Ganito Kami Ngayon, Paano Kayo Bukas?

Tuesday, October 25, 2005

Manong, Can I Make Tusok-Tusok the Fishball?

Sa panahon ngayon, lahat na lang ng bagay ay instant. Kaya siguro hindi nawawala sa uso ang pagkain ng mga pagkaing pangkalsada o streetfood. Kamustahin natin ang pagsuri ni Lei Mangubat sa Kubori Kikiam, isang komiks na nagawa alang-alang sa mga paborito nating pagkaing pangkalsada.

“Manong, can I make tusok-tusok the fishballs”

Isang Pagusuri ng Pagkaing Kalye at ang epekto nito sa literatura ng Pilipinas

Ni Anamaria Laudet Mangubat

INTRODUKSYON

Ang Kultura ng Pagkaing Kalye

“O, mani, mani! Mani dyan!!” Eto ang naririnig ng mga taong sumasakay ng bus araw-araw. Habang nakatigil ng b

us o naghihintay ng pasahero, may papasok na mama na bitbit na isang balding puro mani. Mainit pa ito at pwedeng bilhin sa halagang sampung piso. Pag ang taong yun ay bumaba sa may UP, magugulat siya sa pagkain na makikita niya. Ang kultura ng pagkaing kalye ay naging bahagi ng mga buhay ng lahat ng taga-UP. Ito ay nakikita sa bawat sulok ng unibersidad. Sa Acad Oval pa lang mismo, may mga ilan na nakatayo na kiosk o tindahan na nagbebenta ng fishball, squidballs, kikiam at iba pa. At hindi lang hanggang sa mga tindahan ang pagkaing kalye. May mga manong at manang nagbebenta na ng pagkaing kalye na luto na at binitbit ito sa iba-t ibang lugar sa UP. Ang ilan lang sa mga ito ay mga matatamis tulad ng banana-cue, kamote-cue at carioca. Ang mga pagkaing ito ay binibit ng mga manang sa ulo nila at binebenta sa kanino man. Kung pagod naman sila sa paglalakad, uupo sila malapit sa pasukan ng mga gusali para madali silang makita ng mga tao. Isang halimbawa nito ay ang mga nagbebenta sa harap ng Shopping Center o SC. Dito nakikita ang mga iba’t ibang klaseng pagkaing kalye. Bukod sa banana-cue at iba pang matatamis na bagay, may mga pang-almusal o pantanghalian.

May

mga pagkaing kalye na lumalabas sa sarili nilang oras. Isa sa mga pinakapopryular na halimbawa ay ang isaw. Ito ay lumalabas pagka-alas tres lang ng hapon hanggang sa gabi. Kasama dito ang monay na nilalabas lang pag bagong luto para mainit pa.

Pamilyar ba ang eksenang ito?

Ito ay isang eksena na pamilyar para sa mga taga-UP. Pero hindi lang ito limitado para sa mga taga-UP. Lahat ng mga Pilipino ay nakaranas na ng ganito: ang kultura ng pagkaing kalye. Ang Pilipinas ay punung-puno ng mga ito. Sila yung mga manong at manang, ate at kuya na pumapasok sa bus at nagbebenta sa mga pashero, habang naghihintay o nag-aabang ng dyip, sa harap o tabi ng mga malalaking mall, katabi ng mga skyscrapers ng Makati, pati sa mga subdibisyon.

Ang pagkaing kalye ay isang normal na bagay sa buhay ng mga Pilipino. Sanay na ang mga Pilipinong magyaya kumain lang sa fishballan upang makipagkwentuhan o makipagchikahan. Lalayo pa ang mga tao sa kanilang pinanggalingan upang makatikim o makakain ng mga paborito nilang pagkaing kalye. Ang mga halimbawa nito ay ang siomai sa ma FA, footlong sa may FC, isaw sa may Ilang at murang pagkain sa Bermont’s sa may Ilang.

Ito ay hinahanap ng mga Pilipino bago mag-hapunan o bago umuwi. Bago sila sumakay sa mga dyip o bus, bibili muna sila ng pagkaing kalye para sa byahe pauwi.

Eto ay ang kultura ng pagkaing kalye. Sa papel na ito, ipapakita ang epekto at gaano kalawak ang impluwensiya na inaabot ng pagkaing kalye. Hindi lang hanggang sa kalye o sa tabi ng mga paaralan ang ipluwensiya nito. Pero pokus ng papel na ito ay hindi sa lahat ng bagay na inaabot ng pagkaing kalye, ngunit sa isang aspekto lamang. Ito ay sa aspektong literatura. Sa mga Pilipinong librong panluto, nakikita ang impluwensiya ng pagkaing kalye, lalo na sa mga gawa ni Doreen G. Fernandez. Madalas sa mga libro niya, may isang kabanata para lamang sa pgakaing kalye. Ang impluwensiya ng pagkaing kalye sa literaturang Pilipino ay umaabot din sa mga komiks. Lumalabas siya sa magasin na Culture Crash bawat dalawang buwan. Ang Culture Crash ay isang magasin na naglalabas ng mga anime na iginuhit ng mga Pilipino. Isa sa mga anime na nandito ay ang Kubori Kikiam, isang kwento tungkol sa bidang kikiam at mga kalaban nilang skwidbol at pishbol.

Ang pagkaing kalye ay naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino, hindi lang siya tinitignan bilang panlipas-gutom o pantipid ng pera pag gutom. Sa papel na ito, ipapakita natin kung paano siya nagsimula, kung paano siya sumikat at paano na siya ngayon.

Paano siya nagsimula sa Pilipinas?

Mahirap sabihin kung kailan talaga nagsimula ang pagkaing kalye sa Pilipinas. Sa panahon pa lang ng mga Kastila, may mga kwentong lumalabas tungkol sa mga nagtitinda ng pansit, pan de sal, at iba pa.

Itinuloy ito noong panahon ng mga Amerikano. Ang pang-almusal at pang-hapunan ay mahahanap sa tabi-tabi lang ng mga kalye. Ang mga binebenta ay puto at bibingka, bitso-bitso, buchi, halo-halo, at monggo con yelo. Pagdating ng mga Hapones, hindi huminto ang paggagawa ng pagkaing kalye. Lalong lumakas dahil kulang ang pagkain. Nag-imbento ang mga tindero ng mga bagong tinda gamit kung anong meron sa kanila.

Dahil sa pagdating ng mga dayuhan sa Pilipinas, mayroon na silang ipinamana sa atin sa pamamagitan ng pagkain nila. Dala ng mga Intsik ang kanilang taho, siomai, siopao, bihon at iba pa. Halo-halo naman ay naggagling sa mga Hapones. Sa ngayon, isang malaking bahagi siya ng kultura natin na inaakala’y totoong Pilipinong pagkain. Ngayon, iba-iba na ang mga itsure ang mga pagkain na pinakilala sa atin noong dating panahon. Sa tabi lang ng daan, nakikita natin iba’t-ibang laman ng siopao. May siomai na pwede mong kunin sa P2 o P2.50 na may kasamang maanghang o matamis na sawsawan. Ang dating pishbols ay may chicken balls at squid balls na ngayon.

Ang pagkaing kalye ay naging isang uri ng hanapbuhay para sa mga tao. Hindi lang para sa mga nagbebenta sa kalye pero pati ang mga nagbebenta sa loob ng mga mol. Nakikita natin na may nagtayo na ng mga “franchises” na nagbebenta ng pagkaing kalye tuklad ng KISS—King of Balls, Odd Balls, at iba pa. May mga restawran sa Manila na nagbebenta na rin ng isaw.

Malayo ang narating ng pagkaing kalye sa Pilipinas. Kung saan nagsimula siya dahil dala siya ng mga dayuhan ay ngayon naging isang bahagi ng ating araw-araw buhay.

Iba’t ibang Uri ng Pagkaing Kalye

1. Mga nagbebenta na naglalakad

- Ito ay nilalamang nga mga nagbebenta ng prutas sa daan. Kasama din dito ang mga nagbebenta ng taho sa loob ng mga subdibisyon. Kasama din dito ang mga nagtitinda na naka bisikleta.

2. Mga nagbebenta na naka-upo

- Ito ay nilalamang ng mga nagbebenta ng banana-cue, kamote-cue at puto. May sarili silang pwesto kung saan sila nagtitinda. Kasama din dito ang mga nagbebenta sa karinderya.

3. Mga nagbebenta sa palengke at sa simbahan

- Ito’y nilalamang nga mga tao nagbebenta sa palengke at sa simbahan. Madalas makikita sa gilid ng palengke o parokya at hindi sa loob mismo. Isang halimbawa ng binebenta sa simbahan, lalo na pag Simbang Gabi: puto bumbong at bibingka. Sa palengke naman, ang binebenta nila ay tsitsirya.

4. Mga nagbebenta sa paaralan

- Nagbebenta ng pagkain sa gilid ng mga paaralan at naghihintay ng mga estudyanteng kumain doon pagkatapos ng pasok. Mga halimbawa ng pagkaing binebenta sa paaralan: ice cream, pishbol

5. Mga nagbebenta sa opisina at sa pagawaan

- Ito ay nilalaman ng mga pagkain na binebenta malapit sa mga opisina o sa pagawaan. Madalas ito ay pagkain na pwedeng ipasok sa loob ng opisina, parang panghapunan. Kasama din dito ang mga naka-cart na nakapwesto roon buong araw habang binebenta nila ang kanilang pakain.

6. Mga nagbebenta sa estasyon ng mga bus at mga tren

- Ito ay pagkaing binebenta sa estasyon ng mga bus at tren. Ang mga binebenta dito ay pagkain na tinatawagan specialty ng lugar na iyo. Halimbawa, kung galling kang Bikol, ang ibebenta sa yo ay Pili. Kung galling ka naming Biñan, ang ibebenta sa iyo ay putong Biñan.

7. Mga nagbebenta ng inihaw

- Isa ito sa mga pinakasikat na pagkaing kalye lalong lalo na sa UP. Ginagamit ang iba’t ibang bahagi ng manok o baboy at iniihaw ito. Ang mga halimbawa nito ay isaw, balunan, betamax, walkman, PAL, atbp.

8. Mga nagbebenta ng balut

- Ito ay siguro ang pinakasikat na pagkaing kalye ng Pilipinas. Ang balut ay nilagang itlog ng pato. Kinakain ito kasama ng asin o suka. Dati, inakalang isang aphrodisiac ang balut. Dahil napakapopyular ang balut, ito ay itinuring “national street food of the Philippines.” (Tom Agulto—isang manunulat)

Bakit may pagkaing kalye?

May iba’t ibang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkaing kalye sa Pilipinas. Ang mga ito ay: dahil sa ekonomiya, isa itong pantawid gutom, dahil mahilig kumain ang mga Pilipino, dahil sa komyunidad, at dahil simple siya.

Mahirap mamuhay. Mas mahirap maghanap ng hanapbuhay. Ang mga Pilipino ay parating naghahanap ng paraan upang masuporta ang kanilang sarili o kanilang mga anak. Isang paraan kung paano sila mamuhay ay ang pagbebenta ng pagkaing kalye. Madali lang siya ihanda at lutuin. Para ihanda ito, hindi kailangan ng mamahaling gamit. Kahit mag-isa lang maghanda ng pagkaing kalye ay sapat na. Ito ay isang hanapbuhay na nakakatulong sa buhay ng marami. At hindi lang siya nakakatulong sa paghanda nito. Nakakatulong din ito dahil hindi sinasayang ang mga sahog. Katulad ng manok. Pag iniihaw siya, ginagamit lahat ng bahagi nito. Walang natitira.

Ang pagkaing kalye ay isang pantawid gutom. Kumakain ang mga Pilipino ng 3 beses sa isang araw. Minsan hindi ito sapat. Para mapuno ang mga tiyan ng mga Pilipino habang hindi pa hapunan, kumakain sila ng pagkaing kalye. Ito ay tinatawagang pantawid gutom—tawiran ng mga Pilipino bago kumain uli. Hindi ito pampabusog o ginagawa nga tanghalian o hapunan. Hindi ito kinakain pag wala pang laman ang tiyan. Narito ang pagkaing kalye para mawala nang sandali ang gutom habang hinhintay ang tanghalian o hapunan.

Mahilig kumain ang mga Pilipino. Kahit hindi pa hapunan o tanghalian, kumakain pa rin. Pagkatapos ng almusal, may merienda bago mag-tanghalian. Pagkatapos ng tanghalian, magmemerienda uli. Pagkatapos naman ng hapunan, magmemerienda uli. Ang pagkaing kalye ay pangmerienda. Dahil sa sobrang hilig natin kumain, nakahanap tayo ng paraan upang mabusog tayo bago maghapunan, sa pamamagitan ng pagkaing kalye.

Ang pagkaing kalye ay nagtulong din gumawa ng isang komyunidad. Pag may isang selebrasyon o okasyon o pista, naghahanda ng pagkain ang mga Pilipino. Naglalabas sila ng pagkain at ibinibigay ito sa mga kapitbahay nila. Dahil doon, nagkakaroon ng interaksyon o komunikasyon mula sa isang tao hanggang sa susunod. Itong simpleng pagbati o pag-alay ng pagkain ay pwede maging panimula ng kwento. Sa pagsisimula ng kwento ng 2 tao, nakikisali ang mga iba at ito ay nakakatayo ng isang komyunidad.

Simple lamang ang pagkaing kalye. Madali siyang ihanda at lutuin. Mula sa kanyang sagop, hanggang sa pagluto at hanggang sa pagbebenta, nakikita natin kung gaano siya kasimple. Walang kinailangan na mamahaling bagay upang makapagsimula ka ng sariling negosyo sa pagkaing kalye. Dahil sa pagkasimple niya, ito ang hinahanap ng mga tao—mura, masarap at nakakabusog.

Paano nagsimula ang kikiam sa Pilipinas?

Ang kikiam ay isang uri ng pagkaing kalye sa Pilipinas. Ito ay piniritong karne na kasing haba ng daliri at sinasawsaw. Ang kikiam din ay naging inspirasyon ng mga taga-simula ng Kubori Kikiam, isang popyular na komiks na lumalabas sa magasin Culture Crash.

Ang que-kiam ay ang tunay na pangalan ng kikiam. Dala siya ng mga Intsik sa Pilipinas noong nangalakal ang mga Instik sa Pilipinas. Ito ang isa sa mga pagkain na dala ng mga Intaik sa panahong iyon. Kasama din doon ang mga pagkaing siomai, siopao, pansit atbp. Ang orihinal na gawa ng que-kiam ay baboy na may gulay na nakabalot sa pambalot na gawa sa tokwa.

Inangkin ng mga Pilipino ang dala ng mga Intsik at iniba nila para matanggap ito ng mga Pilipino. Hindi lang que-kiam ang inba, pati na rin ang mga ibang pagkain na dala ng mga Intsik, tulad ng pansit. Ang pansit ngayo’y napakasikat at pati mga iba’t ibang probinsiya n Pilipinas ay may sariling bersyon ng pansit.

Iniba ng mga Pilpino ang pagluto nito at ang kanyang pangalan para maging mas pang-masa siya. Imbis na magdagdag ng gulay o ibalot sa tokwa, naging karne na lang siya na kasinlaki ng daliri. At hindi na que-kiam ang tawag sa kanya ngunit kikiam na.

Ang kikiam ay maaaring mahanap kasama ng mga fishball at squidball. Piniprito ito at sinasawsaw para maging mas masarap.

TESIS NA PANGUNGUSAP

Ang pagkaing kalye ay hindi lang panlipas gutom o pantipid ng pera, ngunit ito ay isang kultura. At ipinapikita ang abot nito sa ating literatura lalo na sa Kubori Kikiam, isang popyular na komiks na ginagamit ang pagkaing kalye bilang isang inspirasyon ng mga taga-gawa.

SULIRANIN

Paano natin nakikita ang pagkalahat-lahat ng pagkaing kalye?

Ang pagkaing kalye ay hindi lang limitado sa pagbebenta sa kalye, sa tabi ng daan o pati sa loob ng mall. Ito ay naging isang bahagi ng buhay ng Pilipino na nakikita natin ito sa mga ibang gawain natin.

Ito ay naging ugat sa buhay natin. Kung saan ka man tumingin sa Pilipinas, makikita ang pagkaing kalye. Mula sa paaralan tulad ng UP hanggang sa matataas na gusali sa Makati, andyan siya. At hindi lang para sa isang grupo ng tao ang pakaing kalye. Ito ay para sa lahat. Nagkaroon na nga mga ispup sa mga konyong kumakain ng pishbol, “Manong, can I make tusok-tusok the fishball?” Kung nagkulang ka sa hapunan, lumapit ka lang kay Manang at sigurado, mayroon kang mahahanap para sa iyo. Para sa mga gustong mabusog, may balut. Para sa mga mahilig sa matamis, maraming pwedeng pagpilian: banana-cue, kamote-cue, carioca, at iba pa. Kung mahilig sa gulay, may lumpia na may kasamang suka para sa sawsawan. Kung pang merienda at pang-gimik kasama ng barkada ang hinahanap mo, mag-isaw ka.

Madalas kapag may balikbayan na umuwi o may bisita galing Steyts, ang unang bagay na papatikim mo sa kanya ay ang atin napakasikat na balut o ang isaw. Kailangan nilang tikman ang pagkaing kalye habang nasa Pilipinas sila.

Ang pagkaing kalye ay hindi lang nabubuhay sa isang oras sa isang araw. Ngunit naroon siya sa bawat oras. Sa umaga, may makikita ka ng mga manang na nagbebenta ng pang-almusal sa tabi ng terminal ng mga bus. Sa mga karinderya, may mga umuusok na got para sa buong araw. Para sa hapon, bubukas ang mga isawan at pishbolan para sa mga gutom pagkatapos ng pasok o pag pauwi na.

At hindi lang isang tipong pagkain ang binebenta, ngunit para sa lahat ng lasa ng isang tao. Marami kang pagpipilian kun trip mo magpagkaing kalye. May matamis, maasim, maalat, mainit, malamig. May prutas, may gulay, may mani at iba pa.

Ang pagkaing kalye ay madaling hanapan. Kahit saan ka man tumingin, may makikita ka. Kahit nagtatrabaho ka sa Makati o nakatira ka sa loob ng isang subdibisyon, may mahahanap kang pagkain. At hindi mo lang siya mahahanap sa kalye, kundi sa mga restawran at mol din.

Maraming paraan para makita natin ang pagkalahat-lahat ng pagkaing kalye. Ito ay isang bagay na parating nakikitungo sa ibang tao. Mapansin siya at mapapansin mo siya hangga’t sa maging parte ng buhay mo iyon.

Paano umabot ang pagkaing kalye sa literatura?

Umabot ang pagkaing kalye sa literatura ng mga Pilipino dahil nakita ang epekto nito sa Pilipinas. Hindi lang sapat na ilagay sa mga librong panluto ang pagkaing kalye at kung paano siya lulutuin, pero kialangan din tignan kung ano ang naging epekot nito sa buhay ng mga Pilipino.

Isang halimbawa nito ay ang mga libro ni Doreen G. Fernandez. Isa siyang sikat na manunulat na nagsusulat tungkol sa pagkain. Hindi lang librong panluto ang mga sinusulat niya ngunit tungkol din sa pagkain na naging bahagi ng buhay Pilipino. Ang pagkain ay nagsasabi rin ng marami tungkol sa isang kultura o sa isang tao. Madalas sa mga sanaysay ni Doreen G. Fernandez, magsusulat siya tungkol sa isang klaseng pagkain (o minsan tungkol sa isang pagkain mismo) at sasabihin niya kung anong implikasyon nito sa buhay ng mga Pilipino.

Sa mga libro niyang Tikim: Essays on Philippine Food and Culture at Sarap: Essays on Philippine Food, may tig-isang kabanata (o mas marami) para lamang sa pagkaing kalye.

Sa aral na ito, makikita na ang pagkaing kalye ay hindi lang limitado sa mga libro ngunit ito rin ay umabot sa komiks ng Pilipinas. Ito ay ang Kubori Kikiam, isang komiks na lumalabas sa magasin na Culture Crash. Paano pinapakita ang pagkaing kalye dito? Ang pagkaing kalye ay isang importanteng bahagi ng Kubori Kikiam dahil ang mga tauhan dito ay pagkaing kalye mismo.

Paano nakikita ang epekto ng kolonyalismo sa pagkaing kalye?

Ang epekto ng kolonyalismo ay umaabot sa kultura at buhay ng mga sinasakop. Hindi lang ito nakikita sa pamumuhay o ng mga sinakop o sa pagdamit o sa pag-iba ng mga tradisyon ngunit ito rin ay nakikita sa pagkain ng isang bansa o isang nasyon.

Sa Pilipinas, hindi lahat ng pagkaing kalye ay nagmula sa Pilipinas mismo. Marami sa kanila ay galling ibang bansa na dala lang ng mga dayuhan dito noong sinakop ang Pilipinas.

Ang mga Intsik siguro ay may pinakamalaking impluwensiya sa kultura ng pagkaing kalye. Ang siomai, siopao, pansit, butchi, kikiam, taho at marami pang iba ay nanggaling sa mga Intsik. Dinala nila dito ang mga pagkain nila upang pwede pa rin silang kumain ng sarili nilang pagkain habang nasa Pilipinas sila.

Sumikat ito dahil binebenta ito sa mga daan o sa kalye. Ito ay naging “mas Pilipino” dahil sa pag-eeksperimento ng mga Pilipino sa mga pagkain. Isang halimbawa nito ay ang pansit. Ang pansit ngayon ay may iba’t ibang uri na mahirap sabihin kung lahat yun ay nanggaling talaga sa Tsina. Maaari na naging imbensyon lamang ang mga iba’t ibang pansit na pwedeng bilhin sa mga restawran ngayon. Nag-iba ang pansit na dala ng mga Intsik dito at nagkaroon ng maraming bersyon upang mapasaya ang iba’t ibang lasa ng mga Pilipino.

SARBEY NG KAUGNAY NA PAG-AARAL

Pagtingin sa estilo ng paglalarawan na ginagamit sa Kubori Kikiam

Ang ginagamit ng Kubori Kikiam ay ang estilo na sinimulan ng mga Hapones: anime. Noong ikalawang digmaan, may isang Hapones na nakuha ng inspirasyon mula sa mga komiks na galing sa Estados Unidos at Europeo. Siya ay si Osamu Tezuka. Noong bata siya, mahilig siya manood ng mga palabas na Disney tulad nina Mickey Mouse at Donald Duck. Dahil sa hilig niya dito, natuto din siya gumawa ng sarili niyang mga komiks na nagustuhan din ng mga taga-guhit ng panahon niya.

Naniwala siya sa sa pagguguhit ng malalaking ulo at madamdamin na mukha, kaya malalaki ang mga mata ng mga tauhan niya. Naniniwala siya na nakikita ang mga damadamin sa mga mata kaya lahat ng mga iginuhit niya ay may malalaking mata. Hanggang ngayon, nakikita pa rin natin ang impluwensiya ni Osamu Tezuka sa mga bagong anime.

Siya ang unang nagsimula ng anime sa Japan, sa paggawa ng kauna-unang “tankoubon” o “graphic novel” sa titulong “Shintakarajima” o “New Treasure Isalnd” noong 1947. Noong 1963, siya din ang unang gumawa ng guhit-larawan na sumikat sa buong mundo. Ito ay “Testuwan Atom” o “Astro Boy” sa ating lahat.

Ang kaibahan ng estilo niya sa mga estilo ng mga Amerikano ay ang patuloy-tuloy na istorya na ginagamit niya, hindi tulad ng mga Amerikano na pwedeng gawing “stand-alone” ang mga guhit-larawan nila. Ginagamit din niya ang mga balangkas at pinapalalamin din niya ang kwento ng mga tauhan niya. Katulad sa “Kimba the White Lion,” nakikita ang pagtanda ni Kimba mula sa isang batang leon. Nagustuhan ng mga tao ang anime dahil sa pagtutuloy-tuloy ng mga kwento

Noong 1970, ang isa sa mga estilo ng anime na sumikat ay ang paggamit ng “mecha.” Ang “mecha” ay ang paggamit ng mga “robot” o makina bilang mga tauhan. Ang isa sa mga sumikat dito ay ang “Mazinger Z’. Ito ay ang naging pinakasikat na “mecha anime.” May mga ilang kabanata na lumabas sa palabas at mga pelikula din tungkol kay Mazinger Z. Ang paggamit ng mecha ay isa sa mga panakasikat na estilo lalo sa pagdating “Mobile Suit Gundam” noong 1979. Sumikat ito hindi lang sa Japan kundi pati sa mga ibang bansa sa mundo.

Ang sumikat din ng panahong iyon ay ang konseptong “mabuti laban sa masama” o “good vs evil.” Nagsimula ito sa “Lupin Sansei” o “Lupin III.”

Sa panahon ng mga 1980 hanggang sa 1990, lumaki lang ng lumaki ang anime. Dito nagsimula ang paggawa ng “manga” o “adult anime.” Dahil dito, dumami lang ang mga nagkagusto sa anime. May dalawang pelikula na lumabas, sa ngalang “Akira” at “Ghost in the Shell.” Sumikat itong dalawa sa buong mundo dahil sa kanyang kwento, larawan at aksyon. Dahil sa dalawang pelikula, tumatag ang pundasyon ng anime at nakilla siya bilang alternatibo sa kumbensyonal na pagguguhit.

Sa ngayon, hindi pa nakikita ang katapusan ng anime. Lalo pa siyang lumalakas hindi lang sa Japan kundi sa buong mundo din. Madalas lumabas ang mga bagong anime sa ating mga telebisyon. At hindi lang ito limitado sa telebisyon, pero pati sa mga pelikula tulad ng “Princess Mononoke” ng Walt Disney at sa komiks. May mga pagpupulong para sa mga mahilig sa anime sa iba-ibang bansa. Dito sa Pilipinas, nakikita natin ang impluwensiya ng anime sa mga tao. May isang estasyon sa Sky Cable na puro anime lang ang pinapalabas—Animax. Minsan, pag naglalakad ka sa mga mall, may mga taong nakasuot na anime na damit o may anime na buhok. Ang anime ay hindi natatapos sa ngayon.

Pagtingin sa disenyo ng Kubori Kikiam

Ang inspirasyon ng paglalarawan ng Kubori Kikiam ay ang anime, isang estilo na sinimulan ng mga Hapones pero sa ngayon, ginagamit ng maraming tao sa buong mundo.

Sumikat ang anime sa Pilipinas dahil sa palabas tulad ng Voltes V, Daimos, Dragon Ball Z at iba pa. Ito ay naging isang malaking impluwensiya lalo na sa kabataan. Sa tabi ng mga daan, may mga taong nagbebenta ng mga paskil ng kanilang paboritong palabas. Minsan pa nga, memoryado ng mga tao ang mga “theme song” ng mga palabas kahit Hapones ang ginagamit na wika. May mga iba’t-ibang “websites” din na para lang sa anime na nagsimula dito sa Pilipinas.

Ngayon, hindi lang limitado ang anime sa mga palabas o komiks. Minsan may pagpupulung din ng mga mahilig sa anime. Ang isang tpikal na pagpupulong ay ang Cosplay. Ang cosplay ay isant pangyayrai kung saan ang pwede ka magsuot nga damit ng paboritong mong tauhan na anime. May mga parangal na binibigay sa mga taong pinakamagandang suot.

Ang anime ay ang naging inspirasyon sa mga tagapag-simula ng Kubori Kikiam, sina Alfredo Rosales at Michael David. Nagsimula ang Kubori Kikiam noong 1996, bilang isang ideya ni Rosales. Ang uso noong panahon na yun ay mga komiks na galing sa Marvel at DC, ang may-ari ng mga tauhan tulad nila Superman, Batman, X-Men, Fantastic Four, atbp. Bilang estudyante ng Kolehiyo ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilpinas, binalak niyang gumawa ng komiks. At naisip niya gawin ang Kubori Kikiam. Naaliw ang mga kasamahan niya sa konsepto ng mga kikiam na taga-ligtas ng mundo, na pati sa mga klase nila, iniisip nila ang mga iba’t ibang konsepto na pwedeng ipasok sa Kubori Kikiam.

Lumabas ang unang isyu ng Kubori Kikiam sa Culture Crash sa Isyu 3. Ipinalabas siya uli sa Isyu 8 at naging regyular na siya sa mga susunod na isyu. Iba-iba ang nagiging reaksyon ng mga taga-basa –nanibago sila sa bagong konsepto ng isang grupo ng kikiam ay ang mga bida at kalaban nila ang mga fishball at squidball. Dahil sa mga reaksyon ng mga taga-basa, ang nangyari lang sa isyu 9 ay binasa lang ng mga kikiam ang kanilang mga “fan mail.”

Ayon kay Michael David, taga-sulat at isa sa mga nagsimula ng Kubori Kikiam, nagulat ang mga tao sa KK dahil ngayon lang sila nakakakita ng mga pagkaing kalye na nagsasalita at nag-aaway.

Nag-iiba ang disenyo ng Kubori Kikiam depende sa sitwasyon na pinapakita o kung ano ang nangyayari sa kwento. Iniiba ito upang ipakita ang pagkakaiba ng mga eksena sa isa’t isa, lalo na sa mga eksenang flashback. Kapag nagkakaroon ng flashback, ang kulay ng Kubori Kikiam ay nagiging madilim o isa lang ang tono para sa eksenang iyon. Pero, pagbalik naman sa kasalukuyang panahon, ang kulay ay babalik sa dati—makulay at nakakakuha ng atensyon ng mga taga-basa.

Pagsusuri ng takbo ng kwento ng Kubori Kikiam

Ang kwento ng Kubori Kikiam ay nagsisimula sa Isyu 8 ng Culture Crash.

Isyu 8: Masarap Pero Maanghang

Dito natin nakikilala ang ating mga bida—sina Dodon, Manny at Benjo. Pinaglalaruan nila ang mga gagamba. Pagkatapos, kakainin ito ni Manny. Nahanap sila ng bagong gagamba subalit di nila alam na may nakabantay sa kanila—mga pishbol! Inutusan ni Sgt. Ralf sa mga kahukbo niya na mag-ingat sa mga kikiam pero wag silang mag-alala dahil may armas sila na wala sa mga kikiam—ang GCR-100! Inatake nila ang mga kikiam pero ang mga kikiam ang nagtagumpay.

Isyu 9: Simula ng Katapusan, Part 1

Nasa loob tayo ng opisina ng CCCom (Culture Crash Comics), kasama ang mga paborito nating mga kikiam, nagbabasa ng fan mail. Bigla silang nagtaka kung saan sila nanggaling at sinubukan nila gawin ang near death experience experiment kay Benjo upang maalala nila ang ugat nila…

May dalawang bata naghahanap ng mga piso upang makabili sila ng pishbol. Habang naglalaro, may sumigaw na nariyan na ang mga buldoser. Nagkagulo, nawasak ang mga bahay, sumisigaw ang mga tao; at sa gulong ito, may isang injection na tumusok sa kikiam…

Nagising si Benjo ngunit wala siyang naalala at bumalik ang mga kikiam sa pagbabasa ng fan mail..

Isyu 10: Simula ng Katapusan, Part 2

Sa Gani’s Fishball, may dalawang tao na nag-uusap—si Edward at si General Isagani Salonga. Nakaupo si Gen. Salonga at kinamusta niya si Edward. May binaggit silang microwave at pinaalala ni Gani kay Edwdard na siya ang nakasira noon. Nanonood lang si Gani ng balita tungkol sa isang nasusunog na junk shop.

Balik tayo kay Sgt. Ralf. Sila nag may kasalanan kung bakit nasusunog ang junk shop dahil sa utos ni General Isagani. Ngunit may naalala si Sgt. Ralf..

Nakikita niya ang hukbo niya. May iba pa siyang nakikita—isang lalaki, makina, isang malaking butiki, isda, bata, microwave, matulis na alambre.. May narinig siya at nakita ang heneral…

Ngayon, nakikita niya ang hukbo niya. Hindi pwede mawalan ang isa sa kanila.

Isyu 11: Great Balls of Fire, Part 1: Training Day

Ang tatlong kikiam ay nakatali sa isang la mesa at nakaharap kay Gen. Isagani. Galit siya sa kanila dahil hindi dapat sila umalis at sila marunong sumunod ng utos. Idinedemanda niya kung bakit sila umalis. Tinaong ni Dodon kung papatayin ba niya sila katulad sa nangyari kay Jose…

Brownout sa Gani’s Fishball. Humihingi si Jose ng tulong dahil nahulog siya sa sa grinder sa Gani’s Fishball at sumabit ang kanyang damit sa matulis na alambre. Lumapit si Gani sa kanya at pina-abot niya ang kamay niya kay Jose. Pag-abot niya, pinindot niya ang “On.” Sabay bumalik ang kuryente at sigaw ni Jose. Sa kisame, may nanonood na kikiam. Ang huli nating nakikita ay isang bandeha ng pishbols na nasa harap ng microwave…

Pinakawalan ni Gani ang tatlong kikiam at pinagsabihan niya sila na ayaw na niya makita sila uli. Akla nila Benjo, Dodon at Manny na tapos na ang mga problema nila. Di nila alam na may nagbabantay sa kanila.

Isyu 12: Great Balls Of Fire, Part 2: Training Day

Nakikita natin si Gen. Isagani Salonga patungo sa San Dimas Medical Center—may bibisitahin.

Sa opisina ni Gani, sinalubong ng mga pishbol ang tatlong kikiam. Inaakuso sila ni Sgt. Ralf na traydor sila. Nakipagaway ang mga pishbol at kikiam. Sa gitna ng away, may naalala na naman si Sgt. Ralf…

Nasa loob ng paggawaan si Jose. Pinapababa niya si Norio, ang alaga ni Gen. Isagani, sa pader. Sa kanyang pag-abot, kumidlat at nahulog si Jse sa grinder...

Balik tayo sa away. Synugod na nag mga kikiam, ngunit may bagong tauhan na pumasok sa eksena… Si Norio!

Isyu 13: Great Balls of Fire: Part 3: Pizzarella

Sa unang eksena, nakikita natin ang San Dimas Medical Center. May binabasa si Gen. Isagani—sulat galing kay Selma, ina ni Argel. Hindi na niya kayang alagaan si Argel at iniiwan niya si Argel sa alaga ni Isagani. At si Isagani na ang bahala magpaliwanag kay Argel ang nangyari kay Jose.

Kasama ni Isagani si Edward. Dumating ang duktor at hinanap niya ang ama ni Argel. Mabuti daw naman ang pagtanggap ni Argel sa gamut at pwede na siyang umalispaglias ng ilang araw. Nakatingin ang heneral kay Argel at may naalala siya..

Nasa loob ng Gani’s Fishball. Hinahanap ni Argel ang kanyang ama kay Isagani, kumikidlat wsa labas. Tinanong ni Argel kung ano ginagawa ni Edward. Nagluluto daw sa microwave. Pagsaksak niya, biglang kumidlat at nagbrownout. Biglang narinig nila sigaw ni Jose..

Inistorbo ni Edward ang malalim na isip ni Isagani. Aalis na daw siya. Natira si Isagani sa tabi ng kama ni Argel.

Samantala, sa Gani’s Fishball, lumalaban pa rin ang alaga ni Norio at ang mga pishbol. Sa isang hirit ni Dodon, hinabol siya ni Norio. Nakaiwas si Dodon at pumasok si Norio sa lob ng microwave. Inabang ni ralf si Dodon at inasar si Dodon sa pagbalik dahil wala wala sa pagkatao niya. Sa galit niya, sinipa ni Dodon ang isang pishbol na nakaupo sa microwave. Agad umandar ito, at pagtapos—may isang halimaw na lumabas—si Norio!

Isyu 14: Part 4: Deadly Ground

Hinabol ni Norio ang mga pishbol at kikiam. Habang nangyayari ito, sinisigaw niya na gusto niya maging malaya. Biglang may sumabog sa paligid nila at nasunog ang opisina.

Sa San Dimas Medical Center, iniwan niEdward si Argel para bumili ng hapunan..

Habang nasusunog ang opisina, biglang may naalala si Dodon—kung paano sila nagsimula at

Sa loob ng opisina, hinahanap ni sgt. Ralf ang mga kahukbo niya…

Sa malayong lugar, pinapanood ni Norio ang apoy. Malaya na siya.

Isyu 15:

Sa loob ng nasusunog na opisina, kinukuha ni Gani ang mga importanteng bagay. Ngunit paglabas niya, naghimatay siya dahil sa usok at may naalala siya…

Gyera. Kasama niya si Jose—ang kai-isang tao na natira sa hukbo nila. Balik sa grinder sa pagawaan. Nandun si Jose at pinapaliwanag ni Gani na aksidente ang nangyari kay Jose at di niya sinasadya. Pinaalala ni Jose kay Gani na hindi pa tapos ang mga tungkulin…

Ginising ni Sgt. Ralf si Isagani. Pinaalis ni Isagani ang mga pishbol. Naalala niya ang mga kikiam at sana sa susunod, hindi na sila magpapahuli.

Nagising si Dodon habang nakatitig sina Manny at Benjo sa apoy. Kinamusta siya at sinabi ni Dodon sa kanila na alis na sila at sa susunod, wag silang magpapahuli.

Samantala sa San Dimas Medical Center, kagigising lang ni Argel at hinahanap niya ang kanyang ama. Nakikita niya ang nanay, umiiiak habang kinakausap si Gisagani. Kasama naman ni Edward ang mga pulis. Pumasok si Argel sa paggawaan at nakta niya may mga bilog-bilog na pagkain sa may grinder. Nilagay niya sa microwave upang lutuin.

“Argel, halika. May sasabihin ako sa ‘yo,” ika ni Gani.

Pagpapakilala ng mga tauhan

Ang mga Kikiam

Sina Dodon, Manny at Benjo. Nadakip ng hukbo pero pinakawalan din ni Gani. Kinakalaban nila ngayon ang mga squidballs at fishballs upang makatakas sa kampo ng kalaban.

Si Dodon ay ang lider ng grupo. Bastos, seryoso, matigas ang ulo. Ang kanyang armas ay isang espada. Si Dodon ay ang lider ng mga kikiam. Bastos, seryoso. Ang kanyang armas ay ang espada. Mahilig siya magmura at galit sa mga fishballs at squidball. Isa siyang tinatawagan na “anti-hero” dahil hindi siya nagmumukhang totoong bida. Hindi naman siya gwapo o macho, hindi siya mabait at wala namang babae na kailangan iligtas sa mapanganib na sitwasyon.

Ayon sa wikipedia (en.wikipedia.org/wiki/Anti-hero), isang anti-hero ay isang tauhan na nagpapakita ng mga kasalanan o hindi kanais-nais na katangian ngunit may ibang katangian, gawa o lakas na nagugustuhan ng mga taga-basa.

Ang anti-hero ay isang popular na teknik na ginagamit sa mga komiks at ngayon pati sa mga pelikula. Minsan, meron silang tinatago na ayaw ipakita sa ibang tao. Ito ay ang nagbibigay ng kanilang “makulimlim” o “masamang “ personalidad.

Sa kaso ni Dodon, nakikita ito dahil sa ayaw niyang makisama sa ibang tao o sa dati niyang hukbo. Pag-alis niya kasama nina Benjo at Manny, mas lalo pa siyang nagalit sa mundo at nilabas niya ito sa kahit kanino man at kahit anuman.

Si Benjo ay mabait at matalino. Gumagamit siya ng arnis. Si Benjo ay isa sa mga “sidekick” ni Dodon. Umalis siya sa hukbo ni Gen. Isagani Salonga kasama nina Manny at Dodon. Siya ang isang istiryotipikal na tauhan sa Kubori Kikiam dahil siya ang tipong henyo na bida. Pag gumagawa ng plano laban sa mga fishballs at squidballs, siya ang nagbibigay ng kahulugan sa mga kaokohan na ginagawa nila. Siya ang pinaka-matalino sa kanilang tatlo.



Si Manny ang pinakamatakaw sa kanilang lahat. Ang armas niya ay balisong. Kung si Benjo ay ang istiryotipikal na henyong bida, si Manny naman ay ang istiryotipikal na bidang walang ginagawa. Isa sa mga istiryotipikal na sidekick sa mga bda ay ang mga mahilkig kumain at hindi masyadong matalino. Nilalagay lang sila sa kwento o sa pelikula upang matuwa ang mga taga-basa o taga-oannod. Minsan iniisip ng mga taoo na wala talaga silang silbi sa buhay ng mga bida o sa mga kwento, pero pag may mga nakakapanganib na sitwasyon, maaasahan sila. Bigla silang magkakaroon ng lakas o ng talino upang tulungin ang kanilang kaibigan/bida. Nakita ito noong nilalabanan ng mga kikiam ang mga dati nilang kahukbo. Niligtas ni Manny si Dodon noong malapit na siyang mamatay.

Gen. Isagani Salonga/Gani

Retiradong heneral na ngayo’y may isang pishbol na negosyo. Siya ang kasalukuyang pinuno ng hukbo ng mga squidballs at fishballs, at dating pinuno ng mga kikiam. Si General Isagani Salonga ay isang istiryoptiko. Isa siya sa mga tipong galing digmaan ngunit at aakalain na pwede na siya maging bida pagbalik niya sa kanyang dating buhay. Pero ang nangyayari sa kanya, ay masyado niyang iniisip ang digmaan at masyado niyang naalala ang mga masamang alaala, lalo na sa mga nangyari sa digmaan.

Ang hukbo

Binubuo ng mga squidballs at fishballs na pinamumunuan ni General Isagani Salonga. Mga mortal na kaaway ng mga kikiam. Ang hukbo ay nilalaman ng mga fishballs at squidballs. Sila ang dating kasama nina Benjo, Manny at Dodon. Binibigyan lang sila ng mga utos galing kay Sgt. Ralf o kay Gen. Salonga, Hindi sila nag-iisip kung ano ang kailangan nilang gawin, susunod lang isla sa utos. Sila ay ang sidekick ni Gen. Salonga at St. Ralf.

Sgt. Ralf

Ang pangalawang pinuno ng hukbo. Isang squidball at mahusay na sundalo na ngayo’y minumulto ng mga alaalang kanyang nakaraan. Sgt. Ralf ay isang katulad ni Gen. Salonga. Isa siyang taong-digmaan. Siya ay ang tauhang inuugnay sa buhay militar. Ipinapikita niya ang istiryotipikong sundalo o pinuno ng militar: at yun ang ang pagiging diktador, puro away lang ang iniisp at kung ano maging plano nila upang matalo ang mga kikiam.

Jose

Ang nasawing ama ni Argel at kaibigan ni Gani. Nasawi sa aksidenteng pagkahulog sa fishball grinder ng factory ni Gani. Si Jose ay ang kiabigan ni Gen. Salonga. Magkasama sila sa digmann at tinuloy nila ang kanilang pagkakaibigan sa pagtayo ni Gen. Salonga ng negosyo. Mabait siya at makaturungan.

Selma

Asawa ni Jose at nanay ni Argel . Hindi nakayanan ang hirap ng kanyang buhay kaya’t nagpasyang iwan si Argel sa pag-aalaga ni Gani. Si Selma ay ang nanay ni Argel. Ang pinakahalatang katangian niya o instiryotipo niya ay ang pagiging “damsel-in-distress.” Ipinapakita niya na mahina siya talaga at wala siyang lakas, kaya niya iniwan si Argel sa alaga ni Gen. Salonga. Siya ay ang taong walang kaya o madaling sumuko sa mga problemang hinaharap niya.

Argel

Ang nag-iisang anak nina Jose at Selma. (kasalukuyang naka-confine sa San Dimas Medical Center dahil sa sakit na tetanus.) Si Argel ay ang anak nina Jose at Selma. Mahal ni Gen. Salonga si Argel na parang anak na rin niya. Ipinangako ni Gen. Salonga kay Jose na aalagaan niya si Argel. Si Argel ay isang tipikal na bata: makulit, magulo at parati nagtatanong. Isa siay sa mga importanteng tauhan sa Kubori Kikiam kahit ilang beses lang siya lumabas sa komiks.

Edward

Kaibigan ni Gani. Kasalukuyang nagbabantay kay Argel sa ospital. Si Edward ay ang tauhang nilalagay ang sa mga kwqento upang magkaroon lang sila ng linya. Binibigyan lang siya ng mga linya kahit wala siya tlagang silbi sa kwento. Pero ito ang inaakala ng mga tao. Hindi niya alama kung gaano kalakai ang ibibigay niy sa kwento ng Kubori Kikiam.

Norio

Alagang bayawak ni Gani na iniregalo sa kanya dati ni Jose. Naging isang mala-halimaw na nilalang matapos maluto sa microwave oven ni Gani. Si Norio ay ang alagang bayawak ni Gen. Salonga ni bigay ni Jose sa kanya. Ito ang simbolo ng kanilang pagkakaibigan. Pag may nagbigay ng isang bagay na buhay tulad ng hayop, ang ibig sabihin nito ay ang taong yan ay marunong mag-alaga. Parang isang premonisyon ang pagdating o pangregalo ni Jose kay Gen, Salonga dahil sa ilang lingo, iba na ang aalagaan ni Gen. Salonga.

LAYUNIN

Tignan kung bakit sikat ang Kubori Kikiam

Ang Kubori Kikiam ay may iba-ibang katangian kung bakit gusto siya ng mg tao. Ayon kay Michael David, gusto ng mga tao ang Kubori Kikiam dahil sa mga pishbol, squidbol—mga bagay na alam ng lahat ng tao.

Isang katangian kung bakit gusto siya ng mga tao ay dahil sa kanyang kulay. Pag may larawan ka, importante ang kulay para makita ng mga tao ang gusto mong ipalabas. Kung gusto mo nang nakakatako na kwento, madalas puro itim ang kulay ang gagamitin mo. Pero syempre, para pansinin ka ng mga tao, importante ang paggamit ng mga makulay na pintura o crayola. Madalas maliliwanag na kulay ang ginagamit ng mga taga-guhit sa Kubori Kikiam. Pero kapag may balik-tanaw (flashback), iisa lang ang tono ang ginagamit para mapansin ang kaibahan nito sa totoong nangyayari.

Ang diyalogo ng Kubori Kikiam ay isa rin sa mga katangian kung bakit gusto ito ng mga tao. “Bastos” at “makulit” ang dalawang salita na galing sa bibig ni Michael David na pwedeng ilarawan ang diyalogo ng Kubori Kikiam. Ang kauna-unang bagay na mapapansin ng taga-basa sa Isyu 8 ay ang agad na naka-censor na salita. Ito ay ang unang salita sa buong komik at ito ay ang mapapansin ng lahat. Mula sa Isyu 8 hanggang sa Isyu 15, hindi na natin mabibilang kung ilang masasamang salita ang lumabas sa mga bibig ng mga tauhan, lalo na kay Dodon. Ayon kay Michael David, wala pa nga yun sa totoong bersyon ng Kubori. Sa lagay na yun, mahina pa ang pagmumura kaysa sa indie na bersyon. Eto rin ang dahilang kung bakit natutuwa ang mga tao sa Kubori dahil ngayon lang sila nakakakita ng mga pagkaing kalye na nagmumura.

Natutuwa ang mga taga-basa sa mga tauhan ng Kubori Kikiam. Una sa lahat dahil nakakaiba siya. Ngayon lang nakakakita ng mga tao mga pagkaing kalye na pwedeng ilagay sa komiks. Ayon kay Michael David, pasok siya sa parehong lalaki at babae dahil sa mga tauhan. Ang mga lalaki, naaaliwa sa mga kikiam na nagmumura at bastos. Para sa mga babae naman, gusto nila ang mga pishbol dahil kyut sila.

Ang Kubori Kikiam ay nakalagay sa isang sikat na magasin. Ang Kubori Kikiam ay hindi lumabas sa unang isyu ng Culture Crash pero sa mga susunod pa. Nakatulong ito dahil nagkaroon na ng fan base ang Culture Crash. Dahil doon, napansin ng mga tao ang Kubori Kikiam.

Pero sa lahat, dahil nagiging bahagi ng buhay natin ang pagkaing kalye, hahanapin natin ito sa kahit anumang bagay, tulad ng literatura o komiks.

Tignan ang mga implikasyon ng Kubori Kikiam

Ano ang implikasyon ng Kubori Kikiam? Marami tayong mahanap na bagay sa loob ng istory na nagkukwento ng ibang bagay tungkol sa ating kultura. Kahit sobrang babaw ng kwento ng Kubori Kikiam, hindi mawawala ang mga implikasyon nito.

Isa dito ang epekto ng kolonyalismo sa ating kultura. Ang kolonyalismo ay pag ipinipilit ng isang nasyon ang kultura nila sa isabng nasyon. Sa Pilipinas, nakikita natin ang epekto ng mga Kastila, Hapones, pati na rin mga Intsik at lalong lalo na sa Amerikano. Isang halimbawa nito ay ang bawayak na si Norio. Nakita natin sa Isyu 13 na naging isang halimaw na si Norio. Naging isang pizza-halimaw si Norio. Inaway niya ang mga pishbol at skwidbol at hiningi niya ang kanyang kalayaan. Sa kasalukuyan, siya ang nanalo sa laban sa mga kikiam at mga pishbol at nakuha na rin niya ang kanyang kalayaan.

Ano ang ibig sabihin nito? Ang pizza na nakadikit kay Norio ay isang simbolo ng mga Amerikano. Isa siyang simbolo ng kulturang Amerikano na ipinasa sa mga Pilipino. Ang pizza ay unang ay nanggaling sa mga Intsik (na pinasa lang sa mga Italyano dahil kay Marco Polo), pero dahil sa mga restawran tulad ng Pizza Hut, Shakey’s, Yellow Cab atbp na dala ng mga Ameikano sa Pilipinas, masasabi natin na ito ay isang Amerikanong gawa. Ang kanyang pagkanalo ay isang simbolo ng lakas ng mga Amerikano sa mga mas mahirap o mas maliit sa kanila. Kahit anong laban gawin ng mga mga mas maliit na bansa laban sa mga Amerikano, magtatagumpay pa rin sila. At ang malulugi lang sa laban na iyo ang mga mas mahirap—tulad ng mga kikiam, squidball at fishball.

Makikita din natin ang pilosopiya ni John Locke sa Kubori Kikiam. Sabi ni John Locke na dapat ibigay mo ang sariling mga karapatan sa lipunan para sa kabutihan ng lahat. Ito ay para maiwasan ang tinatawagang “state of war.” Pag hindi mo binigay lahat ng mga karapatan, magkakagulo lamang. Nakita natin na nangyari ito sa ating mga bida. Noon, bahagi sila sa hukbo ni Gen. Salonga pero dahil di nila nakita ang sarili nila doon, umalis sila. Dahil umalis sila sa isang komyunidad, nagkagulo. Nagkaroon ng “state of war” (Locke, 1690) ang mga kikiam at mga pishbol. Naiwasan sana ito kung hindi sila umalis sa hukbo nila.

Men being by nature all free, equal, and independent, no one can be put out of this estate and subjected to the political power of another without his own consent. The only way whereby any one divests himself of his natural liberty, and puts on the bonds of civil society, is by agreeing with other men to join and unite into a community for their comfortable, safe, and peaceable living one amongst another, in a secure enjoyment of their properties and a greater security against that are not of it…

…And thus every man, by consenting with others to make one body politic under the government, puts himself under an obligation to every one of the society to submit to the determination of the majority, and to be concluded by it; or else this original compact, whereby he with others incorporates into one society, would signify nothing, and be no compact, if he be left free and under no other ties than he was in before in the state of the nature…

Sa Kubori Kikiam din natin nakikita ang pag-“iindigenize” ng mga Pilipino sa kultura ng iba. Ang squidball, fishball at kikiam ay dala ng mga Intsik sa Pilipinas. Ngayon, mas kilala na siya bilang pagkaing Pilipino. Inangkin natin ito hangga’t sa naging bahagi siya ng ating kultura. Isa lang ito sa maraming bahagi ng kultura ng iba na ginawang Pilipino.

Ang mga implikasyon ng Kubori Kikiam ay hindi nagtatapos sa kwento niya. Nakikita din natin ito sa kanyang disenyo. Ang Kubori Kikiam ay noong una, nagsimula bilang isang komiks ng mga estudyanteng taga-Fine Arts. Bago sila nakarating sa Culture Crash, ito ay naging isang independente o “indie” na komiks. Dahil indie siya, pwede mong ilagay ng kahit ano dito at walang mag-sesensor sa iyo. Isang halimabawa ay ang paglagay ng mga mura o bastos na bagay. Ngunit noong lumipat sila sa Culture Crash, nagkaroon ng pagbabago ang Kubori Kikiam dahil may sensor na. Iniba nila ang diyalogo at tinanggal ang mga bastos na bagay. Pero minsan may mga nakakulusot. Noong kinausap ko si Michael David, taga-sulat at isa sa mga taga-simula ng Kubori Kikiam, ipinayo niya na pansinin ko raw ang mga kikiam. Hindi ba sila mukhang mga phallic synbol? Maraming tinatago ang Kubori Kikiam na hindi kanais-nais para sa lahat ng mga taga-basa niya. Ang paglalagay ng phallic symbol sa loob ng isang komik ay isang paraan upang maiwasan ang mga tuntunin na nakalatag para sa atin.

Tignan ang epekto ng pagkaing kalye sa ating kultura

Pag tinignan natin ang mga isawan sa UP, sa may Ilang Ilang sa may Kalay, hindi isang klase ng tao ang kumakain doon, kundi lahat ng tao. Mayamn o mahirap, nariyan sila. Estudyante ng UP, estudyante ng Ateneo, estudyante ng Miriam o kung anupaman, doon sila magkikita-kita at tatambay pagkatapos ng pasukan. Nagtatrabaho man o nag-aaral, ganon din ang sitwasyon.

Ang pagkaing kalye ay nagpapasimuno ng komunidad. Habang nagtitipon-tipon ang mga tao sa pishbolan at hinihintay nila maluto ang kanilang pagkain, kakausapin nila ang mga katabi nila. Mag-uusap sila hanggang magsawa sila sa pishbol at sa huli, magiging kaibigan na sila. At hindi lang ito limitado sa katabi mo kundi sa mga ibang tao sa paligid mo.

Ang pagkaing kalye ay hindi namimili ng tao. Katulad ng mga Pilipino, bukas siya sa lahat ng tao. Kung ang Pinoy naaaliw sa mga dayuhan at iniimbita sila sa mga bahay nila, gannon din ang mga pagkaing kalye natin. Dahil siguro nakakaiba siya, kaya siya nagugustuhan ng marami. Kapag may dayuhan o bisita galling ibang bansa, agad natin ipapatikim sam kanila ang ating mga pagkaing kalye, lalong lalo ang isaw at balut. At madalas, nagugustuhan siya ng mga turista.

Isang matatag na kaibigan ang pagkaing kalye. Nandyan siya parati pag kailangan mo siya. Siya ang nakakaalam ng lahat ng tsismis na nangyayari sa buhay mo. Siya lang ang nakakarinigsa lahat ng kwento ng mga tao. Pero ang maganda sa kanya, hindi tulad ng mga ibang tao, hindi siya tsismoso. Pagkatapos niyang pakinggan kwento mo, maitatago niya dahil papasok na siya sa bibig at tiyan mo.

Tinuturuan niya tayo na huwag magkaroon ng biases sa ibang tao. Kung ang pagkaing kalye ay nagtatanggap ng kahit sinuman, ba’t hindi tayo pwede maging tulad nila? Minsan nakakasakit sa tiyan ang pagkaing kalye, pero ito ay dahil ayaw tanggapin ng katawan ng iba ang isang bagay na iba sa nakasanayan niya. Kung matuto tayo magtanggap ng tao na iba sa atin, makikita natin ang epekto nila as buhay natin. Katulad ng pagkaing kalye. Dahil dito, natututo tayo magtanggap ng kahit sino—mayaman o mahirap, lalaki o babe, bakla o hindi, nagtatrabaho o hindi—at sinasabi na ganito dapat ang mundo. Ganito dapat tayong lahat. Sa bawat tikim o kagat ng pagkaing kalye, sana matuto natin ito.

Hindi siya mawawala sa ating buhay. At parati siyang magbibigay saya para kanino, kahit kailan.

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Ang pagkaing kalye ay hindi lang panlipas gutom, ngunit ito ay isang kultura. Nakikita natin kung gaano kalawak ang sakop ng pagkaing kalye sa ating mga buhay-buhay.

Makikila din ang mga Pilipino dahil sa pagkaing kalye. Marunong ang mg Pilipino. Ginagamit natin lahat ng bahagi ng katwan ng manok para hindi ito masayang. At ginagamit natin lahat ito para mapsaya ang buhay ng iba, sa paraan ng pagkain. Sa halip ng ating mga patuloy tuloy na problema sa ating ekonomiya, lalo na noong Ikalawang Digmaan, nakakahanap ng paraan para mabuhay.

Sumikat ang Kubori Kikiam, hindi dahil siya ay ang pinakamagandang kwento sa Culture Crash pero siguro dahil may kasamang kikiam ito. Kung tinitignan ang istorya at ang pagkukulay at pagguguhit ng Kubori, ang nagkakaagaw ng pansin dito di tulad ng One Day, Isang Diwa o Pasig ay ang paggamit ng squidball, fishball at kikiam bilang tauhan.

Naging inspirasyon ang pagkaing kalye para sa mga taga-simula ng Kubori Kikiam dahil nakita nila na ang pagkaing kalye ay isang bagay na hindi mawawala sa kulturang Pilipino. Mapapansin ito ng kahit sinong tao. At kahit hindi nila maiintindihan yung kwento o kahit ayaw nilang intindihin ang kwento, ang Kubori Kikiam ay makakakuha pa rin ng taga-basa dahil sa paggamit ng pagkaing kalye.

Hindi lang sa panitikan ang abot ng epekto ng pagkaing kalye. Ngunit ang panitikan nito (Kubori Kikiam) ay isang epekto ng pagkakaroon ng pagkaing kalye. Pinapakita natin ang epekto ng pagkaing kalye sa iba-ibang paraan, katulad nila Michael David at Alfredo Rosales na gumawa ng isang komiks tungkol sa pagkaing kalye.

Ang pagkaing kalye ay isang paraan para makilala ang ating kultura. Ang kulturang Pilipino ay hindi lang limitado sa mga istiryotipo na binibigay ng mga ibang bansa. Ang Pilipinas ay hindi lang isang bansa na puro OCW, nars at mga nagtatrabaho sa mga “call centers”, pero hindi rin ito isang bansa na nangingibabaw ang mga tribu na nakatira sa Pilipinas. Ang makikita sa pagdating ng pagkaing kalye ay ang pagtanggap at paghalo ng mga Pilipino ng mga iba’t ibang kultura. Ang mga Pilipino ay mahilig magtanggap ng kahit anong binibigay ng mga iba sa kaniula. At kung hindi ito “pasok” sa kultura, maghahanap ng paraan upang maging bahagi siya ng kulturang Pilipino. Isang halimbawa nito ay ang pagkaing kalye na inangkin ng mga Pilipino ang pagkain na mula sa ibang bansa, tulad ng Tsina. Ang kikiam, squidball, fishball, siomai, siopao, pancit atbp ay tradisyunal na pagkaing Intsik ngunit dito ay isang regyular na pagkain at nakikita na sa mga kalye. Isang halimbawa ng epekto ng kultura ng iba sa kuturang Pilipino ay ang Pinoy Big Brother o ang mga taong gumagaya sa pagdamit ng mga artistang taga-Hollywood. Iilan lang ang mga yan sa epekto ng kulturang banyaga sa kulturang Pilipno na inangkin na at pwede na ring ituring bahagi ng kulturang Pilipino. Kung hindi binebenta ang mga suman, kutsinta, puto’t iba pa, siguro mawawala ito tulad ng ating mga ibang tradisyon.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Pagkaing kalye- pagkain na literal, binebenta talaga sa mga kalye. Maaari ito magiging luto na, pinirito, inihaw o kung ano pang klaseng luto. Pwedeng kainin mag-isa o may kasamang sawsawan.

Isaw- mga bituka ng manok na inhaw at madalas sinasawsaw sa suka

Balut- nilagang itlog ng pato

Pishbol- bilog-bilog na karne ng isda na pinirito at sinsawsaw

Skwidbol- bilog-bilog na pusit na piniprito at sinasawsaw

Kwekwek- nilagang itlog ng maliit na ibon

Penoy- nilagan itlog ng pato pero walang sisiw sa loob

Kikiam- piniritong putol ng karne na sinasawsaw; noong dati ay tinatawagang que-kiam, isang pagkaing Intsik na inangkin ng mga Pilipino sa pagkain nila. Ito ay baboy at gulay na nakabalot sa bean curd sheets o tokwa at piniprito.

Kamote- cue- putol ng kamote na sinasawsaw sa asukal bago piniprito

Banana-cue- saging na sinsawsaw sa asukal bago piniprito

Anime- isang estilo na pagguguhit na sinimulan ng mga Hapones na madalas may malalaking ulo at madamdamin na mukha

Manga- tipo ng anime na para sa mas matanda na nagpapakita ng di kanais-nais na ugali o salita. Minsan nagpapakita din ng anyo ng mga babae o lalaki. Inaakala ng mga tao na ito ay ang “porn” ng anime.

Kolonyalismo- pilit na pagbabago kung saan isang kultura, lipunan o nasyon ay nangingibabaw sa iba

Demokratisasyon- isang aksyon kung saan isang bagay ay nagigingpara sa lahat o demokratiko

Phallic sumbol- representasyon ng anyo ng lalaki

Sidekick- isang tauhan ginagamit upang tulungan ang bida sa kwento

Anti-hero- isang anti-hero ay isang tauhan na nagpapakita ng mga kasalanan o hindi kanais-nais na katangian ngunit may ibang katangian, gawa o lakas na nagugustuhan ng mga taga-basa.

Ang anti-hero ay isang popular na teknik na ginagamit sa mga komiks at ngayon pati sa mga pelikula. Minsan, meron silang tinatago na ayaw ipakita sa ibang tao. Ito ay ang nagbibigay ng kanilang “makulimlim” o “masamang “ personalidad. Pero may gagawin silang tama o mabuti sa kwento, kaya sila magiging bida.

Damsel in distress- magandang dalaga na nililigtas ng bida

Stock characters- isang teknik sa literatura na ginagamit para sa ipalarawan o ipakilala ang tauhan na nakasalalay sa mga istiryotipiko para sa kanilang personalidad, pagsasalita at iba pang katangian. Ang iilan sa mga pinakita sa Kubori Kikiam ay ang anti-hero, sidekick damsel in distress at ang mga taga-militar.

METODOLOHIYA

Interbyu

Ang ginamit ay isang inerbyu upang makuha ang mga ideya ng taga-sulat at taga-simula ng Kubori Kikiam, si Michael David.

Pagsusuring Intertekstwal

Ang ginamit ay pagsusuri ng iba’t ibang libro hindi lang tungkol sa pagkaing kalye ngunit tungkol din sa iab’t ibang teorya tungkol sa lipunan. I

SAKLAW NG PAG-AARAL

Ang sakop ng pagusuri nito ay limitado lamagn sa mga isyu ng Cukture Crash, mula 8 hanngang 15.

Ang ginamit din ay mga libro ni Doreen G. Fernandez: Sarap: Essays on Philippine Food at Tikim: Essays on Philippine Food and Culture.

KONGKLUSYON

Mabubuhay kaya ang Pilipino kung wala tayong pagkaing kalye? Hindi ito mawawala sa ating kultura dahil nakikita natin ang epekto ng pagkaing kalye sa buhay natin.

Nagbibigay siya ng hanapbuhay para sa mga kailangan nito. Hindi kailangan ng mga mamahaling gamit upang makapagsimula ka ng pagkaing kalye na negosyo. Hindi rin mamahalin ang mga pansawsaw o panluto. Hindi ka rin mahihirapan mag-tayo ng isang tindahan o bilihan nito. Madalas pag luto na ang binebenta (tulad ng banana-cue, turon, etc), ibibitbit nalang ito. Ang mga presyo ng pagkaing kalye ay mura din kaya lahat nakakabili at nakakatikim ng pagkaing kalye.

Marami ang inaabot ng pagkaing kalye sa ating buhay. Nagbibigay siya ng saya kahit kanino. Hindi lang limitado ang pagkaing kalye sa kalye, kahit yan ang tawag sa kanya. Ngunit umaabot ito sa ating mga puso at nagiging bahagi ng ating buhay at ng ating pagka-Pilipino.

BIBLIYOGRAPIYA

www.animeinfo.org

www.culturecrash.com

http://cooking.houseonahill.net/index.php/food/recipe/kikiam-que-kiam/

Kubori Kikiam GP 3-4

www.wikipedia.org

Readings in Social Science II: Social, Economic and Political Thought; University of the Philippines Press, 1993

Fernandez, Doreen G. Sarap: Essays on Philippine Food. Mr. & Ms. Pub. Co., 1988

Fernandez, Doreen G. Tikim: Essays on Philippine Food and Culture, Anvil Publishing, 1994

Culture Crash Comics





4 Comments:

  • i know that there are many street food that we have eaten today! but we have a different languages too that we are using today like what do you say before MANONG CAN I MAKE TUSOK TUSOK THE FISHBALL? smething like that so i hope you will make some article about the different speaking or languages that the other people using today..not like the past people if they are using english language the way they use it is easy for them and not like today we are using an english CARABAO so i hope again that you have some article about that thanks and more power to all....and again my name is CHASTINE VIZCARRA my email is real1prettygurl pls add some comment on my profile im first year from san jose del monte bulacan thank you again..till hir!!

    By Anonymous Anonymous, at 7:54 PM  

  • At times responses like these is going to be difficult to have faith in nevertheless
    there’s loads of pertinent and also precious recommendations in this article.
    Folks that write-up this data can be thanked.
    Feel free to surf my blog post - genital warts Removal

    By Anonymous Anonymous, at 8:39 AM  

  • Good content along with to the point. I don't know if this is the truth is the right spot to ask yet does one many people have any kind of just what it where we can get some ghost writers? Appreciate it ahead of time.
    Here is my web site ... Records Search

    By Anonymous Anonymous, at 10:50 AM  

  • really good story. thanks for posting this sir.
    i hope to see more post on your blog soon.
    thank u and god bless

    buhay kalye philippines

    By Blogger Rhosze, at 5:00 PM  

Post a Comment

<< Home