa kabanata 42, ang katatapan ay labis na pinapahalagahan sapagkat makikita natin ang lungkot ni Alena sa posibilidad na hindi naging tapat si Ybarro sa kaniya. Sa katunayan hindi lamang masabi ni Ybarro na disisyon ni Bathala. Ngunit ang tako niya na hindi siya pinapahalagahan sa hindi nito pagiging tapat.

Ang patunay naman na hindi lamang ang mga mallakas ang may katangaian ng katapaan ay ang pagpapakita nitong katangian sa lakas ng loob ni Imaw. Kahit tinakot siya Pirena at inutusan na lumuhod sa harap niya bilang isang reyna, ay hindi pa rin siya nasindak dahil sa katapatan nito kay Amihan. Kahit sinipa na ito at naghirap hindi pa rin niya tinakwil si Amihan. Pati si Mira na hindi totoong anak ni Amihan ay nakikitang nagiging tapat sa kaniyang kinikilalang ina kahit nalaman niya na kay pirena na hindi siya totong anak ni Amihan, malakas pa rin ang kaniyang pagibig na pinapakita sa kaniyang kinikilalang anak

Sa huling bahagi ng kabanata 45 makikita natin ang katapatan ni Mira sa kaniyang kinikilalang ina, na si Amihan lalo’t na nung sinalo niya ito pagkatapos mahimatay sa pagod ng pagpapahirap na naransan. Mapapansin natin na kahit wala ng kapangyarihan ang reyna at napasailalim na ito sa lakas ng kalaban, wala pa ring humpay ang pagbibigay ng respeto si Mira sa kaniyang ina.

Katotohanan.

Sa kabanata 38 napapakita na mahalaga ang katotohanan sa mga Pilipino at sa mapapansin natin handa si Amihan ibigay lahat upang malaman ang katotohanan tungkol sa kaniyang anak. Sa katunayan hinanap pa niya ang punyal ng sandugo upang malaman kung anak niya ba talaga si Mira. At sa katunayan, sa kabanata 39, handa siyang sugatan ang kaniyang sarili upang makita kung anak niya nga ba si Mira. Handa siyang isakripisiyo ang kinalalagyang sitwasyon na mapayapa upang malaman ang totoo.

Ngunit ang magandang katotohanan at ang kahalagahan nito ay nadudungisan ng intensyong makasarili at intensyong masama sapagkat makikita natin sa kabanata 54, ang pagdala ng impormasyon ng isang diwata kay Pirena ukol sa kung paano sila nakatakas sa tulong ng anak ng reyna na si Lira ay isang uri na pagtataksil kahit ito ay katotohanan. Sa ganitong pagpalagay may pragmatismong pagtanaw sa katotohanan sapagkat ang pagkwekwento nito ay hindi nakakabuti sa pagkakaisa ng mga diwata. Sa ganitong pagpalagay ang katotohanan ay hindi sangayon sa katwiran ng grupo.

Pagpapahalaga sa pananampalataya

Sa dami pa naman ng simbahan natin sa pilipinas hindi pa ba natin maiisip na isa ito sa mga pinapahalagahang katangian. Sa Encantadia hindi nawawala ang konsepto ng pagpapasa diyos ng mga bagay-bagay at ang pagdasal sa Diyos sa mga pagkakataong naghihirap maipapakita natin na sa iba’t ibang kabanata.

Sa kabanata 39, nakikita ang pagdadasal ni Dakila kay Bathala upang maging matagumpay ang lakad nina Danaya’t Bagwis. Sa kabanata, 40 mapapansin natin ang pagpapasalamat ni Danaya kay Bathala, dahil narinig nito ang mga hiling ni Danayang buhayin si Mila. Sa kabanata ring ito naipapakita ang malakas na pagbago ni Bathala sa mga buhay ng mga diwata.

Habang nasa kulungan si Amihan, sa ika 47 na kabanata, at nakakdena ito gamit ang mahika ni Pirena. Biglang sumalakay si Danaya at pinatay ang mga bantay na hathor, nakita ni Danaya ang nakakalungkot na mukha at kalagayan ng kaniyang kapatid, at inilabas ang kaniyang galit kay Bathala kung bakit ito nangyari sa kanilang reyna.

Habang sa kabanata 48, ang pagpapapsalamat ni Danaya kay Bathala ang tungkol sa pagkaligtas ng pamangkin nito sa posibleng kapahamakan na manggagaling kay Mira. Sa kabanata 55 mapapansin rin natin na ang pagbibigay ng importansiya ng mga taga encantadia sa kagustuhan at kapangyarihan ni Bathala, sa katunayan may katumbas sila ng simbahan na sa paglaho at paglitaw ni Mila ay kaniyang nadaanan. Dito niya nakita si Imaw natinatanong siya ukol sa pakay niya sa templo ni Bathala.

Konsepto ng kasamaan

Ang kasamaan ay ang paggamit ng mga pinapaphalagang katangian upang mapalaganap ang pansariling ambisyon. Ito’y pagpalit ng konsepto ng kapwa sa konsepto ng sarili kapakanan.

Sa kabanata 39, Ang pagpapalawak ng mga kwentong hindi totoo upang makamit ang tunay na kapangyarihan. Katulad ng paglason sa isipan ni Alena tungkol sa pagsasama ni Amihan at Ybarro sa likuran ni Alena. May kaugnayan rin ata ang apoy sa kasamaan. Katulad ng hudyat ni Pirena sa mga kawal na taksil kay Amihan. Sa kabanata 39, makikita natin na ang pagpatay ay isang uri ng kasamaan at ang pinakamalubhang uri ng pagpatay ay ang pagpatay ng pamilya ng iba. Dito pinapakita ni Hagorn ang pagkamatay ni Mila kay Amihan gamit ang tungkod ni Imaw. Mas lalo itong pinapalala ni Hagorn sa pangasar nito kay Amihan na magiging katulad lamang ito sa kaniyang amang si Raquim na pinatay rin ni Hagorn.

Kabanata 40 ang pagtataksil ni Adama isang pinuno ng mga kawal ni Amihan ay nagpakita na rin. Dito hindi lamang ang pagpatay ng pampisikal na anyo kundi ang pagpatay ng dating mga kaugnayan na dapat ay pinapahalagahan. Kaya ang pagtataksil ay isang uri ng kasamaan kahit anong dahilan.

Sa kabanata 41, makikita natin ang pagbabago ng kasamaan sa isang tao lalo na’t kung ang katotohanan ay hindi buong nalalantad at naiintindihan. Dahil sa pagkwento ni Pirena kay Alena ng pagtago ni Ybarro sa kaniyang kaugnayan kay Amihan mapapansin natin na ang galit ni Alena ay nakakatulong sa kasamaan. Sa katunayan sa paglusob ng mga Hathor makikita natin si Alenang tumutulong sa mga kaaway. Ang nakakalungkot ay pinaglalaban nito ang mga kaibigan magkapatid. Hindi ba dapat kahit ganoon ang nangyari, sasabayan pa rin ng mga magkapatid ang kanilang kapatid.

Sa kabanata 44 mapapansin natin na ang kasamaan kahit nananaig ay mayroon pa ring mga masamang naidudulot sa mga tao. Sapagkat sa kabanta 44 makikita natin na tinatakwil ni Mira si Pirena bilang kaniyang ina. Sapagkat nung natalo ang mga diwata ng Lireo ng mga hathor, at inilantad ni Pirena ang kaniyang totoong relasyon kay Mira bilang kaniyang ina makikita na ayaw ni Mirang tanggapin na ina nito si Pirena. Kahit pinaliwanag ni Pirena ang kaniyang sarili na nagmamahal sa kaniyang anak at ibibigay ang lahat dito, inilabas ni Mira ang kaniyang galit sapagkat hindi raw ang kapakanan ni Mira ang iniisip ni Pirena at ang kagustuhang makuha ang trono bilang reyna ng Lireo. Mas lalong naging masakit para kay Pirena sa kabanata 45 na ang kaniyang anak na pinipilit niyang paakuhin na ina siya nito, sa pamaraan ng pagpahirap kay Amihan, ay mas lalong walang kinikilalang ina at reyna maliban kay Amihan.

Mahirap linangin ang konsepto ng kasamaan ngunit sa kabanata 56 makikita natin na si Pirena pa rin ang pinakasimbolo ng kataksilan at kasamaan. Sa ganitong pagkakataon mapapansin natin ang buong panloloko kay Lira ni Pirena sa pagbabalatkayo niya bilang Amihan. Ang panlolokong ito ay upang maisahan si Amihan at mapanatili ang lamang nito sa ina ni Lira. Ang kasamaan ay nakatago sa kahit anong anyo maski mga taong pinagkakatiwalaan at nakasama mo na sa digmaan ay posibleng nagtatago ang kataksilan. Sa kabanata 58 makikita natin ang paglantad ni Asval na kasama siya ni Hagorn, at ginamit lang nila si Ybarro upang makuha ang kabilan. Sa ganitong sitwasyon, makikita natin na ang pagtataksil ay tunay ngang pangkaraniwang katangian ng kasamaan

Mga instrumentong karaniwang ginagamit at pinapahalagahan na katangi-tangi sa ating lipunan.

May mga bagay na kinasanayang mga katangian na hindi natin naiaalis sa ating lipunan ito’y posibleng mabuti pero pwede rin namang nakakasama. Ito’y ang pagkanta, pagbibiro at pagsumpa. Napansin ko ang mga ito sapagkat palagi siyang nauulit na tema sa Encantadia.

Ang kahalagahan ng pagawit sa buhay ng encantada

Sa kabanata 37, ang hindi pagkanta ng maayos kay Mira. Ang hindi nito masundan, karaniwang nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga tao sa pagkanta bilang isang dahilan o basihan ng katotohanan. Sa kabanata 39, Ang pagawit naman ay nagiging basehan ng lakas sa pagtalo ni Lira, sa isang malaking dragon na dapat ay magdadala sa kaniya sa devas. Sinubukan niya gamitin ang kaniyang kapangyarihang hangin ngunit sa makikita sa kabanatang ito mas natalo niya ang dragon sa kaniyang magandang boses at napatulog ito kung kaya’t nakaligtas siya upang makawala at makalisan sa daan papunta sa lugar ng kamatayan. Nauuulit pa ang lakas ng kapangyarihan ni Mila/Lira sa kaniyang pagkanta ay napatulog niya ang kaniyang tagabantay na si Bagwis sa ika 46 na kabanata.

Sa kabanata 54, Ang awit nanaman ay nagiging isang malaking bahagi ng buhay ng mga encantada. Nagiging magandang paraan ito upang mailabas ang kalungkutan ni Alena habang siya ay nakakulong at nagiisa. Ito rin ay isang uri ng pakikipagugnay sa ibang tao sa pagpakita ng kalungkutan ni Alena dahil naririnig nito ng kaniyang mga kasama at nakikisalamuha sila at nakikiramay sa lungkot niya.

Biro bilang isang uri ng pakikipagugnay sa ibang tao

Ang biro ay nagiging paraan upang miapakita ang kamalian ng isang tao ngunit ito rin ay nagiging paraan upang mapagaan ang isang sitwasyon. Sa kabanata 43, inuutusan ni Bagwis si Danayang hukayin ang libingan ni Avilan, dahil siya ang napiling kumuha nito kaya raw hindi tutulong si Mila/Lira at bagwis. Nakakapangasar lalo dahil wala siyang brilyante ng Lupa kundi madali lamang itong mahukay. Dito binalikan si Bagwis ni Danaya sa paraang pagtapon ng mga maliliit na bato. Kahit hirap at malayo sila sa kanilang mga minamahal at pamilya nanapagaan ang sitwasyon sa pamamaraan ng biro. Si Bagwis at Danaya, sa ika 47 na kabanata, ay nagaasaran sa pagkawala ni Mila. Si Danaya na siyang nawala ay naglit kay Bagwis ng pabiro sapagkat nakatulog ito habang nakikinig sa boses ni Mira ngunit makikita natin na kahit ang dalawa ay magkagalit sila pa rin ay bati. Pinakita ng sulat na pinanggalingan ng datos ang dayalogo ng dalawa.

Danaya: ibong tutulog-tulog (habang naglalakad palayo)

Bagwis sa narinig ang pangungupal ay sumagot.

Bagwis: Diwatang tataray taray.

Dito ang pagbibiro ay upang mapakita ang katangiang hindi masama ngunit hindi ganoon ka ganda katulad ng kabanata 48 na pinapagalitan ni Danaya si Mila/Lira dahil sa katigasan ng ulo nito. Habang si Bagwis naman ay nangaasar kay Danaya sapagkat alam raw nito kung saan nakukuha ni Lira ang ganoong katangian.

Habang hinahanap ni Danaya si Mila/ Lira sapagkat tumakas ito upang hanapin ang kaniyang ina sa Lireo. Napuna niya ang mga kawal ng Lireong naglalaban. At pagkatapos ng laban napansin ni Danaya si Aquil at sa sobrang tuwa niyakap niya ito, si Aquil naman na siya ring tuwang-tuwa sa nahanap na sang’gre ay niyakap rin si Danaya. Nang malaman ni Danaya ang tungkol sa kasunduan nina Hitano at Alena bigla itong umalis. Si Apek naman at Wantuk ay inaasar naman si Aquil sa paggaya ng yakapan nito ni Danaya. Kakagaling lamang nila sa digamaan at kahit pagod sila napapasaya nila ang kanilang mga sarili.

Ngunit ito ay sa mga tinuturing mo bilang kapwa sapagkat sa kabanata 55 nung nagkita sina Mila at Pirena nangasar pa si Mila sa kaniyang ash’te sa paggamit nito ng kapangyarihang paglaho upang hindi ito mahuli at mapatay. At sa pagkawala niya mas lalong umiinit ang ulo ni Pirena, sa ganitong konteksto lumalabas ang konsepto ng asar talo, lalo na sa mga hindi mo tinuturing malapit sa iyo.

Sumpa bilang isang uri ng paghiganti

Ito ang pinaka deretsahang uri ng instrumento na paglaban sa sitwasyon ng paghihirap. Pwede kang kumunta pwede ka ring magbiro ngunit karaniwan sa encantadia ang instrumentong pagsumpa. Katulad ng sumpa ni Amihan kay Pirena habang naglalaban sila na hindi siya magkakaroon ng kapayapaan at hindi siya magkakaroon ng katahimikan. Ang sumpa rin ni Alena na nagkakatotoo, na papatayin ng kaniyang anak si Hitano bilang paghihiganti. Ngunit kahit masama ang inuugnay na katangian sa panunumpa pwede ito maging isang magandang katangian kung ito’y inuugay sa pagkabuhay at katuwaan. Katulad ng panunumpa ni Amihan na makaalis siya sa devas, dito nabuhay siya gamit ang isang instrumentong karaniwa’y tinatanaw na masama.

Pagtanaw sa kamatayan

Katulad ng maraming Pilipino tinitignan ng mga encantado ang kamatayan ng takot. Ngunit sa mitong ito makikita natin na may paraang matatakasan ang kamatayan. Ang una ay ang paglabas ng konsepto ng devas. Ang pangalawa, ang paggamit ng mahika upang malisan ang lugar na ito.

Sa kabanata 37, nakikita natin na umiiyak ang ash’te ni Mila dahil sa pagkamatay nito mapapansin na sa ganitong pagiyak hindi maiwasan ang kalungkutan ng kaniyang ash’te at hindi maiwasan ang kaniyang pagluhod sa lungkot. Dito nakikita ang takot na karaniwan nating nararanasan. Ngunit pwede rin ito gamitin upang pampalakas ng loob katulad ng nangyari kay Ybarro nung namatay ang kaniyang amang si Apitong, naikinagalit niya at ginamit niya bilang paraan ng pampalakas at paglaban kay Asval. Kaya naman gustong kontrolin ng mga namamatayan ang paglisan ng mga minamahal. Halimabawa ng dalawang uri ng pag-kontrol ay ang mahikang ginagamit ng mga encantada mapapansin natin sa pagising ni Mila/Lira sa kaniyang pagtulog/pagkamatay, pagkatapos basbasan ni Danaya ng kaniyang mahiwagang gamot galing sa diwatang si Mercurio, ang-pagasang makontrol ang kamatayan. Ang pangalawa ang pagpunta ng mga encantada sa Devas na nagpapakita ng ibang mundo lamang ito at ang kamatayan hindi dapat kinakatakutan sapagkat pwede pa itong mabawi.

KONGKLUSYON

Sa pagpuna ko sa mga temang napapaloob sa kwento ng Encatadia makikita na ang mga pinapaphalagahang paniniwala ay kaugnay sa konsepto ni Virgilo Enriquez ng kapwa. Pinalawak ko lamang ang konseptong ito at pinakita kung paano siya nailalagay sa iba’t ibang konteksto ng pagkakaroon ng ugnayan sa ibang tao. Una ay ang pamilya, na siyang nagiging basehan ng ating mga paggalaw sa mundong ito. Sila ang tunay na nagbibigay ng lakas at nagbibigay ng dahilan mabuhay tayo, sa katunayan nga napapalawak ang ideyang ito sa sinulat ni Menez na:

Despite major social upheavals, these core calues, especially those associated with the family constitute the cultural foundation of contemporary Filipino and Filipino American societies.

Dagdag pa niya…

The Filipino family which ncludes both paternal and maternal kin, function mutually supportive, interdependent… it acts in concern during crises as well as celebrations…

Thus the emphasis on interdependence which underlies the filipino family structure, becomes adaptve strategy fo aconomic and cultural survival.

The role of the family in the economic and cultural survival of the ethnic groups is illustrated in epics, where family solidarity triumphs ovar the threat of outside force.

At sa ganitong pagkakataon nakikita natin na ang mga pinapahalagahang katangian ng ating lipunang Pilipino ay napapalaganap pa rin sa isang kontemporaryong mito katulad ng Encantadia. At ang mga napansing katangiang ito ay ukol sa kapwa na nakikita sa pamilya, pagibig, pakikipagkaibigan at pakikipagkaisa. Nakikita rin natin ang mga pinapahalagahang katangian sa mga kontekstong ito na kaugnay sa tinatawag na core values. At ang mga katangiang ito ay ukol sa karangalan, katapatan, katotohanan, pananampalataya at katapangan. Sa ganitong pagkakataon nabibigyan ang manonood ng iba’t ibang mga konspeto ng pagpapahalaga sa iba’t ibang konteksto katulad ng isang mito, mito sa isang kontemporaryong lipunan.

BIBLIOGRAPIYA:

Cuff, E.C. & Sharrock W.W. (1998). Perspectives in Sociology. Routledge

Dundes, Alan(1965). The Study of Folklore. Prentice Hall

Menez, Herminia (1996). Explorations in Philippine Folklore. Ateneo de Manila Press.

Enriquez, V.G. Kapwa and the Sruggle for Justice, Freedom and Dignity. From Colonial to Liberation Psychology: The Philippine Experience. 39-55

Salazar, Zeus(2000). Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan. Palimbagan ng Lahi

Segal, Robert (1996).Anthropology, Folklore & Myth. Garland Publishing

Episodes Encantadia of Encantadiks Central and Nythunter of PEx http://www.igma.tv/article.php?articleid=1126

Encantadia

http://www.gmapinoytv.com/article.php?articleid=252

Encantadia

http://www.answers.com/topic/encantadia

Eto pa: http://www.gmapinoytv.com/showcast.php?showid=110

3 Comments:

  • Hi, I am a non-Filipino who had an encounter with a female engkanta during a trip to Antique, Philippines. Do these and other supernatural beings of Philippine folklore survive in the oral traditions of Filipino-Americans?

    By Blogger Charles, at 9:24 AM  

  • hi, im avid fan of encantadia before!i reall enjoyed watching that fantaserye on GMA!i suggest that hopelly within this year you creat a fantaserye like enchantadia because its so interesting series that i watch ever.so please do it for your fans!thanks you and more power.

    By Anonymous Anonymous, at 10:28 AM  

  • Yeah!!! as years pass by, we can observe the noticeably changing trend in the filipino entertainment industry...After Koreanovelas, fantaseryes and all those stuffs, what's next? can't wait to find out :)

    By Blogger jullian the illuminatus, at 10:39 PM  

Post a Comment

<< Home